Chapter 17

963 46 35
                                    

L's POV

Pagkatapos ng "My Sweetie" scene kanina sa garden, medyo na awkward ako kay Sir Tom. Kung bakit? Hindi ko alam basta naasiwa ako but on the other side of my brain tells me na sabayan ko ang paglalandi niya. Sabi sa inyo eh! Ako talaga yung nilalandi. Marupok lang ako na nilalang ng mundong ito sa kung saan pumapatol ako sa mga gwapo este basta sa mga gwapo. Pwede ng idagdag ang malakas ang charisma. Charot! Naniniwala na ako na uso ang paglelevel up sa landian. Dati kasi yung first kiss ko eh nakuha ng gagong kaibigan ng kaklase ko. Nanligaw siya sakin pero anak ng talong, may girlfriend pala siya. Sayang yun eh! I regret that day. Argh! Tapos ayun na nga, later pati yung mga gwapo at rich kids naka fling ko na. Well, malakas lang din ang alindog ko. The fact na sila yung unang lumalapit at hindi ako. In short, MARUPOK ako. I admit that naman.

"Hoy Letty. Ikaw ha? Akala mo hindi namin nakita kanina sa garden ang paglalandian niyo ni Sir Tom? Hindi lang si Von Majistrado ang kinakalantari mo, pati pa ang amo natin?!" Entrada ni Hazelnut. Wow ha?! Judgmental?

"Ano'ng pinagsasabi niyo?" Kunwaring tanong ko.

"Huwag ka ng mag maang-maangan pa. Nakita namin ni Hazelnut yung yakapan niyo ni Sir. Gold-digger ka din pala. Pinahiya mo pa kami kagabi. Akala mo kung sino kang malinis! Manggagamit ka din pala!" Akmang susugurin ako ni Chestnut pero dumating si Ma'am Tiffany. Ayun tapos na drama nila. Ang bilis lang eh.

"Ano'ng ginagawa niyo diyan? Hazelnut at Chestnut, hindi ba't may mga trabaho kayo?" She asked with furrowed brows. Masakit naman ang tingin sa akin ng magkapatid. Siguro kung nakakamatay lang ang pagtitig eh butas butas na itong katawan ko.

"Pumasok na kayo. Nakikita niyo namang may trabaho ang isa diyan." She continued habang naglalakad patungo sa amin. Walang nagawa ang dalawa at padabog na pumasok sa loob ng bahay habang matalim pa rin ang titig sa akin. Yung mga kilay nila parang linta talaga na nag stick sa taas ng kilay nila. Tssss.

"Ma'am." I said acknowledging her presence. Ngumiti naman siya sakin ng tipid at nagsalita.

"Sa palagay ko sanay ka na sa kanila." Tumango naman ako.

"Sanay na po. Madali lang naman ispellingin ang ugali nila." Sagot ko at ngumiti siya ulit. Pero curious ako sa aura ni Ma'am Tiffany. I know may kasunod na tanong to siya sa akin.

"Si Von Majistrado, kilala mo ba siya?" Sabi ko na Barbie eh. Sabi ko na!

"Matulungin lang po talaga siya Ma'am at hindi po ako gold digger katulad ng sinasabi ng kambal." I defended kasi totoo naman talaga and I don't want to answer the question kung kilala ko ba siya. Baka kasi kumalat na nandito ako. Hindi sa ikinakahiya ko ang trabahong ito pero hindi ko gusto ang thought na ma publicize ang image ng pamilya namin. The fact that we are keeping ourselves discreet.

Tumango siya kaya napanatag na ako. Ayoko ng humaba pa ang usapan about doon.

"Sige ipagpatuloy mo na iyan." She dismissed at tumalikod na para pumasok sa loob ng bahay.

Issues. You will really encounter issues wherever you go. That's for a fact kaya pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Although kulang pa ako sa tulog, I still need to work. Tatapusin ko lang 'tong lahat para makapagpahinga na ako sa kwarto.






Writer's POV

Dumating ang takip-silim at noon lang natapos ni Letty ang kanyang mga trabaho sa loob ng bahay. Hindi na siya nakapagpahinga katulad ng plano niya. Lahat pinatrabaho sa kanya ng mag nanay na katulong at ang mga ito naman ay nanatiling nagpahinga at kung hindi kaya ay manood ng mga palabas sa television. They took advantage of the opportunity na wala ang mga boss nila at nagpahinga nalang sila buong araw. Silang apat lang ang natira sa bahay at si Ernesto which she had no choice kung hindi sundin ang lahat ng sinasabi nila. The fact na mas nauna ang mga ito sa kanya.

Wish Granted (gayxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon