CHAPTER 5: THE BROTHER*kring*
And for the nth time, I turned off my alarm. Ugh, hindi maayos tulog ko. Wait, correction! Hindi talaga ako nakatulog. Bakit? Di matanggal sa isip ko yung sulat na nakuha ko kahapon.
One day, my hands would break your neck and my knife will press into your stomach. Just wait. >:)
One day, my hands would break your neck and my knife will press into your stomach. Just wait. >:)
Ugh! Ayaw matanggal sa isip ko! Tinakpan ko ng unan ang aking mukha. Kailangan ko ng maging matatag at palaban dahil anytime...
Pwede siyang umatake.
Which I wish na sana hindi na mangyari. Di ko alam kung ano ba ang kasalanan ko kung bakit ginagawa nitong pumatay. Wala akong nagawa kundi wala gana ding tumayo. Humarap ako sa repleksyon ko sa salamin. Itim na itim ang ibaba ng aking mata.
Tinatamad din akong pumasok pero next next week na kasi ang monthly exam namin. Nakakastress kasi ang aga.
I did my morning routine and walked away from my home. Di na rin ako nagbreakfast dahil wala din ako sa mood. Habang naglalakad ako ay di ko paring mapigilang lumingon lingon sa paligid. just to be sure I am safe.
Nang marating ko ang eskwelahan ay may humarang sa aking isang police officer.
"Goodmorning, Miss Hernandez. We would like to ask you to come to the police station." saad nito sa akin.
"Um, para saan po?"
"It is about the murder of Kathleen Gimenez. Gusto namin marinig ang inyong statement dahil mukhang ikaw lang ang maaring makatulong sa amin." paliwanag nito.
"Pwede bang mamaya na lang? May pasok kasi ako eh." sabi ko sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang siya.
"Sige. I'll just wait you here pagkatapos ng klase ninyo." saad nito sabay kamot sa ulo.
"Okay po. Sorry." nagbow nalang ako at akmang papasok na ako sa school nang hilain niya ang aking kamay.
"Don't tell this to anyone, please."
I just nodded and he walked away. Pumasok na ako paloob. Di ko na inintindi ang sinabi ng pulis kanina dahil walang wala ako sa mood.
Pinindot ko yung elevator dahil wala nga talaga ako sa mood gumamit ng hagdan. I don't know why.
Pagkabukas ng elevator ay agad kong nasalubong si Timothy. I just waved at him and he just smiled at me as a response at lumabas na siya paalis. Pumasok na ako at pinindot ang designated floor namin.
_____________________________________________________________________________
"Talaga? So hindi ka makakapunta mamaya sa practice natin?" pagtatanong sakin ni Stacey. Sa totoo lang kasi may practice kami ngayon ng dance para sa first project naming sa Filipino. Katutubong sayaw ganoon.
"Oo, sorry talaga pakisabi sa groupmates natin." Sabi ko dito.
"Oh sure. Maiintindihan naman nila 'yun eh and kung papalag sila, matitikman nila ang kamao ko." Pagbibiro nito at natawa lang kaming dalawa.
"Anyways, bakit nga pala di ka makaka-attend?" biglang tanong ni Stacey.
Di agad ako nakasagot. Sinabi kasi ng pulis kanina na huwag ko daw sasabihin. Di ko alam kung ganoon ba kaimportante na huwag ko sabihin kahit kanino ang pagbibigay ng statement.
BINABASA MO ANG
The Girl In Red
Mystery / ThrillerChelsea Mae Hernandez was her name. Destined to be alone for the rest of her life. But also destine to be strong and willpowered. What if something will ought to end her existence? What will she do?