CHAPTER 9: SLEEPOVER-MARE
"Eto yung sulat na natanggap ko kahapon. Kasama nun ay 40,000 pesos according sa pagbibilang ko. " paliwanag ko kay Kristoff sabay lapag ng letter at pera.
"Weird. Kung ang killer ang nagbigay niyan, bakit naman niya gagawin yun?" tanong nito sa akin.
"That is exactly my point. Bakit siya magbibigay sakin ng ganung kalaki? Kapalit ng buhay ko?" I said. Maybe that's somehow the point.
Umiling lang siya habang deretsong nakatingin sa akin.
"No. You haven't thought about the letter." napatigil siya sa pagsasalita. Nilapit niya naman ang mukha niya.
"I think someone is trying to help you."
Agad naman akong nagtaka. Sino naman ang may gustong tumulong sakin?
"Chels, fifteen thousand pa ang natitira sa tuition mo. At ang sabi mo sakin thirty five thousand ang tuition mo for senior." paliwanag ni Kristoff saakin. So it makes sense now.
"He gave me the money para hindi na lumaban sa titulo?"
"Exactly. I think may rason kung bakit ayaw ng taong 'to na palabanin ka sa titulo." saad nito habang kinakamot ang kanyang ulo.
Bakit ayaw ng taong ito na palabanin ako? Kasi talunan? Kasi di naman deserving? Ugh, ewan ko.
Huminga muna ng malalim si Kristoff bago magsalita.
" Magpahinga ka na muna. Wala naman pasok bukas kaya pwede ba dito ka muna matulog?" pagtatanong nito. Wala naman akong pwedeng ipag-alala dahil madami na ring security guard ang nakapalibot sa mansyon na ito.
"Sige lang. Nakakabagot din sa bahay eh." sagot ko at tumawa ng mahina.
Ningitian niya ako at nagpatuloy na sa pagtatype sa computer. I haven't looked around here. Naglakad lakad ako at napadpad naman ako sa kanilang family room kasi may sign na iyon ang nakasulat. Madaming pictures dito. Lahat ng miyembro ng pamilya nila dito ay may sari-sariling frame.
Napansin ko din ang picture ni Kathleen. Nakangiti siya doon. Sana nakangiti din siya ngayon kung walang kumitil ng buhay niya. Nangyari na kasi ang dapat mangyari. Kaya ngayon, hustisya ang hinahanap namin.
Anyways, napansin ko na parang hindi na dito naninirahan ang pamilya niya. Di rin dito ginanap ang lamay ni Kathleen. Hindi rin man lang bumisita ang pamilya ni Kristoff para kamustahin siya. May problema sila siguro.
Madami pa akong di nalalaman kay Kristoff. Medyo focused siya sa Investigation namin dahil gustong gusto na niya hanapin ang pumatay sa kapatid niya. Minsan nga 'pag tinatanong ko siya about himself. He always says "There is nothing to hear." Kaya nanahimik na lang ako.
Lumabas na ako mula sa family room nila at bumalik ulit sa office niya.
"Oh you' re back. Stacey has been calling you five minutes ago." sabi nito pagkapasok ko. Agad ko namang binuksan ang phone ko at madami pala siyang tinext sa akin.
7:35 PM
Gurl, where are you? Diba sleepover natin ngayon?Hala! Oo nga. Sleepover pala namin ngayon ni Stacey. I promised to her na makakapunta ako ngayon. Hinablot ko naman ang bag ko at isinuot sa aking likod.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Kristoff sa akin.
"I got something to do. I have to go. Bukas nalang natin ipagpatuloy." I said and ran off. Agad naman akong naglakad ng mabilis. Buti nalang ay pareho ang subdivision na tinitirahan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Girl In Red
Mystery / ThrillerChelsea Mae Hernandez was her name. Destined to be alone for the rest of her life. But also destine to be strong and willpowered. What if something will ought to end her existence? What will she do?