My Spoiled Brat Girl
PROLOGUE:
"Ms. Kyra?"
Ano ba naman yan?! Nakakainis naman si dad! Bakit ba naman kasi kailangan ko pa pumunta doon sa meeting nila?
Hanggang ngayon talaga umaasa pa rin syang gusto kong pumalit sa pwesto nya!
"Ms.Kyra? Pinapatawag po kayo ng Daddy nyo!" sigaw pa nung isa naming katulong mula sa pinto
I rolled my eyes
"Pwede ba? Wag kayong maingay?!! Nakakairita ang boses nyo!!" sigaw ko ng ubod ng lakas
"Pero kasi po.."
Tumayo na ko at inis na binuksan ang pinto.. Tinaasan ko ng kilay yung katulong namin..
Mukhang bago pa sya at hindi pa nya alam kung paano ako magalit.. Pwes.. Ngayon malalaman na nya.
"Bago ka dito?" nakangiting tanong ko sa kanya
"Opo" nakangiti pa sya. Akala nya siguro mabait ako.. Pwes nagkakamali sya!
"Ah.. Okay" lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang konting hibla ng buhok nya at pinaikot sa daliri ko.
Kadiri lang!! Sana manlang nagshampoo sya para naman hindi madumihan ang magaganda kong kamay!
"Una sa lahat.. Gusto kong malaman mo na ayaw kong pinipilit ako sa mga bagay na ayaw ko
Pangalawa... Ayaw ko na iniistorbo ako tulad ng ginawa mo
Pangatlo.. Ayaw ko na kinokontra ako
At pang-apat...." tinaasan ko sya ng kilay tiningnan ko sya ng parang nagbabanta.
"Ayaw na ayaw ko na tinitignan ako ng mata sa mata!" pinanlakihan ko sya ng mata. Pero okay lang yan! Maganda pa rin naman ako eh!
Napayuko sya bigla.. Halatang natatakot na sya sa akin. Aba! Dapat lang na matakot sya!!
"S-sorry po.. h-hindi ko po sinasadya" kinakabahan na sabi nya sakin.
"So ngayon na alam mo na ang mga ayaw ko... Pwede ka nang umalis sa harap ko!!"
"O-opo!!" nagtatakbo syang umalis.. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti..
I am Ashlyn Kyra Villanueva.
Mayaman, sikat, Kinaiingitan ng lahat, inaasam ng mga kalalakihan at higit sa lahat... MAGANDA
No one can beat me... Dahil oras na kinalaban nila ako..
Syempre lalaban din ako...
Dahil masama ako sa mabait
At..
Mas masama sa masama..
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Girl
ChickLitAshlyn Kyra Villanueva is one of the richest girl in the Philippines.. She was also known as one of the famous model because of her beauty and sexiness. Almost perfect right? But she's not like that! She was a big bully of their school. Most of the...