CHAPTER 8
***[GOLD’s Point Of View]
“Ang gwapo niya kahit kalbo siya haha” natawa ako sa text ni Trishia, kalbo nga eh, ano namang nagustuhan niya dun? Ayaw ko kasing magpakalbo eh, para sana mapansin niya din ako.
“Haha, yun ang nagustuhan mo sa ilog na yun?”
“Hindi, mabait kasi siya” mabait din naman ako ah. Gusto ko sana siyang tawagan pero nahihiya ako.
“Sa tingin mo date yung nangyari kanina?” di ko alam ang sasabihin ko kasi kasama ko si Mary kanina, date din ba yon?
“Hindi, diba sinabi mong nagpasama lang siya, wag assuming”
“Awts ---”
“Joke, itulog mo na yan” 12AM na, at sa kasamaang palad ay 7:30 kami ng umaga bukas, di ko na kayang mag text pa at basahin yung huli niyang text, nakatulog na ako at nagising nang nag alarm yung cellphone ko sa baba, waaa nahulog nanaman si ESPAYB! Pinulot ko kaagad, at hinipan hipan, wala namang gas gas kaya Thanks God Its Friday!
Yeah Friday, friday is my flyday umaga lang ang klase ko at mamaya, gusto kong bumisita sa bahay nila Olive. Baka nanganak na kasi yon.
“Gold!” salubong saakin ni Trishia sa hallway papuntang G blg. Naka puson yung buhok niya at naka eye glasses, ngayon ko lang siya nakitang nakapuson at naka glasses, mukha siyang anime sa suot niyang checkered na palda at naka long sleeve with necktie.
“Cosplay day ba ngayon?” tanong ko sa dalawang babaeng nasa harap ko, dahil si Mary, naka make up at naka suot ng leather jacket mukhang sindikato. “Anong naisipan niyo bat kayo naka ganyan?”
Hinila nila ako paloob ng room, yun pala’y mangongopya lang sila saakin ng assignment. Nasa gitna ako at halos mapag agawan yung assignment ko ng iba pang mga kaklase ko.
“Easy lang, mapunit yang notebook ko” napatili ng malakas si Miss. Betty kaya naagaw niya ang attensiyon ng lahat.
“Shit ka Gago!” sabi niya kay River, nagsi tinginan ang mga kaklase namin pati na si Sir. Octano.
“What’s happening here?” lumapit si Sir ng nakapamewang, hindi tuloy naka kopya ang mga kaklase ko sa notebook ko dahil agad kong tinago yun dahil tapos naman na sila Mary at Trishia.
“Sir, kinagat niya yung wrist ko!” Turo niya kay River, na siya namang natatawa sa kaharap niyang si Miss. Betty.
“Sa labas nga kayo magkagatan huwag dito” umalis din kaagad si Sir. napasulyap ako kay Trishia at may lungkot sa mata niya.
“Wag kasi assuming” bulong ko sakanya.
“Akala ko kasi single siya” lungkot na sabi niya “Pero kahit ganon, crush ko pa din siya” aray!
Pagkatapos ng klase ay pumunta kami nagmeryenda sa isang fast food chain.
Nagorder kami ng pansit, inaya namin ang ibang classmate, kaso tatlo lang ang pumunta, si April, si Riza at si Paul.
“Ah- guys may sasabihin ako” sabi ni Riza. Napatingin kami sakanya.
“Pamangkin ko si Mary, sa mother side” tumango si Mary, may kamag anak pala siya dito.
“Pero, malayong pamangkin, huwag niyo ng itanong” tumawa kami, dahil sinabi sabi pa niya tapos di din lang pala niya sasabihin ang buong kwento, dahil pati daw sila ay di nila alam.
“Kain na tayo!” nakahanda ang isang bilaong pansit at pinag salu-saluhan namin, syempre naka chop sticks si Trishia, kami tinidor lang.
Masaya kaming nagkwentuhan about sa mga subjects namin. Mga jokes sa mga professors at instructors, at syempre about sa mga crush.

BINABASA MO ANG
Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)
Teen FictionPlayboy ang mga kapatid, pero siya hindi? Takot kasi siyang masaktan ulit. A battle of REAL love. RATED SPG COVER: Diposkan oleh ryuunosuke sarashiki PAALALA: Nanakaw po ang manuscript ko, kaya kung sino man po ang nakabasa neto sa ibang site san...