Chapter 20

120 2 1
                                    

L's POV

Tumalikod na ako para bumalik sa aking trabaho. Maglilinis nalang ako ng mga bintana. Pero sandali lang. Sinabi ba niyang Tagaytay? Orangejuicenakulayorange! Di kaya? Humaygad! Baka doon din sila pupunta? Anak ng tekwa naman oo! Sana hindi naman po Lord. Ayoko pa pong mabisto. Waaaah! Ayokong mapahiya sila Dad. Huwag naman po sana. Tsk!

"Hoy Letty! Ano yung sinabi mo kanina kay Sir Charlie ha? Na magleleave ka? Ke bago-bago mo palang, magleleave ka na kaagad? Kapal ng mukha mo ha?" I paused sa ginagawa ko at hinarap ang nagsasalita. Si Chestnut yan. Usisera talaga 'tong babae na 'to. Makikinig sa usapan ng may usapan? Chaka.

"Hindi ba puwedeng makapagleave? Nagpaalam naman ako ng maayos kay Sir Charlie." Tanong ko naman sa kanya. Tinaasan lang ako ng makapal niyang kilay at tinignan mula ulo hanggang paa.

"Kami nga hindi nagleleave, tapos ikaw pa?" Sabat naman niya.

"Edi magleave din kayo." Sabi ko na lang at bumalik sa trabaho ko. Nakikialam talaga tong bruhilda na ito.

Busy ako sa pagtatrapo ng mga mwebles nang may tumabi sa akin at nagsalita.

"Leave. Sus!" Kanina si Chestnut, ngayon si Hazelnut naman ang sumisira ng araw ko.

Nagbuntong hininga nalang ako at hindi na siya pinansin. The nerve of these girls talaga.

"Nagpapapapel ka lang talaga sa mga amo natin. Lakas tama ka din naman ano?" Dugtong niya pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

Siguro napagod na siya sa kaka subok na sirain ang araw ko kaya umalis na siya sa aking harapan. But I'm wrong. Binuhusan niya ng cooking oil ang sahig na malapit sa akin at tinapon doon ang mop. Amputs ambobo!

"Oh linisan mo yan dahil magleleave ka din naman." Sabi niya at sumibat. Tumaas ang perfect kilay ko sa ginawa niya. Buang talaga to sila! Waaaaaah! Anak ng tokwa! Mantika pa tong binuhos niya dito. Tapos itong mop, ang linis ha? Hindi obvious na ang dumi-dumi. Demonyita talaga tong lahi ng makakapal ang kilay na parang linta. Parang pati 'tong perfect kong kilay ay nagdugtong na rin sa irita. Haaay!

"What's with the face Letty?" Si Sir Tom.

"Eh kasi naman tong Hazelnut na makapal ang kilay, binuhusan ba naman ng mantika ang sahig tapos yung maduming mop pa talaga ang tinapon niya dito! Hindi naman siya yung naglilinis ng mop kundi ako! Ginagamit niya lang panlinis pero di niya nililinisan. Kaloka talaga yung babaeng yon!" Dire-diretso kong sagot nang hindi lumilingon dahil sa pagkairita. Pero wait, di ba si Sir Tom 'tong kausap ko? Dahan-dahan ko siyang nilingon at booooom! Nakataas ang kilay ng bakla! Patay kang L ka!

"Hala Sir! Sorry po kung hindi magalang ang pamamaraan ng pagsasalita ko bago lang. Sorry po talaga Sir!" Sabi ko habang nakayuko at yung mga kamay kong naka "amen" ay nasa forehead ko lang.

"It's okay. I know how it feels. Nakakairita naman talaga sila. Kahit nga ako yung amo nila ay mas naiirita sa kanila. Akala mo naman mga magaganda. Para namang mga pinaglihi sa linta ang kilay. Hay jusko! Nakakaloka na talaga sila!" He said it first in a manly tone then ended up sa maarte tone. Pareho pa talaga kami ng description sa mga kilay nila. Hahaha! Natawa ako bigla ng dahil sa pagkakabigkas niya.

"Pareho pala tayo ng pinagdadaanan Sir. Hehe." Nasabi ko nalang sa kanya at napangiti nalang siya. Gwapong bakla talaga to siya!

"Kawawa nga sila. Nakakaawa." From naiiritang face, nagtransform ang mukha ni Sir ng pagkaawa. Bakit kaya?

"Bakit po Sir? Ano po ba ang nangyari sa kanila at ganyan sila kung umasta?" I asked him dahil bigla akong na curious sa change of mood ni Sir.

"Sa pagkakaalam ko kasi, malungkot ang pinagdaanan nilang magkapatid noong pinanganak sila." Pag uumpisa ni Sir. Ano ba naman to? Ang tagal naman niyang sabihin kung bakit. Nakakabitin ha?

"Tapos po?" Tanong ko para naman masabi na niya ang rason.

"Ayun nga. Noong pinanganak kasi sila" Anak ng tokeneneng sarap mong sapakin Sir! Pabitin tong baklang to.

"Yes? Ano po nangyari?" Alam mo yung para akong aso na naghihintay na bigyan ng isang kusing na tinapay? Siiiiiir! Masyado ka ha

"Ayun nga noong pinganak sila. Pinaglihi sila sa sama ng loob." Ha?!

"Then?" Tanong ko baka may maidududgtong pa siya.

"Yun lang. Pinaglihi sila sa sama ng loob kaya ganyan sila." Pagtatapos niya ng seryoso saka ngumisi.

Napakamot nalang ako ng ulo saka dinampot ang maduming mop.

"Ewan ko po sa inyo Sir." Agad na ako tumalikod para linisin itong mop. Narinig ko pa siyang tumawa at tinawag ang pangalan ko habang humahalakhak. I played like I didn't hear him and continued walking to clean the mop. Lakas tama din pala itong si Sir Tom. Lakas tama ba lahat ng mga taong nakatira sa bahay na'to???? Wala bang matino dito? Hay nako!

To be continued........

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wish Granted (gayxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon