"Ay nako Sam. I'm sure magugustuhan mo kung san tayo pupunta ngayon. Syempre nakaipon naman kami ni George para mapag handaan ang birthday ni Nathan kaya sa La Virginia Resort sa Mataas na kahoy ang napili naming lugar. Maganda duon. I'm sure magugustuhan mo!
"Well Karla. Same naman tayo ng taste eh so I think magugustuhan ko nga yan. Sayang nga at wala si Marco. Gusto ko sana sya isama kaso na assign sya sa Zamboanga ngayon kaya kahit anong pilit ko na isama at ipakilala sya sa inyo, di talaga pwede."
Biglang pumasok sa usapan si George.
"Sino naman si Marco?" Nakangiting tanong ni George.
Bagong jowa mo?" Biglang nawala ang ngiti ni George.
"Sabagay, limang taon na nga naman ang nakaliipas nung mag hiwalay kayo ni kaloy."
"George!" pasigaw na sabi ni Karla.
"Wag ka mag-alala Karla. I'm ok . Matagal na yon. Matagal ng tapos. Matagal na akong naka move on. George, si Marco. Sya ang boyfriend ko. Sundalo sya na nakilala ko sa Cebu dati. Hayaan mo, pag may pagkakataon, papakilala ko sya sa inyo."
Muling ngumiti si George at saka sinabi..
"Sayang talaga kayo ni Kaloy. Bagay na bagay pa naman kayo."
Natahimik ang lahat. Sinusubukan kong habaan ang aking pasensya sa mga tanong ni George na halata namang nananadya. Napatingin ako sa bintana. Natatanaw ko ang papalubog na araw. Ang ganda. Muli, naalala ko na naman si Carlos at ang araw kung kelan nag pasya kaming mag hiwalay.
BINABASA MO ANG
My Diary: First Love
Roman d'amourMay mga panahon na gusto nating ibalik ang oras para baguhin at itama ang isang pagkakamali ng ating nakaraan. Kung titingnan natin, time machine ata ang kailangan para matupad ang inaasam. Pero, pano kung may iba pa palang paraan. Pero sa pag kakat...