10 ~EDITED FINAL~

2.6K 17 1
                                    

Chapter 10

*** Gold’s POV

“Talaga bang mahal mo ako?” tanong  ko kay Mary, magkasama kami sa Library, tumango lang siya at ngumiti. Alam kong kinakabahan siya sa resulta ng final examination namin.


“Oo naman, mahal kita, kaso naiinis ako sa katalinuhan mo eh, kinakabahan ako”  napagkaalaman kong Valedictorian din si Mary katulad ko, at ang scholarship lang na ito ang tanging paraan para makapag-aral siya. Ayaw daw kasi niyang humingi sa tatay niya ng pampaaral dahil balakid ang stepmom niya.

“Wag ka kabahan, andito naman ako, di natin pababayaan pag-aaral natin” tinitigan niya lang ako sa mata. Nagpapa-cute ba ito? O gusto iniimagine niya ako?

“Magpatalo ka na saakin” sabi niya ng naka simangot. Pwede daw ba namang magpatalo ang matalino?

“Haha, depende.” Yan nalang ang nasabi ko, depende naman talaga kung matatalo niya ako, eh kahit hindi ako mag review alam ko ang mga sagot sa exam, yabang lang eh ano?

“Anong depende?”

“Wala, I love you, basta, aral na tayo” nagbabasa siya ng libro naming kay kapal, nabasa ko naman nay un kagabi kaya nakatulog ako sa library. Ginising nalang niya ako ng magta-time na, isang exam nalang ang ite-take namin. At kaming dalawa lang ang mag-e-exam, hindi ko alam kung bakit kailangang dalawa lang kami? Baka siguro mamimili sila saamin kung sino ang magiging representatives sa nalalapit na convention. Di ko lang sure.

Lubb-dubb, lubb-dubb, lubb-dubb tunog ng puso ko, ako din lang pala ang kakabahan, dahil ngayong hapon iaa-anounce na kung sino ang may bagsak sa mga subjects namin. Hawak ko ang kamay ni Mary, at nagdadasal kami na sana walang bagsak saaming mag babarkada. Kasama ni Trishia si River, para silang magnet na hindi mapaghiwalay. Pero mas sweet naman kami ni Mary hehe.

Hindi pa namin sinabi sa barkada na may Mutual Understanding kaming dalawa ni Mary, gusto ko nalang ma surprise sila sa panliligaw ko sakanya.

“Okay! BS-BIOLOGY 1….” Naka smangot itong si Sir Octano, hindi namin alam kung may bagsak ba o wala “All passed!” sigaw niya kaya naghiyawan kami at napatalon pa yung iba “Mary, Gold, maiwan kayo”

“Ano daw?”

“Ano?”

“Bakit maiiwan sila?” nagbulungan ang buong klase dahil pati sila nagulat na maiiwan kami, biglang sumimangot si Mary. At nanlaki ang mata sa kaba.

“Baka kakausapin lang tayo, chill ka lang”

“Miss Ressurrection?” sabi ng Dean of Arts and Sciences

“Yes po ma’am?” nasa likod ako ni Mary

“Mr. Santos?”

“Yes ma’am?” sagot ko, at pati ako kinakabahan na din.

“You may take your sit” napatango si ma’am sa nilabas niyang papel mula sa brown envelope “Base sa GWA niyo kayo ang representative sa class niyo, Valedictorian kayo sa pinanggalingan niyong school right? At may kamali ang registrar’s dahil nagbabayad pa din kayo ng tuition kahit full scholar kayo” napatingin ako kay Mary, mukhang naguguluhan.

“Pero ma’am ako po, di po nagbabayad” sabi ni Mary.

“Ah ako po ma’am nagbayad dahil sa books” oo, nagbabayad ako ng books, nagtaka nga ako noon, pero sana mai-refund.

Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon