CHAPTER 5
*** Mary’s Point of View
“Alam mo bang kakagaling ko lang sa kwarto ni Gold, tapos may isang nurse na napadaan, eh nasa CR kami ni Gold”
“CR? Kayo ni Gold?” isa din pala itong kaibigan ko na ito, green minded?
“Oo nasa CR kami, dahil tutulungan ko sana si Gold na buksan yung zipper niya, eh hindi niya maibaba dahil sira yata yung zipper”
“Oh tapos?”
“Tapos yun nga nakita kami ng Nurse, at akala niya kung ano na ang nangyayari saamin ni Gold, sabi ba naman “Oh jusmeyo ginoo, Mary pa talaga ang pangalan” wow ha, wag na wag niyang mabanggit ang pangalan ng nanay ko at mahusgahan ng ganun. Nakakasakit din kaya ng damdamin yung sinabi niya”
Mary din kasi name ni mommy.
“Oh, tama na, eh anong sumunod na nangyari?” Trishia? Akala ko ba tama na, okay okay para mailabas ko tong galit ko, ikwekwento ko lahat sa kanya.
“Syempre, pinapunta ko siya sa loob ng CR at pina-try ko din na buksan yung zipper ni Gold” Kung maka-kento ako with actions? Nakakabaliw kasi yung Nurse eh!
“Nabuksan ba?”
“Hindi nga eh, ushang ng babaeng yun, napairap at agad lumabas, kaya nga nagmadali akong lumabas eh, baka pumasok yun dito sa kwarto mo papaalisin ko”
“Oh, wag ng high blood, sana naka CR ng mabuti si Gold, hahahaha”ang cute ni Trishia tumawa, mabuti at okay na siya, makakahinga na ako ng maluwag, hays, paano to, di ko pa pinapaalam yung bill niya sa hospital, nasa bulsa ko, at di ko kayang ilabas dahil nakakahiya, gusto kong ako ang magbayad dahil kasalanan ko naman. Nakakakonsiyensiya eh, kung hindi ko siya pinilit, eh hindi sana nagka-allergies.
“Sana nga haha”
Habang nagku-kwentuhan kami about sa school assignments na ipa-pass sana ngayon, biglang may kumatok sa pintuan, at naka abang na ako, dahil baka yung nurse na pumunta yung pupuntang mag che-check kay Trishia.
Pumasok yung babaeng nakaputi at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Naka eye-glasses at mukhang nasa 40’s.
“Tita!” sigaw ni Trishia, napa atras ako sa upuan at tinitigan sila, habang nagyayakapan.
“Kumusta ka? Ikaw naman pasaway ka talaga” sabay himas ng tita niya sa buhok niya, nakangiti lang ako sakanila dahil, ang saya ni Trishia ng nakita niya ang Tita niya, ang pagkaka-alam ko ay Doctor ang tita niya. Ang swerte niya, naalala ko tuloy si mama, namimiss din kaya niya ako? Malaki na siguro si bunso. I’m teary.
“Ayos lang naman po tita” napatingin siya saakin, habang hinihimas ko yung braso ko “Ah- Tita si Mary France nga po pala, new friend ko po, taga SDTR po”
“Oh- hi Trishia! Akala ko Nurse mo, ang ganda niya ah! Salamat sa pagbantay sa pamangkin ko ah, classmate ka ba niya?”
“Ah- opo Doc?”
“Tita nalang din ang itawag mo saakin” nakakahiya mang tita ang itawag ko sakanya, napatango nalang ako at napatitig sa nakangiting Trishia.
“Madidischarge ka na nga pala mamayang 9AM, kaya mo na ba?” Napatango lang si Trishia. Discharge? Nakabayad na kaya yung tita niya? Nakakahiyang itanong pero “Nabayaran ko na yung Hospital Bills mo, pero, nag day off lang ako ngayon para kamustahin ka, babalik din ako kaagad sa Norte dahil may pasyente akong ginagamot dun, sana wag ka na kumain ng mga bawal sayo, pang apat mo ng atake yan, sana matauhan kana, wala ka pa man ding kasama sa Condo” pang apat? Halla grabe ka naman Trishia, pasaway, pero kung maka lantak sa manggang may bagoong “Ah, Mary!”

BINABASA MO ANG
Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)
Ficção AdolescentePlayboy ang mga kapatid, pero siya hindi? Takot kasi siyang masaktan ulit. A battle of REAL love. RATED SPG COVER: Diposkan oleh ryuunosuke sarashiki PAALALA: Nanakaw po ang manuscript ko, kaya kung sino man po ang nakabasa neto sa ibang site san...