CHAPTER 5
“Salamat sa pag hatid, pero mauuna na ako ah?” nagmamadaling umalis si Trishia sa kotse ko, naiwan pa nga niya yung folder niyang pink, di ko siya naabutan, tumakbo na kasi ng napa stop kami sa security guard.
Anong meron dun? Natatae?
Hays mabuti nalang at may elevator kung wala? Ay mamatay na ako sa pagod. Pagkalapag na pagkalapag ko ng gamit ko sa kwarto ko ay may isang papel na nahulog mula sa folder ni Trishia, di ko maintindihan ang sulat dahil reseta ng doctor? Alam mo naman kapag doctor, maganda ang sulat.
Katulad ko *irony*
Ibinalik ko nalang sa folder niya at di na ako nagka-interes pa dahil nga maganda ang sulat. Nahiga ako at uh- naalala ko si Miss. Betty, yung katawan niyang kay sexy at yung ugh-! Boobs niyang malaki at malambot! Sh*t kasi itong Silver na ito, ibitin ko yan patiwarik.
Nagshower ako at nagluto ng instant sopas dahil walang nakapagluto, hectic kasi ang mga schedules namin. Tska kung hindi si Silver ang tao dito sa condo niya ay ako lang o di kaya mga babae nila ni Bronze. Ako lang ang hindi nag uuwi ng babae dito, maliban kay Olive na tinulungan ko.
Nag self temperature ako, dahil I feel pain sa katawan lalo na sa bandang ibaba ko, masakit dahil hindi ko nailabas, ngayon, alam ko na ang nararamdaman ng mga ulupong kung kapatid pag nabibitin sila sa mga syota nila. Napa-unat unat ako ng katawan pagkatapos ay 38°c sabi na nga ba’t nilalagnat ako.
Bumaba ako sa condo at nagpaalam sa front desk officer na may bibilhin lang ako sa pharmacy, iniwan ko kasi yung susi sa front desk officer dahil baka magkasalisihan kami ni kuya, eh naiwan pa man din niya yung susi niya.
“Guard guard patulong sa 26th floor may nahimatay na babae”
26th floor? Dun sila Trishia, pero baka di siya yun
“Salamat sa pag hatid, pero mauuna na ako ah?” nagmamadaling umalis si Trishia sa kotse ko.
Wag naman sanang ganun.
May isang papel na nahulog mula sa folder ni Trishia, di ko maintindihan ang sulat dahil reseta ng doctor?
Sh*t siya nga yun!
Nagmadali akong pumunta sa elevator at nakisabay na sa mga guardiang reresponde. Pagdating namin dun ay nakahalandusay na Trishia na may dalang inhaler ang bumulaga saamin. Binuhat namin siya sa stretcher at, humihinga pa naman siya, nilagyan kaagad siya ng oxygen dahil nahihirapan huminga.
“Gold! Pwede ba kami maki sabay hanggang gate lang?” sabi ni Trishia habang kumakamot siya sa kamay niyang namumula.
Ang namumula niyang kamay ay kumalat sa kanyang buong katawan, pantal pantal at halos di mo na siya makilala dahil nadoble ang kanyang balat sa allergies.
BINABASA MO ANG
Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)
Ficțiune adolescențiPlayboy ang mga kapatid, pero siya hindi? Takot kasi siyang masaktan ulit. A battle of REAL love. RATED SPG COVER: Diposkan oleh ryuunosuke sarashiki PAALALA: Nanakaw po ang manuscript ko, kaya kung sino man po ang nakabasa neto sa ibang site san...