Naging okay na ako pagkatapos kong nanguya ang gamot ko, pinagpawisan ako ng mga alas-kwatro ng umaga, nakatulog si Silver at Bronze sa sofa, para silang batang matulog, di pa rin maalis sa istilong pagtulog ni Bronze, naka bukaka pa din at nakataas ang mga kamay, si Silver naman ay kahit naka-upo makakatulog ng mahimbing. Masaya din palang pagmasdan paminsan minsan itong mga utol ko, kahit nagbabangayan minsan, ramdam ko na mahal naming ang isa’t-isa, kabaklaan man ang sinasabi ko pero yun ang nararamdaman ng puso ko para sa mga kapatid ko.
Ang init, di ako mapakali, gusto kong maligo, at uminom ng tubig, nag hintay ako ng 5 minutes para sa nurse na dadating sa kwarto ko, pero walang dumating, pilit kong inaabot yung dextrose ko sa kabilang kamay ng biglang may kumatok sa pintuan ko, “pasok” sigaw ko.
Si Mary France, may dalang citrus, nakangiting pumasok sa kwarto ko.
“Kamusta ka? Okay na si Trishia” bungad niya saakin. Napaupo ako sa kama ko.
“Ayos lang naman, naiinitan lang” tinulungan niya akong tanggalin ang sweater ko at napansin din ata niyang na-ccr ako, kaya inalalayan niya ako papunta sa CR.
“Hanggang dito nalang ako, kumatok ka lang kung tapos ka na magbanyo” di ko maopen ang zipper ng pants ko, di pa kasi ako nakapagpalit ng damit simula nong na confine ako.
“Uh—Mary? Favor nga?”
“Ano yun?” habang rinig ko yung paa niyang napapapadyak.
“Di ko kasi maopen yung zipper ko” nahihiya kong sinabi.
“Labas ka muna diyan, at tulungan kitang tanggalin.” Nakakahiya pero siya lang naman ang gising at nagmagandang loob. Kaya di na ako aarte pa, eh kaibigan ko naman siya, walang malisya.
Nakahawak na siya sa zipper ko ng, di talaga kayang maopen yung zipper
“Sh*t!!! hospital po ito!!! Hindi bahay lang na pwedeng gumawa kung saan!” sigaw ng nurse na ikinagulat namin ni Mary, nagising din si Silver at Bronze dahil sa sigaw ng iskandalosang nurse na yun, din a yung nurse kanina.
“Sh*t brad!” sigaw ni Bronze
Nakahawak pa din kasi si Mary sa zipper ko.
“Brad!” sigaw ni Silver!
“Pwede ba? Wag green minded!” napasapok ako sa ulo ko, dahil kanina pa ako naiihi. Tapos, isip sila ng isip ng masama, anu ako? Katulad nila? Tss.
“Bago nga kayo mag-isip ng iba, linisin niyo muna kokote niyo!, nagmamagandang loob lang si Mary!”
“Oh jusmeyo ginoo, Mary pa talaga ang pangalan” sabi ng nurse, at siya ring napatayo si Mary.
“Hoy, nurse ka ba dito? O echoserang palakang chismosa?” pasigaw na tanong ni Mary sa babae, may pagka war freak din pala itong si Mary. Napairap lang yung nurse at nagbabadya ng umalis ng nahawakan ni Mary ang kamay ng nurse.
“Try mo ding tanggalin yung zipper ni Gold, papalakpakan kita kung natanggal mo kaagad” nakatitig lang sila Siver at Bronze sa dalawang babae na nasa harap nila.
“Try mo! Nurse ka naman eh!” bulyaw ni Mary, dahil parang na offend siya sa nurse, sino ba naman kasi ang di maiinis sa sinabi niyang, “Oh jusmeyo ginoo, Mary pa talaga ang pangalan”, eh sagrado ang pangalan na yun.
Nag give way si Mary at papunta nga yung nurse saakin. Pilit niyang ibaba yung zipper ko, at hindi talaga maibaba.
“So? Napagod kaba miss?” tanong ni Mary. Napairap lang yung nurse at umalis din ng hindi niya nga kayang maibaba yung zipper ko.
Napa bulong si Mary sa hangin.
“Anong akala niya saakin? Blino-blow job si Gold? Tarantada!” rinig namin yun, kaya napatawa kami. Pinutol ko yung pagtatawanan nila ng napabulyaw na ako dahil sa sobrang naiihi na talaga ako.
“Tol, naiihi na ako!” sigaw ko sa dalawa kong kapatid, ni kahit sila di maibaba yung zipper ko, kaya naman humiram sila ng gunting para guntingin nalang, ang higpit kasi ng 3/4ths ko, dahil di ko naman inaasahang maco-confine ako ng mahigpit at masikip na 3/4ths.
Nakaihi din ako sa wakas, nakapag banyos, at tinulungan ako ni Silver. Pero oopss, di ko pinakita yung ano ko sakanya, baka kasi mainggit siya.
Maliit kasi yung sakanya, bwahahaha
XD
![](https://img.wattpad.com/cover/22077756-288-k445412.jpg)
BINABASA MO ANG
Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)
Подростковая литератураPlayboy ang mga kapatid, pero siya hindi? Takot kasi siyang masaktan ulit. A battle of REAL love. RATED SPG COVER: Diposkan oleh ryuunosuke sarashiki PAALALA: Nanakaw po ang manuscript ko, kaya kung sino man po ang nakabasa neto sa ibang site san...