CHAPTER 3: THE FIRST MURDERNow she realized that it wasn't just an ordinary mannequin. It was a person. A serial killer. Ready to stab her in any minute.
Agad naman siyang sumigaw ng tulong ngunit walang nakakarinig sa kanya dahil walang estudyante ngayon sa hallway. Nang habulin siya nito ay agad agad naman siyang tumakbo ngunit siya muli ay nadulas. Napuruhan naman ang kanyang tuhod dahil dito.
"Agh!" daing nito at nanlaki ang mata niya nang mapansin niya na hindi pala tubig ang nasa sahig.
Kundi dugo. Dugo ng kung sinong nabubuhay. Hindi niya ito inintindi sapagkat tuluyan siyang tumakbo kahit paika-ika.
"Tulong! Tulong!" sigaw niya habang hingal na hingal na tumatakbo. Hindi na rin siyang nag-atubiling tumingin sa kanyang likuran dahil sa tinding takot na nadarama. Umaagos na rin ang mga luha nito. Sa sarili niya, ayaw niya pang mamatay dahil marami pa siyang pangarap na tutuparin. Pangarap na gusto ng kanyang ina.
Nang tatakbo sana siya sa panghuling kuwarto ay nabangga niya ang isang babae.
"Ano pong nangyari sainyo?" tanong ng babaeng ito sa kanya ngunit tumingin muna siya sa likuran niya. No signs of the killer.
"Tulungan mo ako. May humabol sa akin! Please!" nang masabi niya ito ay nawalan na siya ng malay.
Humingi naman ng tulong ang babae at kasabay nito ay nagring na ang bell.
________________________________________________________________________________
CHELSEA'S POV
"Mom, please. I can't do it."
"You have to do it. You have to be brave."
"Ayoko po!"
"You have to. There's no other way."
"There's always another way."
"Do it, please!"
Agad naman akong nagising. I felt tears cascading on my cheeks. Ugh, another bad dream.
I began to realize that I am at the clinic. It's familiar kasi dito din ako dinala ni Stacey nung tinotour niya ako dito sa school. Narinig ko na bumukas ang pinto at iniluwa nito si...
"Uhh, Timothy?" takang tanong ko.
"Oh, sorry. I wasn't supposed to be taking care of you pero wala kasi ang nurse ngayon. Absent." sagot nito sabay ngiti. Umupo ito sa aking tabi habang ako'y nakahiga.
"I was also send here para imbestigahan ang nangyari saiyo." saad nito at ngumiti ulit.
"Imbestigahan? Hindi ba pulis ang dapat mag-imbestiga sa nangyari dito?" pagtatanong ko sa kanya.
"This is a command from the dean. Ayaw din kasi natin na masira ang reputasyon ng school at ayaw din ng ating dean na may nasasaktang estudynate." paliwanag nito.
"Okay, I understand." sagot ko sabay buntong hininga.
"Ano ba ang nangyari saiyo kanina?" tanong nito.
I declared what happened to me, everything.
"Hm, kanino kayang dugo 'yon?" tanong nito sa kanyang sarili. I can't deny kung bakit madami talagang babae ang nagkakandarap dito sa lalaking ito. Ang ganda ng noseline, ang kapal ng kilay and those bluish eyes. In short, he's handsome.
BINABASA MO ANG
The Girl In Red
Misterio / SuspensoChelsea Mae Hernandez was her name. Destined to be alone for the rest of her life. But also destine to be strong and willpowered. What if something will ought to end her existence? What will she do?