L's POV
After buying the requests of my sister, dumiretso na ako ng uwi. Ayoko ding mag stay ng matagal sa mall. Medyo may pagka anti-social din kasi ako. Matutulog nalang ulit ako sa bahay o di kaya ay maglinis ng bahay. May mapapala pa ako. Agad ko namang binigay sa ate ko ang mga pinabili niya at inumpisahan ko ng kainin ang vegetarian pizza galing sa Pizza House. Kung papipiliin ako sa pizza, pipiliin ko pa rin yung vegetarian. I'm not a fan of pepperoni though. Parang nakatatak na talaga sa utak ko na dapat may gulay sa pagkain ko. Ayoko lang talaga ng lasa ng pepperoni. Well, my profession says it all. Ayoko sa masyadong matamis, maalat or fatty. Why? It's just like that. Haha!
I was busy eating when I suddenly heard a beep from my phone. It's a notification from Messenger.Kinuha ko kaagad ang phone ko na nakapatong lang din sa dining table. It was a message from a certain website na pinasahan ko ng Curriculum Vitae ko a few days. Hindi naman ako masyadong pressured to look for work pero trip ko lang talagang magpasa sa website na yun. Paexperience lang. Hehe.
It's a message na kailangan ng isang health worker sa Australia that needs 3 years of experience in hospital area. Well, enough naman na din ang experience ko dito sa Pilipinas. Gusto ko ding itry ang ibang countries lalo na't mas maganda doon ang standards for health care service in which I can apply in the future here in the Philippines. Yung facilities nila sa ibang bansa is much advance than here. Pero depende pa rin kung papayag sina Mom. Sigurista pa naman yun especially when it comes to my safety. Sabi niya kasi baka daw hindi ko maalagaan ang sarili ko kapag malayo ako sa kanila. Well, as the youngest siguro ganun naman talaga ang concern nila. Pero I always assure them naman na I will take good care of myself, lalo na't mag isa lang ako kung sakali.
After all the tries na ginawa ko para ma convince sila, pinayagan din nila ako. I just assured them that I'll be okay since sa condo naman ako ng ate ko titira. Pero things happen sometimes na hindi umaayon sa ating plano. Dumating ako ng Manila to find out na illegal recruitment agency pala yung inapplyan ko. I was expecting for Australia na country pero biglang naging Lebanon daw ang pupuntahan ko ang only 35 thousand ang sahod ko doon. Like seriously? Pinagloloko ba nila ako? I informed my family as soon as I received that information. Good thing at may condo dito ang ate ko at hindi ako naging palaboy sa Manila.
"L, kailan mo balak umuwi sa inyo? Tinawagan ako kanina ng Mommy mo. Sabi niya pauwiin na daw kita." Sabi ni Tita Tina. Yeah I heard them last night na nag uusap. Tita Tina is one of my Mom's friend na nakilala niya dito dati sa Manila while she was on a vacation with Dad when they were a bit younger. Nameet lang nila si Tita Tina when they accidentally saw her na sinipa ng amo niya palabas ng bahay na pinagtatrabahuan niya. They happened to pass by that house noong papunta sila sa bahay ng kaibigan ni Dad. Pinalayas siya kasi pinagbintangan ito na nagnakaw ng alahas ng kanyang amo pero hindi naman daw iyon totoo lalo na't kilala din siya ng kaibigan ni Dad na si Tito Seph. My Mom doesn't trust somebody that much kaya malaking risk ang ibinigay niya para tulungan si Tita Tina. Same as with Dad. By that time, kinuha nalang siya ni Tito Seph na magtrabaho sa pamilya nila kaya napatapos niya na rin ngayon ang kanyang mga anak. Pero minsan dati ay pumupunta din siya doon kina Tito Seph para magbisita. Matanda na din kasi si Tita Tina, mas matanda siya kina Mom at Dad same as with Tito Seph and Tita Nami. Naging yaya na din siya ni Fun na best friend ko which is anak nina Tito Seph.
Kaya ngayon nandito siya sa condo ni ate. This condo is one of the A-List na building. Si Tita ang nagbabantay dito para ma maintain ang kalinisan since my sister is staying abroad.
"Since dito na din ako sa Manila Tita, I'm planning po na maghanap na din siguro ako ng trabaho dito." Sabi ko sa kanya while reading the Classified Ads part of the newspaper. Since I knew na illegal recruiting agency yung inapplyan ko, I immediately bought a newspaper kasi dito mas legit yung naghahanap ng mga workers.
BINABASA MO ANG
Wish Granted (gayxgirl)
HumorShe is a woman with sophisticated looks. She's dreamed by some men. She is 24 years old and she is SINGLE. She's been in love with a man but she was left crying and pained. Until such time she wished for something unusual. She wished for a gay to lo...