"Oh, mga Tambo exit sa kabila bumaba."
Nagising ako sa sigaw ng kunduktor ng bus. Ang tagal ko palang nakatulog. Di ko namalayan na nandito na pala kami sa Batangas. Pitong taon na rin ang nakalipas nung huli akong nakapunta dito. Kasama ko pa noon si Carlos. Un ung araw na ipinakilala nya ako sa kanyang pamilya.
Siksikan ang mga tao at nagmamadaling lumalabas sa loob ng bus. Tumayo na rin ako para bumaba. Sa harapan ko ay isang matandang babae na may 60 na siguro ang edad. Nakababa na rin ako sa wakas.
"Sam!"
Hinanap ko kung saan nangmumula ang sigaw ng isang babae.
"Sam! Dito sa gilid!"
Nakita ko sa gasolinahan ng Flying V si Karla. Matangkad, singkit ang mata at maputing babae. Kumakaway habang tinatawag ang aking pangalan. Kasunod nya, bumaba rin sa asul na honda jazz ang kanyang asawa na si George. Matangkad,singkit na mga mata at kayumanggi.
"Karla! Grabe, long time no see. Kamusta na kayo ni George?"
"Eto, mabuti naman.. Grabe. Ang dami ng nagbago sayo ha. Di ako sanay sa new look mo. Dati ang haba pa ng buhok mo, ngayon tingnan mo. Hanggang balikat na lang."
"Eh kasi naman Karla. Nung huli pa ata tayong mag kita eh nung graduation pa natin nung college. Di ko nga akalain na itong si George pala ang makakatuluyan mo. Eh nung first year tayo, para kayong aso't pusa kung mag away."
"Ay nako, Sam. Under nga ako nitong si misis eh. Nako, nung pinagbubuntis pa lang nito si Nathan, pag di mo nadalhan ng hinog na mangga, lahat ng babasagin sa bahay ibabato nito sakin. Kaya nga pinalitan ko ng plastic ang mga gamit namin sa kusina eh para safe." pabirong sagot ni George.
"Teka, maiba ako Sam. Kayo ba. Kamusta na kayo ni Kaloy? Kelan ang kasalan?"
Napatingin sa akin si Karla at sabay nyang kinulbit si George. Natigilan si George. Panandaliang natahimik kaming tatlo. Naputol ang katahimikan nang mag salita na si Karla.
"Sya gagabihin na tayo George. Kunin mo na ang gamit ni Sam at ilagay sa sasakyan."
Kinuha ni George ang bag ko at dali-daling isinakay sa compartment ng sasakyan.
"Tara na Sam!" Sigaw ni Karla.
At sumunod na ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Diary: First Love
RomansaMay mga panahon na gusto nating ibalik ang oras para baguhin at itama ang isang pagkakamali ng ating nakaraan. Kung titingnan natin, time machine ata ang kailangan para matupad ang inaasam. Pero, pano kung may iba pa palang paraan. Pero sa pag kakat...