CHAPTER 19
[MARY’S POV]
Nagising ako ng 4AM, ang bigat ng ulo ko at fresh pa ang nangyari kanina, alam kong lasing ako pero totoo lahat ng sinabi ko kay Gold, nagustuhan ko siya simula pa nung unang break up namin ni Carlo, lagi siyang andiyan sa tabi ko, hindi niya ako iniiwan, nakikita ko lang si Kuya sakanya, na mabait at may respeto sa babae, ginusto ko ng makipag sex sakanya pero di niya pinilit ang gusto ko, pinilit niya akong respetuhin at di siya nag te-take advantage, tinest ko lang naman siya kung ano ba talagang ugali meron siya, at talaga nga namang di niya pinilit ang mali sana naming gagawin.
Mahal din daw ako ni Gold? Tama ba? Sana hindi siya nag jo-joke dahil na fall na din ako sakanya, nakita at narinig ko ng pag reject ni Trishia sa kanya kanina, umiyak siya at naramdaman ko ang pagdugo ng kanyang puso, pero kung ako siguro ang aamin sakanya, gagawin din kaya niya yun? Sa di ko sinasadyang pagkakataon, nasabi ko sakanya, na mahal ko siya, siguro ito na din ang tamang panahon para masabi ko na mahal ko siya, sa pag halik niya saakin ay naramdaman kong gusto din niya ko, mararamdaman mo naman kung mahal mo talaga ang isang tao at mahal ka din niya kapag may naramdaman kang passion, love and care sa pag halik niya, yan ang hindi ko nadama kay Carlo, kapag naghahalikan kami, gusto niya sex ang katuloy, lagi akong umaayaw dahil hindi ko ramdam na gusto niya ako. Na habol lang niya saakin ay sex. Gusto lang siguro niya ako sa kama, at lagi kong sinasabi sakanya na, di ako ganyang klaseng babae, wala pa kami sa tamang time at age para gawin yon lagi ko ring sinasabi na walang pilitan para walang masaktan sa huli.
Mahal ako ni Gold, mahal ko din siya, wala siyang girlfriend pero parang sanay na siya sa pakikipag halikan?
“Matulog kana, Rans” ang huling salita niya bago kami natulog. Hinalikan niya ang noo ko. RANS? Siya na kaya ang lalaki para saakin? Sana bigyan ako ng sign ni Kuya.
Inayos ko ang kalat sa sala, nakatulog si Bronze na parang bata, naka taas ang paa, binaba ko yon at ipinuwesto siya, pati din si Silver, ang sarap ng tulog nila, masakit man ang ulo ko at ang bibigat nila, pinilit ko ng mag ayos dito sa condo nila dahil parang nabagyo sa dami ng kalat, mag aalas otcho na, masarap pa din ang tulog nila, naisipan kong magluto, pero halla! Si tita, dumating pala kagabi, sana di niya ako hinanap. At sana mapalusutan ni Trishia. Tumawag ako sakanya.
“Trish, hinanap ba ako ni tita?”
“Oo nga eh, pero sabi ko sinundo ka ng tita mo dito kagabi, si Rizza, haha”
“Haha! Salamat ah, dead drunk itong magkakapatid, kakatapos ko lang maglinis sa condo nila”
“Haha, punta ka dito, wala si tita, may dala siyang karne ng baka galing Norte”
“Oh osige”
Pumunta ako dun at ang hirap buksan ng pinto nila, di ko alam ang password, ‘GOLDSILVERBRONZE’ reject – ‘santos’ reject – ‘silversantos’ accepted, oo nga pala kay silver itong condo.
-
26th
“Uh- bagay sayo yang damit ni Gold” salubong saakin ni Trishia, nakangiti siya at umagang umaga may bisita.
“Sinu yon?”
“Si River, sorry ah, pero niligawan kasi niya ako, kaya sinagot ko na” tumango ako at nakangiti, kaya pala rineject niya si Gold kasi meron na siyang boyfriend.
“Hi RIVZ!” sigaw ko.
“Uy, Mary!” tumango ako at nilapitan ako ni Trishia, sinabing nag kiss daw sila kanina, ay naku! Iba na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/22077756-288-k445412.jpg)
BINABASA MO ANG
Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)
Novela JuvenilPlayboy ang mga kapatid, pero siya hindi? Takot kasi siyang masaktan ulit. A battle of REAL love. RATED SPG COVER: Diposkan oleh ryuunosuke sarashiki PAALALA: Nanakaw po ang manuscript ko, kaya kung sino man po ang nakabasa neto sa ibang site san...