Chapter 12: Tour

10 0 0
                                    

"Daliaan mo Sam! Sumakay ka na!"

"Oo. Ito na nga nagmamadali na nga ako eh." 

Sumakay na ako sa sasakyan ni Karla at sa harapan ako umupo.

 "Wow gurl. Di na ako sanay na makita kang naka jeans lang tapos na ka blue na t-shirt. Simple  yet beautiful. Ang ganda parin ng fit mo ha. Nakakainggit naman."

Nahiya naman ako sa compliment ni Karla.

"Karla. Teka,san mo ba ako balak dalhin?"

"Ay nako Gurl. Wag ka na ngang tanong ng tanong. Basta kung saan man tayo dalhin ng manobelang ito, maki-ride ka na lang okay?"

Binuksan na  ni Karla ang engine ng sasakyan at nag simula ng magmaneho.

"Karla, ang galing mo nang magmaneho ha. Dati palagi mong binabangga ang sasakyan ni Kaloy nung nag-aaral ka pa lang mag drive."

Biglang napatingin si Karla sa akin at napangiti. Saka i-binalik ang tingin sa daan.

"Samsam. Akala ko ba over ka na kay Kaloy eh bakit ngayon pinapasok mo sya sa usapan? Liar ka no." 

"Grabe  ka naman. OO naman over na ako sa kanya. Eh syempre di rin naman maiiwasan na mapasama sya  sa usapan kasi minsan din naman tayong nagkasama-sama. Kahit anong pilit kong iwas, di ko ata magagawa yun. We can't change our past."

"May point ka gurl. Pero, teka nga muna. Big question mark parin kasi samin ni George, bakit nga ba bigla kayong nag-hiwalay?"

"Ewan ko ba. Naging mabilis din ung mga pangyayare eh. Basta ang alam ko lang, ako ang nakipag-hiwalay sa kanya."

"Nakipaghiwalay? ikaw? Ikaw ang nakipag hiwalay sa kanya? Bakit?? Nahuli mo ba sya na may babae? Niloko ka ba nya? Pinagpalit ka ba nya sa iba?"

"Okay. Chill ka lang Karla. Oo ako ang nakipag hiwalay. Wala namang third party. Walang lokohan or pag-papapalit sa iba."

"So, anong nangyare?"

"Siguro, napagod na lang din ako na intindihin sya. Basahin at hulaan kung anong problema saming dalawa. Bigla na lang syang naging cold at wala ng time sa aming dalawa. Alam mo Karla, para sa akin kasi ang pag mamahal hindi lang sinasabi kundi ginagawa." 

"Eh, ano namang sinabi ni Kaloy nung nakikipag hiwalay ka?"

"Ai nako, yun na nga yung pinaka nakakainis na part. Ni hindi sya nagsasalita eh sigaw na ako ng sigaw. Tinanong ko naman sya kung mahal nya pa ako. Paulit-ulit pa nga eh. Pero hindi naman sya sumasagot. So ayun. Siguro di na nga nya ako mahal kaya di sya makasagot."

"Eh Sam, pano ba naman sasagot yung tao eh kasasabi mo nga lang sigaw ka ng sigaw sa kanya. Kilala ko si Kaloy, pag naunahan na yan ng kaba at takot di mo na mapagsasalita yan. Di mo ba yun alam? At tsaka, pinakinggan mo ba muna ung paliwanag nya?"

"Pano ko papakinggan, eh di nga sumasagot diba?"

"Minsan kasi, ang mga lalaki kahit sinisigawan na sila ng mga babae, nananatiling tahimik na lang sila para di na lumala ang sitwasyon. Ganon nila pinapakita ang respeto at pag mamahal nila sa isang babae."

"Pano mo naman nalaman yan? Eh hindi ka naman lalaki?"

"Ay nako, noon kasi kapag nag aaway si Daddy at si Mommy hindi naman sa pagiging under pero si Daddy kasi mas pinipili na lang nya na tumatahimik para di na lumaki ang gulo. Si George ganun din saming dalawa. So siguro, sa mga lalaki natural na ang ganong ugali. Siguro ganon din si Kaloy."

Natahimik na lang ako bigla sa sinabi ni Karla at napatingin sa daan. Para kasing pamilyar ang lugar na aming dinadaanan.

"Karla, diba malapit sa simbahan na yan yung village nila Kaloy?"

"Yes gurl. Sa tapat lang nyan ung village nila. Ikaw ha. walong taon na ang nakalipas, natatandaan mo parin.. yieeee."

Biglang kumanta si Karla

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig."

"Karla, pwede ba?"

"Joke lang naman. Ah alam ko na. Dumaan muna tayo sa simbahan. Gusto ko rin mag pasalamat dahil na-idaos namin ang birthday ni Nathan. Wag ka mag-alala. Sa tingin ko naman wala sa village na yan si Kaloy kasi sa pag kakaalam ko buhat na maging abogado yan,  sa Manila na sya tumira  at bihira na lang umuuwi sa probinsya."

 "Kahit naman makita ko sya, wala na akong pakielam. May mahal na akong iba at malamang masaya na rin sya sa piling ng iba."

"Charotera ka gurl. Sinasabi mo lang yan ngayon pero pag nasa sitwasyon ka na baka kainin mo lahat ng sinabi  mo."

"Bahala ka nga sa buhay mo."

Nag park na si Karla at saka pinatay ang sasakyan.

"Oh, Sam. Andito na tayo. Baba na."

"Karla, ano nga ba ang pangalan ng simabahan na ito?"

"Mt. Carmel Church."

My Diary: First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon