UGHHHHHHHHH!!!
Hai grabe, nakakapagod ang araw na ito. Ang dami kasing naiwang trabaho masyado sa opisina. Kung di sana ako pumuntang Batangas edi sana di ako matatambakan ngayon. Kung di ko lang kaibigan si Karla hindi na talaga ako pupunta dun eh. Pag kaibigan talaga ang hirap tiisin.Hai... Napagalitan pa ako ni boss Argee kasi di ko nagawang tapusin ang mga financial report ng company. Si boss Argee ang CEO ng Ayala-Alabang Inc. Sobrang yaman nya at symepre Ayala- Albang nga diba. Sila lang naman ang isa sa pinakamayamang tao dito sa Pilipinas. Kung dati sa BDO ako nag tatrabaho, ngayon sa isang sikat at bigatin ng corporation at dahil dito na ako nag tatrabaho ngayon, mas mabigat ang responsibilidad na hawak ko.
Maya-maya biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko.
"Pasok."
Akala ko kung sino. si Joven Kaye, Gian at Bea lang pala. Ang "powerpuff girls"
"SAM.....!!!!" matinis na sigaw ni Bea
"Ai nako Sam, balita ko napagalitan ka rin daw ni Boss Argee? KAMI RIN KASI EHHH. hahahahaha" tanong ni Joven Kaye
"Haii.. Oo eh. Di ko kasi natapos ang financial report ko kasi diba pumunta ako ng Batangas? Haist. Ayaw ko pa naman na napapagalitan ako kasi nakakasira ng image ko yun"
"Nako. Di ka na nasanay kay Boss. Alam mo naman yun, napaka- napaka- NAPAKA- SUNGIT TALAGA. Mag kamali ka lang RA-TA-TA-TA-TAT na ang bunganga." sagot ni Gian.
"Hai, ewan ko ba. Ganon lang talag siguro ang ugali ng mga businessman na may matataas na posisyon. Parang palaging galit sa mundo?"
"Wag mo na kasing isipin yan! Teka! Kaya nga pala kami naparitong tatlo kasi....."
biglang napatigil mag salita si Joven dahil biglang sumingit si Bea.
"KASI YAYAYAIN KA NAMIN SANANG LUMABAS! EAST WOOD SANA TAYO.. EAST WOOD EAST WOOD!!!"
Bigla na lang nag ninja hop si joven kaye at madaling tinakpan ang bibig ni bea..
"eeesh woo, eeeshh wooooooo!!"
"Ang ingay mo Bea! Pwede ba?? hindi kami bingi kaya hinaan mo boses mo..!" sagot ni joven kaye
"Shhhhhh! Wag nga kayong maingay na dalawa. Mamaya marinig pa tayo ni Boss. Sige kayo, baka mamaya ju-mackpot na tayo sa kanya!! Ma sesante pa tayo! " pabulong na sagot ni Gian.
Habang nag kakagulo silang tatlo, napangiti na lang ako bigla dahil nakakatuwa silang tingnan. Para kasi silang mga bata. Ay hindi pala. Parang mga aso at pusa kung mag away. Hmmmm. Hindi lang yun. Para rin silang mga tindera sa palengke ang IINGAY! Lalo na itong si Bea.
Si Bea na hindi mo malaman ang totoong identity. Kasi Kwan Wong ang apelyido nya. Parang chinese diba? Pero hindi daw sya chinese. Ang gulo no? Tapos kung maka sigaw ito, sobrang tinis. Ang sakit sa tenga! Kaya itong si Joven, to the rescue palagi. Sya kasi ang gumagawa ng job bilang taga takip ng bibig ni Bea.
Ito namang si Joven Kaye a.k.a Jovs. Isa paring maingay ito. Nako, kung mag joke ito sobrang korny pero sa ka-kornihan, minsan bumebenta narin. At ang huli si Gian. Maingay din ang babaeng ito eh. Kilala sya sa talent nyan "hoolahoop".Palage nyang ipinag mamalaki na magaling syang mag hoolahoop gamit ang invisible hoolahoop. SO, para lang syang baliw na nag hoholahoop, pero wala naman syang ginagamit na hoolahoop. Ganon ka lakas at katindi ang imagination nya.. -___-
Pero sa totoo lang, pag kasama mo sila, nakakatanggal ng pagod at stress yung mga kalokohan nila. HAHAHAH. Masaya silang kasama. :)
"Nako, sorry ha. Sobra kasi akong napagod ngayong araw. Pinilit ko kasing tapusin ung mga papers ko eh sobrang nakain ang lakas ko. Baka di na ako sumama. Gusto ko na kasing umuwi para makapag pahinga. Sorry talaga ha?"
Kitang-kita yung pag babago ng mood sa mukha nila.
"Ganun ba? Sayang naman" Sagot ni Bea.
"Sige okay lang. Naiintindihan namin." Malungkot na tonong sagot ni Joven.
"Sige Sam. Next time ha? Sumama ka samin pag nagkayayaan ulit. Mag pahinga ka ng mabuti ha." nakangiting sagot ni Gian.
"Sige. Promise babawi ako" :D
. Nabalot ulit ng katahimikan ang buong kwarto. Tumayo na ako at inayos ko na ang mga gamit ko. Kinuha ko ang bag ko sa lamesa. Tiningnan muna baka may nakakalimutan akong ilagay na gamit at saka naglakad papalabas ng opisina ko.
Sa pag lalakad ko, nakasalubong ko ang janitor ng 30th floor. Ang pangalan nya ay Tomas Ralph, pero tinatawag na lang namin syang Pipay. Nasa 50 na siguro ang edad ni Manong Pipay at 20 years na syang janitor dito sa kumpanya kaya kilalang kilala na sya ng lahat dito. Sa sobrang sipag ni Manong Pipay, napag-patapos nya ang 3 nyang anak. Ung isa HRM ngayon nasa abroad na at nag tatrabaho sa isang 5 star hotel. Ung isa naman, teacher na sa isang sikat na unibersidad dito sa Pilipinas at ang huli ay isang engineer na at nag tatrabaho sa isang bigating kumpanya. Di ko lang din maintindihan bakit kelangan pa nyang mag trabaho eh ayos na naman ang buhay ng mga anak nya. Siguro, ganon nya lang kamahal ang Ayala-Alabang Inc. kaya kahit uugod-ugod na, pinag sisilbihan nya parin ang kumpanya.
"oh, Ma'am Sam, ang aga mo atang umuwi? Alas kwatro pa lang ng hapon ah. May lakad ka ba?"
"Hindi po Manong Pipay. Natapos ko lang po ng maaga ung mga papers ko eh napagod lang po ako ng sobra kaya gusto ko ng umuwi."
"Ah ganun ba? Teka, di ka ba sasama sa lakad ng mga kaibigan mo?"
"Hindi na po eh. Nakausap ko na sila at nasabi ko na hindi ako makakasama. Nagtampo nga po ata eh."
"Ahhh.. Ganun ba? Sya iha. Mag iingat ka pauwi at tsaka mag pahinga ka ng husay. Teka, ihatid na kita sa elevator."
"Nako, salamat po Manong Pipay".
Bumukas ang pinto ng elavator at tuluyan na akong nag paalam kay Manong Pipay. Lumabas na ako ng building at sumakay na sa taxi.
"Kuya sa Mandaluyong po. Paragon Plaza."
BINABASA MO ANG
My Diary: First Love
RomanceMay mga panahon na gusto nating ibalik ang oras para baguhin at itama ang isang pagkakamali ng ating nakaraan. Kung titingnan natin, time machine ata ang kailangan para matupad ang inaasam. Pero, pano kung may iba pa palang paraan. Pero sa pag kakat...