Chapter 12

697 33 10
                                    

Letty

Umalis na ang buong pamilya pati na din yung magkapatid na mani pati ang Nanay nila. All of them were wearing good clothes and here I am, in my maid's uniform. I decided not to go kanina para hindi na ako makaalis pa ng bahay pero etong Chestnut ay naiwan daw ang kanyang purse. Pinaliwanag pa niya kanina sa akin kung ano ang coin purse. Mangmang talaga siguro ang tingin niya sa'kin. Eh pekeng Louis Vuitton naman 'tong purse niya. Kung paano ko nalaman? Siyempre meron akong LV bag na bigay nila Mom and Dad. Hays!

"Mang Ernesto, ihahatid ko po muna itong bag ni Chestnut sa Vay Hotel." Pagpapaalam ko kay Mang Ernesto. Syempre kailangan ko na magpaalam at baka hanapin niya ako mamaya. Gagamitin ko din kasi yung sasakyan ni Sir Tom. Iniwan niya sa'kin kanina ang susi. Hehe. Sabi niya kasi bumili daw ako ng pizza kasi magpipizza party daw kami pag nakauwi na sila. Kaya ayun bumili ako kanina pero ngayon nga ay maghahatid ako ng purse ni Chestnut.

"Ganun ba? Sige mag ingat ka Letty." Sagot naman ni Mang Ernesto. Mabait din naman 'tong matanda na to. Di katulad ng ibang katulong dito.

"Maraming salamat po. Alis na po ako." At ayun nga sumibat na ako papunta ng Vay Hotel.

Isang beses palang ako na nakapunta sa Hotel na ito namin. Yun lang noong grand opening as well as blessing ng hotel at bata pa ako nun. May bahay din kami dito sa Manila at doon sila nakatira nina Dad at Kuya. Whenever merong mga convention kami ay sa ibang hotels naman and whenever we visit Dad dito, we're staying at our house. Actually, I just can't believe that I'm in this situation right now. I kinda get irritated at some point but minsan natatawa na rin. Kumbaga, naeenjoy ko yung situation ko ngayon. Just like in the movies. Hahaha! Hay naku!

Manila, it is the capital of the Philippines, mainit, mausok, maingay, maraming tao, maraming sasakyan, at sobrang traffic. In short, polluted. All kinds of pollution? Just go to Manila! Just like right now, ang kupad ng traffic. Nakakainip na at kanina pa si Chestnut tawag ng tawag sa akin. Kung bakit ba kasi nakalimutan niyqng dalhin itong purse niya? Phone niya lang daw iyong bitbit niya. Makakalimutin o sinadyang kalimutan? Anyway, katulong ako kaya okay lang pero katulong din mismo yung nag-uutos sa akin. The nerve!

Natawa pa nga ako kanina. Kasi tama na yung paglagay ng makeup artist ng kilay niya pero dinagdagan niya pa din. Ganun din ang ginawa ni Hazelnut. Ewan ko lang kung ano'ng trip ng magkapatid na iyon. Pero literal na parang wala silang kilay mga besh! Swear! Kasi ang nipis ng eyebrows nila, I mean yung hair. Ang nipis nipis at parang ten strands lang per kilay. Nabilang ko pa yun eh. Hehehe. Iba talaga siguro yung definition nila ng beauty. Anyway, yaan nalang natin. Masaya sila doon eh kaya support!

When I reached the Vay Hotel, I parked the car sa VIP area ulit. I have my Black Card, this gives me access sa iba pang negosyo ng pamilya. Iba din yung ginamit ko sa Vay Mall last time. Meron din itong Diamond plate na nagpapakilala na owner kami ng Vay Mall.

"Letty Vay? Good evening Mademoiselle." I just nod to him. Isang French ang guard dito sa VIP parking area. Not that I'm abusing what I have but I'm taking the privilege as the daughter of the owner. Bakit ko pa pagsisiksikan ang sasakyan na'to sa iba kung dito eh okay ako.

Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad bitbit ang purse ni Chestnut. Hay nako. I headed myself to the elevator para makapunta sa function hall kung saan ginaganap ang charity event ng mga Montecillo.

Walang pakialam ang mga guards na dinadaanan ko. The fact that you can't enter the VIP parking area kung wala kang identification sa entrance palang. There's a scanner out there na nagdedetect ng identity mo. If you're not confirmed, then you are not allowed to enter. That's how the security works here. Strikto.

Ayun nga, dumiretso na ako sa function hall pero hinarangan ako ng guards sa door. Hindi daw ako pwedeng makapasok kasi nga maid ako but I informed them that I'm working with the Montecillo Family. Pero hindi pa rin ako pinayagan. Baka daw manloloko lang ako. Oh edi shing! Kayo na yung hindi nanloko! Loyal ba kayo sa partners niyo? Loyal ba kayo? Ha?! Loyal?! Pero siyempre, chika lang yon. Hehe.

Wish Granted (gayxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon