Writer's POVNapaisip si Letty nang makalabas na si Tom pero di kalauna'y nakatulog na din siya.
"Ganun nga talaga siguro ang epekto ng MOMOL." Naisaisip niya nang magising siya. Masarap kasi ang tulog niya at himalang hindi siya nagising ng alas dos ng umaga. Kadalasan ay nagigising siya ng mga ganoong oras. Body clock na kumbaga ang trip. Alas singko na siya nagising para mag umpisa na naman ng trabaho niya. Naligo na siya para sa kanyang panibagong araw. Katulad ng nakagawian ni Letty sa umaga, nagluto siya at naghain ng pagkain para sa pamilya ng Montecillo. Minsan pumapasok sa isip niya ang nangyari kagabi sa kwarto niya pero she shove the thought away.
"Anak ng tekwa, wag mong isipin yon." Sita niya sa sarili habang naglalagay ng kubyertos sa mesa.
Tulad ng mga nagdaang araw, si Letty lang mag isa ang naghahain ng pagkain. Alas sais na bumaba ang mag nanay na mani para mag umpisa ng trabaho. Usually they'll go downstairs and eat before they start to work. They'll leave Letty do the chores. Ang usual lang nilang ginagawa ay manood ng TV, magbantay kay Justice at sa asong si Justin. Kahit nga yung mga assigned areas na dapat nilang lilinisan ay pinapasa na nila kay Letty.
This is really an act of bullying inside a working place. Naisatinig niya.
L's POV
"Ano'ng sinasabi mo?" Biglang sulpot ni Hazelnut bitbit ang kanyang salamin. Nagdadrawing na naman ito ng linta sa kilay niya na kanyang nakagawian. Maitim na linta. Awww. Heheheh. Why so bad Letty? Stating the funny fact nga lang. Hihihi.
"Ah, wala naman. Hindi importante." Sagot ko at patuloy na lamang sa paglagay ng mga pagkain sa mesa.
"Ayusin mo yang ugali mo ha? Ke bago bago, maattitude." Sabay ismid ni Hazelnut. Sino sa amin ang maattitude? Ako pa ba? Kalokang kilay girl na mani ang pangalan. Hayyy.
"Opo ma'am Hazelnut." Sabi ko nalang pero ang loka natuwa sa narinig niya. Napangiti pa.
"Yan, dapat MAAM din ang itawag mo sa akin. All caps para intense." Dugtong pa niya. Anak ng tekwa. Hahaha! Di ko alam kung maiinis ako or what.
"Pati sila ni Mama at Chestnut ay dapat mo ring tawagin na ma'am." Kumunot ang aking kilay sa mga mahiwagang salita na narinig ko. Lahat pala ng mga tao dito amo ko na? Wooow. Pero wala akong magagawa kundi sundin nalang siya. Mahirap na magreklamo baka pag-initan nila ako lalo dito. The more the amo, the merrier kamo.
"Yes maam Hazelnut. Pati po sila ni Maam Elena at Maam Chestnut tatawagin ko na MAAM. All caps din po para intense. Okay na po ba?" I told her with a bit of sarcasm.
"Mabuti. Tama yan na masunurin ka." Dugtong pa niya. Di ba niya naramdaman yung sarcasm sa statement ko? Pero okay na rin yun. Hehe.
"Sige na magtrabaho ka na. Linisan mo na din yung bahay ni Justin para naman may kwenta ka dito." Aba malakas talaga ang amats ng babaeng ito. Sino ba sa amin ang walang kwenta sa pamamahay na ito? It seems that they're still my so-called "amo". The nerve of these people.
"Okay po ma'am. Masusunod po." Agad akong tumalikod para ipagpatuloy ang mga gawaing bahay at para na rin makalayo sa kanya. Parang bad vibes kasi ang nirerelease niya.
I started cleaning the dog house and there's poop everywhere. I like dogs but there will always be that fear of mine. I respect dogs anyway. Justin is a golden retriever which is Sir Tom's pet. Every morning they go for a walk kaya wala ngayon dito ang aso and for sure kasama niya amo niya. Binilisan ko na ang paglinis nito at baka mag abot pa kami ni Sir Tom. As of the moment, parang maiilang ako sa presence niya. Pero I need to be civil and act like nothing happened. Baka sumakto lang talaga yung libog namin kagabi.
Hours later.......
Another day was done. Ngayon nga at matutulog nanaman ako pero hindi talaga kami nagkita ni Sir Tom. I heard his voice inside the house pero di ako pumupunta sa kung saan siya. Same as with him siguro. Baka ayaw niya din akong makita. Makatulog na nga.
The next morning.........
Kriiiiiiiiiiing!
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Alas quatro palang ng umaga, yan yung naka reflect sa itaas ng screen pero nashock ako sa tumatawag. Si Dad. 😱 Parang nawala ang antok ko dahil sa nabasa ko but I calmed myself before answering the phone.
"Good morning Dad." Bati ko sa kanya habang nag-uunat ng katawan.
"Good morning L. Tulog ka pa?" He asked me. My parents are just the sweetest.
"Yes Dad. Nagising lang ako nang tumawag ka. Ano po yun?" I asked him sabay palit ng position ko sa pag higa.
"Birthday ng Tito Seph mo this coming Sunday. Make sure to be there, okay? Pupunta din kami ng kuya mo." Now I'm busted. Parang natapon ang antok ko sa kung saang lupalop ng mundo.
"Hala. Di ba pwedeng kayo nalang ni Kuya, Dad?" I asked him baka makalusot pa. Hehehe.
"I know that you like parties. It will be in Tagaytay. Marami daw pupuntang mga bisita sabi ng Tito mo kaya dapat by Saturday evening nasa Tagaytay ka na. Ipapasundo nalang kita kay Lei." Oh my freaking goat! I have no choice. Si Dad pa naman to. Hahanap nalang ako ng paraan para makapunta doon.
"Sige Dad. I'll be there." And now mapapaisip na talaga ako nito.
"Okay. Matulog ka na ulit. Mag ingat ka palagi. God bless." So we bid goodbye and nahirapan na akong matulog dahil sa kakaisip ng paparating na party. Ano kaya ang gagawin kong excuse para makaescape to Tagaytay? Siguro magpa impress ako kina Ma'am Annie para payagan ako na makapag leave. Sa bagay more than a month naman na akong nagtatrabaho dito. Maybe I deserve a day off di ba? Sa loob ng isang buwan eh wala naman akong pahinga. Mas nakakapagpahinga pa nga ng maayos sina Chestnut at Hazelnut kaysa sa akin eh. May pa shopping pa silang nalalaman. Ano kaya yung itsura ng kwarto nila? Hmmmm.
Ahhh! Almost 5am na. Makabangon na nga. Ugh! Kairita. Lord, I hope that this will be a productive day for me and for my family. Please keep us safe also. Thank you. I prayed before getting up para maligo. Like my usual routine, bumaba na ako to prepare the food for the family and to my new AMOs. With an S kasi nasama na yung mga kasama kong katulong. Kawawa naman me. I cry. Charot! Ano kaya masarap lutuin ngayon? Hmmmm.
Crispy kangkong, corned beef, dried danggit and bacon. Perfect for this morning. Ahhh. I miss home na. This kind of food makes me wanna miss home more. Pero you know what? The reason why I cook these kind of foods is para mafeel ko din na parang nasa bahay lang ako. My family lives simply kahit na malaki ang company ng family namin. Like I said, my parents are discreet. But I'm wondering if Tito Seph's party will be private or marami din kayang businessman ang darating? If marami, it's not gonna be Dad's thing to attend. Yet afterall Tito Seph is his close and good friend. Most probably Von will be there also. He won't miss the party for his Dad. Also magkikita na din naman kami ulit. Manila, eto yun eh. Manila brought me outside of my world. Weird though. Magpapaalam na siguro ako mamaya sa kanila ni Ma'am Annie at Sir Charlie.
Pasado alas sais na nang bumaba ang mag-asawa pati na rin sila Sir Tom. Ngumiti lang siya sa akin at ganun nalang din ang ginawa ko sa kanya. Alangan naman mag-iirapan kami di ba? Kailangan ko talagang maka tyempo para masabi ko sa kanila na aalis ako sa Sabado. After ng breakfast ay kinuha ko na talaga ang pagkakataon na makausap si Sir Charlie about sa request ko for leave. He was watering the plants. Ngayon ko lang nakita na nagdidilig din pala siya ng mga tanim. This is a new side of him.
"Sir, magandang umaga po." Sabi ko para makuha ko ang attention ni Sir Charlie. Agad naman niya akong binalingan ng attention.
"Yes Letty? Ano yon? May kailangan ka ba?" Tanong niya sa akin at binalikan ang pagdidilig ng mga halaman.
"Ano po kasi Sir. Magpapaalam po sana ako kung pwede po muna ako maka leave ng tatlong araw ngayong linggo po. Iniimbita po kasi ako ng tiyuhin ko sa birthday niya. Total at nandito naman daw po ako sa Manila." Pagpapaalam ko. Sana naman pumayag si Sir.
"Ganun ba? Aalis din kami papuntang Tagaytay. Pero pwede ka ding makapagbakasyon niyan. Sige, wala din naman kami dito sa katapusan ng linggo. Pwede kang makapag leave." At parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil pinayagan niya ako.
To be continued............
BINABASA MO ANG
Wish Granted (gayxgirl)
HumorShe is a woman with sophisticated looks. She's dreamed by some men. She is 24 years old and she is SINGLE. She's been in love with a man but she was left crying and pained. Until such time she wished for something unusual. She wished for a gay to lo...