ul1 CHAPTER TWO

3.6K 49 2
                                    

CHAPTER TWO

 

NO WAY! Yung babaeng yun? Makakatabi ko sa pagtulog? Alam kong sa tamang panahon may makakahiga akong babae sa kama ko at gusto ko, yon ang mapapangasawa ko, kasama ng magiging anak namin, masaya kaming magku-kwentuhan gabi-gabi, mag-lalambingan, magtatakbuhan sa apat na sulok ng aking bahay at sabay-sabay na matutulog.

“Aray!” binato ako ni Silvestre ng unan  sa mukha ko, napa haba ata ang pagplaplano ko para sa mapapangasawa ko. Masakit din yun dahil naitama sa gwapo kong mukha.

“Patulugin mo na bisita mo, Olive una na ako” sumenyas ng babay itong si Silvestre, nakakailang tawaging kuya eh, naiinis ako, tska san matutulog itong babaeng ito. Sa kama ko?? Tss.

Sumenyas akong humiga na siya sa kama ko, habang nilagyan ko ng unan ang gitna namin, walang imikan hanggang narinig ko siyang humihikbi at napapasinghot.

Sh*t baka mauhugan niya yung unan ko.

“Huwag mo ng isipin yung lalaking yon, makakahanap ka din ng taong para sayo”

Naalala ko tuloy ang pag halik niyang sabik saakin kanina. Na halos di na ako makahinga.

“Hindi naman yun ang iniiyak ko, eh”  

wag ka din sanang umiyak sa unan ko pwede?

 

“Eh ano?”naiinis kong sabi sakanya. Magkatalikod kasi kaming dalawa, at minsan napapa lingon ako sa legs niya. Ang kinis, pero, ano daw? Bakit siya umiiyak? Dahil ba sa lalaki? Tsss

“W-walang m-magiging ama itong d-dinadala ko” dinadala? May dala ba siya? Wala naman siyang bag kanina, Wait- ano daw? Paki ulit buntis siya? BUNTIS!!!???

 

Napa tayo agad ako sa higaan ko at napasapok sa ulo ko, akala ko pa naman kaya kong lambingin itong babae, at maka one night stand, pero BUNTIS. Walang hiyang lalaki ang nakabuntis sakanya at iniwan lang siyang ganyan ang lagay niya. Ginamit at ano? Itatapon sa tabi? Kaya pala kung makahampas saakin akala niya lahat ng lalaki manloloko, may natitira pa naman sa mundong ito na mababait at gwapo, at ehem nabibilang ako dun.

“Ano kamo? Buntis ka? Saglit ah- anong pangalan ng nakabuntis sayo?”

“Troy Montero” di ko kilala, pero gag* naman yun, kawawa itong si Olive, maganda pa naman at uh- sexy. Troy Montero? Familiar nga pala ang pangalan. Ilang taon na kaya itong si Olive? Siguro kasing taon ko lang, kawawa naman sila ng magiging anak niya.

“Anong balak mo?”

“D-diko a-alam huhuhu….” Umiyak nanaman si Olive habang ako nakatayo malapit sa desktop ko kung saan nakasandal ako sa pader. Nagkakamot ng ulo, eh wala naman akong kuto.

“Buhayin mo nalang mag-isa, sure ko naman nasarapan ka nung ginawa niyo yan eh” yan sana ang sasabihin ko, pero parang ang mean naman.

Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon