CHAPTER 11
[ Gold’s POINT OF VIEW ]
Mabuti nalang at agad na bumaba ang sinat ko after ng tatlong inuman ko ng gamot, 8PM na ng gabi at hinihintay nalang sila Mommy na mag sign for my discharge. Pinauna na naming si Bronze sa condo para utusang magluto ng kanin, oo marunong kami magluto ng kanin at mga ulam tinuruan kasi kami ni mommy dahil dapat daw, alam namin.
“Kumusta hijo” tanong ni dad nag okay sign ako “Good!”
Naka wheel-chair akong pinasok sa kotse, kayak o namang maglakad pero mas mabuti na daw yun, kaso para lang nga akong kawawa. Nadaanan ko yung nurse na nakaaway ni Mary kanina at napatawa lang si Silver ng nakita niya din yung babae, nasuntok ko siya sa braso.
“Why are you both laughing?” sabi ni mom, umiling lang kaming pareho sabay tawa.
Nasa back seat ako habang naglalaro sa cellphone ko, biglang nag pop-upyung number ni Miss. Betty, Miss. Betty na ang tawag ko sakanya, papanindigan ko.
“Babe, why are you absent? I feel bored tuloy kanina”
“I was confined”
Di na siya nagreply. Pero napagisip-isip ko na, sana tumigil na siya dahil mag seseryoso na ako sa pag-aaral.
Joke ba yan?
Mahirap na, baka ma temp akong gawin ang mali.
Nang nasa condo na kami, nagluto si mom ng favorite naming sinigang na baboy. Complete family kaming kumain, at sa isang kwarto lang kami natulog, sana may sakit nalang ako palagi para kompleto kami. Pero biro lang, atlis, they care about me. Thankful na ako dahil isang araw lang naagapan agad ang sakit ko, at bukas, tiba tiba nanaman ako.
Nagising akong wala na sila, dahil siguro pumasok na school, pero nasa kusina lang pala naguumagahan at nagtatawanan pa.
“Oh- gising na si Gold!”
“Buti nakahabol kapa, naglalaway ka kanina brad, wanna see your video?” tawa nilang apat nila mommy at daddy.
Tumalon ako para kunin yung cellphone niya, pero joke lang pala nila yun. Kumain ako at naligo na ng medyo mainit na tubig, wohoo, I feel fresh. Hinatid ako ni kuya sa classroom, baka daw kasi matumba ako, pero I feel gay huh? Hinatid pa talaga ako.
“Hi misses!” bungad ko kila Mary at Trishia. Kinamusta ko sila at mabuti naman ay okay na din sila, ang saya namin sinabi ng isa naming classmate na wala si sir.octano kahapon. At wala ding klase ng hapon dahil may mass.
“Sa C.Heights na din nakatira si Mary” sabi ni Trishia, with her smiley face.
“Wow, magkaka-kapit bahay na tayo! Don’t worry sa pamasahe, sabay sabay na tayo uuwi!” pag prepresenta ko, kasi first time lang ako nagkakapit bahay ng kaklase.
![](https://img.wattpad.com/cover/22077756-288-k445412.jpg)
BINABASA MO ANG
Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)
Teen FictionPlayboy ang mga kapatid, pero siya hindi? Takot kasi siyang masaktan ulit. A battle of REAL love. RATED SPG COVER: Diposkan oleh ryuunosuke sarashiki PAALALA: Nanakaw po ang manuscript ko, kaya kung sino man po ang nakabasa neto sa ibang site san...