CHAPTER 2: AGAWAN SA TITULONagsimula ng maganda ang umaga ni Chelsea. Hindi siya naalimpungatan o di kaya'y hindi nakatulog ng maayos. Nakapasok na siya sa eskwelahan ng walang problema. Nang makapasok siya sa kanilang room ay agad siyang pinuntahan ni Stacey.
"Girl, kamusta ang tulog?" bati ni Stacey sa kanya. Medyo na-weirduhan naman si Chelsea sa tanong ni Stacey.
"Uhh, okay naman?" awkward na sagot nito at umupo na sila sa kanilang upuan. Kung kahapon ay nasa likuran niya si Stacey, ngayon naman ay magkatabi na sila.
"And, oo nga pala. Lalaban ka ba para sa titulo?" tanong nito kay Chelsea at ngumiti.
"Di pa ako sure. Nagdedesisyon pa ako kung lalaban ba ako o hindi." sagot naman ni Chlsea. Nasa isip isip niya kung bakit parang gusto ni Stacey na palabanin siya para sa mga titulong iyon.
"Hm, sige. Maiwan na muna kita dahil pinapatawag ako ng dean. Ba-bye." sambit na lamang nito sabay tayo at umalis sa room.
Nang makaalis si Stacey ay nakaramdam si Chelsea na kailangan na niyang pumunta ng banyo. Kaya naman tumayo siya at nang lalabas na sana siya ay nagkabanggaan sila ng isang matangkad na lalaki.
"Aruy." napahawak sa noo si Chelsea. Agad naman siyang itinayo ng lalaking nabangga niya.
"Sorry miss! Okay ka lang ba?" tanong nito sa kanya habang hawak hawak nito ang noo ni Chelsea. Nasulyapan niya na din ang mukha ng lalaking nabangga niya.
Hindi maitatanggi na maamo ang mukha nito at mukhang mabait ito. In short, guwapo ito. Nabalik mula sa wisyo si Chelsea nang mag-ayie ang mga kaklase niya.
"A-Ahh, pasensya na." sabi ni Chelsea at hinawi niya ang kamay nung lalaki sa noo niya.
To be specific, ang taong kanyang nabangga ay si Timothy James Montefalco. Siya ang hinahangaan dito sa school na ito. Behalf of being handsome, he is sporty and kind to others. Hindi siya bad or may attitude. Pero syempre may times din na nagagalit siya kapag mayroong di kaaya-ayang dahilan.
Pumasok na silang sabay sa classroom dahil nandiyan na rin ang kanilang teacher. Nang makapasok sila agad naman silang bumati at napansin ng lahat ang dala ng teacher nila.
Isa itong malaking kahon na nababalutan ng wrappings at may nakasulat sa harap nito na "Votes". Madaming nagtataka kung bakit medyo maaga ang pagboto para sa mga titulo.
"So as you see, maaga ang pagboboto natin sa mga titulo. Utos din ito galing sa dean na maging maaga para wala ng maging problema dahil next next week ay monthly exam na." anunsyo ng guro at madami naman ang nagreact. Yung iba ay nadismaya dahil nga napakaaga na ng exam nila.
"Everybody quiet! Fourth year na kayo kaya dapat ay kaya niyong i-handle ang mga gawain niyo. Kung ayaw niyong bumagsak ngayon, handle everything responsibly." putol nito at nanahimik na ang buong klase.
"Anyways, ako na rin ang pumili ng limang titulo na pwedeng paglabanan. Kung papalag kayo, maari na kayong lumabas." saad nito at natawa naman ang ibang estudyante.
"Ang napili kong mga titulo ay.." sinimulan nitong kunin ang kanyang notebook.
"Campus Achiever, Nerd, Sweetheart, Hearthrob and Sporty." putol nito sa sinasabi.
Madami ang nagpalakpakan hudyat na lahat ay sang-ayon sa mga napiling titulo ng guro. Napaisip naman bigla si Chelsea kung ano ang kanyang ipaglalaban. Kung lalaban nga ba siya.
BINABASA MO ANG
The Girl In Red
Misterio / SuspensoChelsea Mae Hernandez was her name. Destined to be alone for the rest of her life. But also destine to be strong and willpowered. What if something will ought to end her existence? What will she do?