Chapter 10

899 42 19
                                    




Letty


"Ang ganda talaga ng designs ng boutique na ito. Suuuper fan ako ni Miss Lily." Dreamy eyes si Ma'am Tiff nang sinabi niya ang mga iyon. It's really obvious that she loves the clothes here.

"Hindi ba't anak din siya ng owner ng Vay Mall?" Tanong niya sa sales assistant.

"Yes po Ma'am." Sagot naman nito sa kanya at ngumiti.

"Sila yung nasa A-List when it comes to business pero you know what, they are really a mysterious family. Yung eldest lang ng magkakapatid ang nakikita ng mga businessmen pero ang iba ay hindi pa. Even Miss Lily herself never showed her face to the people. They are private. Nameet niyo na ba si Miss Lily?" Grabe ang dami niyang alam sa pamilya ng Vay. The sales assistant just shook her head.

"Hindi pa po Ma'am." Sagot nito. Actually, it's only the Board of Directors who know Liz. The rest don't. All they know is that Liz is a member of the QA (Quality Assurance) Department who checks the branches worldwide. Kaya minsan lang talaga makakauwi ang ate kong iyon sa Pinas. She's been traveling countries to countries just to check her stores besides, she's based in Paris.

"Talaga? I wish mameet ko siya in person." Ngiti nalang ang sagot ng Sales Representative sa kanya. Marami talaga ang curious sa mga tao sa likod ng Vay Mall. Pero I'll say although maganda ang pagmamanage nila Dad at Kuya sa company namin, lahat ng iyon hindi maisasakatuparan kung wala ang mga taong nagtatrabaho para sa kumpanya. Nagsusumikap sila in order to earn and they are eager.

"By the way, I like this." She was referring to the red-navy blue ombre gown that I designed myself. Charooot! Echoserang frog din ako minsan hihihi!

"Do you want to fit it Ma'am?" Tanong ng sales rep sa kanya.

"Yes please." Sabi niya. Ang bait niya talaga. Siguro magkasing edad lang kami nito. How did I say na mabait siya? Simple. Gut feeling. I know it on how people approach or treat me. It's psychology people. We are talking about behavior here. Char! Pero di ganun kataas ang grades ko sa Psychology noong college. Hahaha!

Anyway ayun nga, sumusunod lang ako sa kanila. Si Sir Tom naman ay ganoon din, tahimik na sumusunod sa amin at may panaka-nakang pagtingin sa phone niya. Naalala ko bigla, dapat mag make up session kami ngayon pero heto kami at nag shopping. Chaperone alert! Si Chestnut naman ay busy din sa pamilili ng damit. Pero nandun siya sa last seasoned na mga damit hehehe. Ang sama ko talaga. Why am I soooo bad? Char! Well I'm not, not a good influence hehe.

"Pili ka na rin." Narinig kong sabi ni Sir Tom sa tabi ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya. Seryoso ang mukha niya nang tinignan ko.

"Wag na po Sir. Di ko rin naman kasi kailangan."

"Sige na pumili kana. Sasama ka sa event di ba? Ako naman ang magbabayad." Sabi pa niya pero no, hindi pwede. Baka ibabawas niya pa to sa sahod ko. Mahal kaya tong mga damit ng ate ko. Kaloka!

"Wag na po talaga Sir. Baka ibabawas niyo pa yan sa sahod ko. Sayang din yun oy. Madadagdag ko pa yun sa savings ko." I reasoned.

"Ang dami mong sinasabi. Kunin mo ang isang yan." Turo niya sa burgundy tube dress  pero pencil cut. Sobrang pulido ng pagkakagawa na parang walang lukot ka na makikita. Meron iyong gold belt at maganda iyon ipair up sa isang d'orsay na tipo ng sapatos. Leche! Don't tempt me ooooy!

"Sir naman eh. Sige ka, hindi kita mamake upan." Pagbabanta ko sa kanya. Pinaningkitan ko pa ng mata ko. Huli ko na narealize na sumobra ata ako. Boss ko siya. Yes. Boss ko siya at baka makalimutan ko yun kahit hinalikan na niya ako twice. A friendly kiss to be exact at remember, bakla siya. Yes B-A-K-L-A siya.

"Kay Tiffany nalang ako magpapa make up basta kunin mo yan." He said in finality.

"Sir naman eh." Pagmamaktol ko pa. I was at the verge of stomping my feet like a kid pero di ko yun ginawa.

"Kunin mo na Letty. Share nalang kami ni kuya sa bayad kung iniisip mo na mahal iyan." Hala ka! Ginatungan pa ng kapatid niya. Nakakahiya oy. Di ko ugali. Huhubells!

"Excuse me Ma'am. Well have it free for you po." My jaw dropped. Biglang sumulpot si Liz, ate ko. Mga friends, ate ko po! Akala ko ba umalis na to? Bakit nandito pa siya?

"For free? Really?" Tanong ni Ma'am Tiff kay Liz.

"Yes po." Sagot naman niya.

"But why?" Tanong ulit ni Ma'am Tiff.

"Because the owner of this store gives chances to ladies who deserve her designs and I guess Madam here deserves that." Sabi naman ni Liz. Chikadora. Hahaha! Naghahanap ng rason eh siya naman tong may-ari.

"Really? Wow. Letty grab the chance na. Sige Miss, kukunin na namin. Para naman sa kanya eh." Ngiti ngiti si Ma'am Tiff pati na rin si Sir Tom. Si Chestnut naman ay hindi maipinta ang mukha.

"Okay Ma'am. Jess? Please pack this up properly for delivery and give Miss— How do I call you Ma'am?" Tanong ng ate ko.

"Tiffany. Tiffany Montecillo-Colet." Ngiting sagot ni Ma'am Tiff.

Ngumit din ang ate ko.

"Please give Miss Tiffany a 50% discount of that limited edition dress." Nashock ang mga kasama ko sa sinabi ni Liz.

"There's a story for that dress. It was on limited edition because the youngest sister of the owner of this store designed it. Her favorite color is red but she loves navy blue also. That's why there is an ombre effect on that. You're lucky Miss because you took that." Lalong naamaze ang magkakapatid sa simabi ng ate ko. Kaloka! Yeah, I designed that. I have this strange admiration to navy blue haha! To the extent na kung bibili ako ng damit ay palaging may touch of navy blue.

"Wow! Close ka sa owner nito?" Tanong ni Ma'am Tiff.

"Well, let's say na I know all the things about her." Charooot! Syempre she's referring to herself oy.

"Wow! Please pakisabi sa kanya na fan ako ng mga gawa niya and I wish to meet her in person." Amaze na amaze talaga siya. Baka mashock siya kung malalaman niyang kausap niya ang tinatawag niyang Miss Lily. Hahaha! Pero bihira lang na ganito si Liz. If you deserve it, she will give it to you. Pero exception ako, kapatid ako eh hahahahaha!

"Makakarating sa kanya. Well in that sense, we will grant you a VIP card. You will earn points if you buy any thing in this store and you can get a chance to avail a 75% discount on limited edition products of Le Lis in any store worldwide." Liz explained to her. Parang nanalo sa lotto si Ma'am Tiff sa narinig niya.

"Really? Thank you very much! Grabe ang bait mo." Puri nito.

"No problem. You deserve it anyway. An act of kindness deserves another act of kindness." My sister smiled. Charooot! May paganyan si ateng hahahah!

Itutuloy......

May natutunan ba kayo sa story ko? If meron, kindly share it on the comment box. Thank you!

Wish Granted (gayxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon