CONTINUATION OF CHAPTER 9
[ Mary’s Point of View ]
FLASHBACK
Sabi ko nga sa isang Point of View ko, magulo at pang MMK ang storya ng buhay ko, pero para maka proceed sa kwento na ito, ishe-share ko na ang story ko.
Separated ang parents ko, di kasi sila maka move on sa pagkamatay ng kapatid ko, nagsisisihan sila sa nangyari, namatay si kuya dahil sa isang aksidente, aksidente ng pagkapabayaan ng bus driver, habang papunta siya sa Baguio para mag Board Exam for Nursing, Masaya siyang nagpaalam saamin, unang beses niya akong pinagsabihan at pinayuhan. Habang nasa sala kami, nanunuod ng cartoon network, bigla siyang lumapit saakin, naiilang ako dahil di naman siya sweet na ganito, naka yakap siya saakin.
“Rans, (rans sang tawag niya saakin) mag ingat ka dito ha, si mommy palagi mong alagahan at bantayan para hindi sumasakit ang ulo, baka ma highblood ulit mahirap na, wala ako para mag check ng BP niya, si bunso alagahan mo, yung mga assignment niya, tulungan mo, alam ko naman kaya mo yun, kapatid kita eh, mana ka sa kagalingan ng kuya mo, go for the goal tayo ah, valedictorian, isa ulo mo yan, tignan mo, (turo niya sa aparador namin kung saan nakasabit at nakadisplay mga awards, certificate and medals namin), mas madami pa yung saakin pero kaya mo yan, sa college, mas lalo mo pang galingan para maabutan mo yung mga awards ko, tapos si bunso lagi mong pagsabihan na magaral mabuti, hanggang ngayon 2nd place palang ang award niya, mag gre-grade four na, si Daddy, palagi mong timplahan ng kape sa opisina niya (may maliit kasi na office si dad, madaming libro at bawal kami pumasok dun)
Sinapak ko yung braso ni kuya dahil baliw lang mga sinasabi niya.
“Baliw ka, alam ko yang mga yan, bakit san ka ba pupunta? Parang ang tagal mo namang mawawala, mag bo-board exam ka lang naman ah, ikaw nga dapat kong pagsabihan diyan” niyakap ko pa siya ng mahigpit, at tila ba may naramdaman akong bigat sa puso dahil bigla akong nakaramdam ng kaba, pinalo ko ulit siya “Kuya, ikaw nga diyan pagsabihan ko, go for the goal, top 1 Nurse nationwide para ipagmamayabang ko na kuya ko si MARCO FRANCIS RESURRECTION ANG GWAPO MATALINONG TOP 1 SA NURSING SA BUONG MUNDO!” sinigaw ko yun, hanggang sa lumabas sila mommy at daddy sa kusina, sinigaw din ang “Go Kiko! Registered TOP1 Nurse!”
Sabado ng madaling araw, hinatid na namin si kuya sa terminal ng bus, syempre Masaya siya, nagwave siya ng kamay at nakita kong naluha siya habang nagwe-wave, sumakit nanaman ang puso ko kaya sinigaw ko “Go for the goal kuya!”
Nagtext siya saakin, nasa Baguio na daw sila at nasa pataas na sila ng bundok, tumirik lang daw, pero okay na din “Oo, magiingat ako ditto Rans, I love you!” natuwa ako sa text niyang I love you, dahil sa unang pagkakataon ay pinagsabihan niya ako nun, nasa school ako maghapon ng sabado para sa review ng quiz bee, ilalaban kasi ako for regional, sa Monday, kinabukasan, maaga akong nag church para ipag pray si kuya, para sa board exam niya, di ko na nahintay sila mommy, dahil hapon sila nagsisimba. nagsindi ako ng apat na kandila, para kay mommy, daddy, bunso at kuya, pero namatay yung isang kandila yung kay kuya.
“Mahangin siguro” bulong ko sa sarili ko
Sinindihan ko ulit at tuloy sa pagdasal. Hapon na ng umuwi ako, dahil bumili ako sa mall ng ballpen at lapis, at ilang kakailanganin ko sa school. Yung feeling na mag isa ka, na parang may nagmamasid sayo? Agad na din akong umuwi, di na ako nagpasundo, habang nasa jeep ako, 15 missed calls galing kay daddy, di ko na pinansin yun, dahil baka hinahanap lang kung saan ako.
BINABASA MO ANG
Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)
Teen FictionPlayboy ang mga kapatid, pero siya hindi? Takot kasi siyang masaktan ulit. A battle of REAL love. RATED SPG COVER: Diposkan oleh ryuunosuke sarashiki PAALALA: Nanakaw po ang manuscript ko, kaya kung sino man po ang nakabasa neto sa ibang site san...