CHAPTER 1: THE OLD TIMES
"Do it, please."
I woke up. Thank god dahil nagising ako sa masamang panaginip na 'yon. Actually, sanay na ako. I've been having this strange dreams for years. Because of some traumatic experience I had.
Because of that, bumangon na ako dahil I am pretty sure na di ako ulit makakatulog. Bumaba na ako para mag-almusal. I stopped at the kitchen, remembering old times. Kung si Mama ay nandito pa, siguro ay tinatalakan na ako niyan. Dahil dapat maaga daw akong nagigising tuwing first day ko sa school. Ito nga ay dahil ayaw ni Mama na maging bad impression ako sa aking mga classmates. At siyempre, nandito si Papa, yung aking hero na ililigtas ako sa tuwing tinatalakan ako ni Mama.
Di ko maiwasang mapangiti. Remembering the old times. I just cannot forget how happy we are. But now, wala ng ilaw na gigising sa akin tuwing umaga at wala ng clown na magpapatawa sa akin sa tuwing malungkot ako. Ugh, I just missed it.
I prepared strawberry sandwich for my brunch. Yeah, you heard it. Two meals a day lang dahil that is part of my diet. Kahit di ko naman kailangan magdiet.
After I do my morning routine, ready na ako para pumasok. First day being a fourth year highschool student and first day at a new school. Mahal kasi ng tuition ko sa dati kong school. Pero they say, maganda daw at MATINO ang school na ito. Sana nga tama ang sinasabi nila.
Ang advantage is malapit ang school na ito sa subdivision na tinitiran ko. Di ko na kailangan mamasahe pa. Naglakad ako hanggang sa naabot ko na ang school. This is a very big school. Mukha nga siyang asylum eh, sa unang tingin pero kapag inusisa mo ay mukhang normal na school lang. Huminga muna ako ng mallim bago pumasok.
______________________________________________________________________________
I reached my class after a thousand of years. Grabe pala ang tatahakin mo. Di mo rin akalain na sira pa ang elevator ngayon first day of school. Bad impression, joke. Nakaupo ako sa dulo malapit sa bintana. At oo nga pala, sobrang nakakabingi ang ingay ng mga estudyante. Siguro ngayon lang ulit sila nagkita-kita after two months of vacation. Di ko sila masisisi.
Madami ding nagbubulungan at tinitignan ako dahil nga transferee ako dito sa school na ito. Wala naman akong nakikitang parang bubullyhin ako sa mga tingin nila. Buti nalang din at ganoon.
"Hello po. Kayo po yung bagong lipat dito po diba?" rinig kong may nagsalit sa aking likuran. Agad naman akong lumingon at nag-hi din sa kanya.
"Ah, oo." Maikli kong sagot.
"Ganun ba? Well, my name is Stacey Del Mundo." Napansin ko na nag-iba ang tono niya. Naging more strict kaysa kanina na medyo friendly.
"How may I help you?" medyo awkward kong tanong.
"I don't need help kasi ako mismo ang tutulong sayo. Madami ka pang hindi alam sa school na ito and especially the rules." Sabi naman nito.
BINABASA MO ANG
The Girl In Red
Mystery / ThrillerChelsea Mae Hernandez was her name. Destined to be alone for the rest of her life. But also destine to be strong and willpowered. What if something will ought to end her existence? What will she do?