Nakasakay ako ngayon sa aming sasakyan. Pulang Mitusbishi Montero Sports. Katabi ko sa kanan si papa. Si kuya Jerome ang nagmamaneho at sa harapan naman nakaupo si kuya Arnold. Habang umaandar ang sasakyan, nakatingin ako sa bintana at pinagmamasdan ko ang paligid.
"Grabe ang dami ng pinagbago ng lugar. "
Nadaanan namin ang La Salle Lipa marami ng bagong building. Tapos, ang dami ng nabago sa traffic rules. Puro one way na ang daan. Haii.. buti na lang talaga at pumayag ang doctor na palabasin na ako dahil intense talaga at nakakagulat ang mga pangyayari kahapon. Natatanaw ko na ang Mt. Carmel Church. Sa tapat nuon matatagpuan ang aming Village. Papasok na ang aming sasakyan at napansin ko agad ang guard ng village.
"Kuya Arnold, iba na pala ang guard sa village? asan na si kuya Jun-jun?"
"Kaloy, dalawang taon na syang patay. Inatake sa puso. Pinuntahan pa nga natin ang burol nya."
"ah,..ganun ba?" ito na lang ang naisagot ko.
Di na ako nagugulat sa mga nalalaman ko. Masisisi ko ba ang sarili ko eh nag ka amnesia nga ako.
Ipinasok na ni kuya arnold ang sasakyan sa loob ng gate ng bahay namin. Medyo kalakihan, may tatlong palapag at moderno ang design. Naunang bumaba si papa, pag katapos ay sinundan sya ni kuya Arnold at saka naman ako. Naiwan si kuya Jerome sa sasakyan dahil i-aayos nya pa ang pag-papark ng sasakyan. Umakyat na kaming 3 sa hagdanan ng bahay at pagkatapos ay binuksan na ni Papa ang pintuan.
"Welcome home Kaloy!"
Ang malakas na sigaw na bumati sa akin. Maraming tao ang nakaabang sa pag dating ko. Ung iba, hindi ko makilala pero ung iba naman ay malapit naming kamag-anak.
"Ninong kayoy weycome ome!" Sigaw ng isang walong taong gulang na batang lalaki.
"Ninong? Nakayimutan mo na yin ba ako. Ako po ito si Manuey." (manuel)
"Wow, Manuel! ikaw na ba yan? Nung huli kitang makita ay sanggol ka pa lang at bulol ka parin pala!"
"Ninong, nakayimutan mo nga tayaga ako."
Natigilan ako sa sinabi ni Manuel. May lalaking biglang tumapik sa likuran ko.
"I'm so happy at naka-recover ka na ngang talaga."
Pag-lingon ko ay si Tito Vic pala ang nasa likuran ko. Sya ang bunsong kapatid ni Papa.
"Kaloy, malaki ang utang na loob ko sayo. Well, dahil sayo nanalo akong mayor dito sa Lipa."
"Ako po? Anong ginawa ko? Kayo na po ang bagong Mayor?"
Gulat na gulat na sagot ko kay tito Vic. Biglang nagsimula ng umawit ang lahat ng tao sa loob ng bahay.
"HAPPY BIRTDAY TO YOU. HAPPY BIRTHDAY TO YOU. HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY TO YOU . BELATED HAPPY BIRTHDAY KALOY"
Di ko alam na kahapon pala ang birthday ko. Kaya pala ako tinanong ni Kuya Jerome kahapon kung anong petsa na. Bigla kong naalala na tuwing birthday ko pinupuntahan ko si Sam sa condo nya at sya ang sinosopresa ko. Pero, kung totoong naghiwalay na kami at limang taon na nga ang nakalipas. Andun parin kaya sya sa condo nya? Hindi ko alam at di ko sigurado. Ang hirap nito. Nagmamadali akong lumapit kay Papa at nag-paalam.
"Papa, birthday ko pala kahapon. Hindi ako naka-simba. Pupunta lang ako sa simbahan para maka-pagpasalamat narin."
"Teka anak, tatawagin ko ang driver natin para samahan ka."
"Papa, sa labas lang naman un ng village. Kaya ko namang mag drive. Nagka-amnesia nga ako pero di ko naman nakalimutan kung papano mag drive. I'll be okay. Don't worry."
Kinuha ko ang susi kay kuya Jerome at sumakay na ng sasakyan.
"Siguro, ang Diyos na lang ang tanging makakatulong sakin."
BINABASA MO ANG
My Diary: First Love
RomanceMay mga panahon na gusto nating ibalik ang oras para baguhin at itama ang isang pagkakamali ng ating nakaraan. Kung titingnan natin, time machine ata ang kailangan para matupad ang inaasam. Pero, pano kung may iba pa palang paraan. Pero sa pag kakat...