CHAPTER 4: A DEATH NOTE
"Oh my god!" halos mabitawan ko ang aking phone dahil sa aking narinig.
[Yeah, she was strangled on her own house. Her hands and her private part were burned.] sabi naman ni Timothy sa kin.
"Pero bakit naman? Sino naman ang gagawa sa kanya ng ganun?" takang tanong ko.
[We don't know. Iniimbestigahan pa ng pulis. Anyways, I have to go.] saad nito sabay patay ng tawag. Hindi ako makapaniwala na patay na yung babaeng tumulong sa akin.
Kung sino talaga ang gumawa nun ay dapat makulong. She doesn't deserve to die. Wala na akong nagawa kundi gawin na ang morning routine ko. Nangyari na ang dapat mangyari at hindi ko ii-stressin ang sarili ko sa panyayaring iyon. Diyos ang may hawak ng buhay niya. Although medyo nagiguilt ako which I don't know why.
After ng 5 minutes na paglalakad ay nakaabot na ako sa aming school. Na mukhang asylum. Pumasok na rin kaagad ako dahil medyo malalate na ako. Pagadating ko sa room namin ay halos patayin ako sa mga death glare ng aking mga kaklase. Ano kayang problema nila?
Uupo na sana ako nang lapitan ako ni Stacey.
"Nabalitaan mo na ba yung nangyari kay Kathleen?" pagtatanong nito sa akin.
"Yes. Nasabi na sakin ni Timothy." sabi ko at nung nabanggit ko ang Timothy ay medyo kumunot ang kanyang noo.
"She doesn't deserve to die. Sayang naman at top siya ng klase nila." saad nito at pareho kaming umupo.
"Kaya nga eh." maikli kong sambit.
"At oo nga pala, Chelsea. Bumoto ka na ba?" tanong sa akin nito.
"Di pa eh. Ikaw?"
"I voted na. Gusto ko maging Campus Hearthrob si Timot---"
"I mean si Kieth." saad nito and she awkwardly smiled. Napatango na lamang ako at kasabay nun ay pumasok na ang aming guro.
________________________________________________________________________________
Lunch break na at nasa cafeteria kaming dalawa ni Stacey. Inaya niya kasi akong maglunch para daw mag get-to-know kami. Umorder muna siya ng pagkain kaya nandito ako mag-isa.
Bigla naman pumasok sa isip ko yung babaeng tumulong sa akin which is named Kathleen. I learned a few characteristics niya eh. Magalang daw at matalino 'yon. Pero sabi ng iba, mabait daw siya kapag nandiyan ang mga magulang niya. Di ko din alam kung naniniwala ako pero 'yon daw ang sabi ng iba.
"I am here." masiglang bati ni Stacey habang dala ang pagkain namin. Umupo siya sa harapan ko at inilapag ang tray ng pagkain.
Bago kami magkuwentuhan ay nagsimula muna kaming kumain.
"So, kailan ka pinanganak?" simulang tanong nito.
"Well, August 18, 2003. Ikaw?"
"Mas matanda ako sayo ng 1 month. September 25, 2003."
Napatango nalamang ako at muling kumagat sa burger.
"Nasaan ang mga magulang mo?" napatigil ako bigla sa pagkain.
"P-Patay na sila." medyo nauutal kong sagot.
"Oh, I am sorry. I shouldn't ask that." paghingi niya ng sorry.
"It's fine. Sanay na din naman ako na tinatanong ng ganyang tanong." nasabi ko nalang sabay ngiti.
"Grabe pala." nasambit nito at kasabay nun ay dumaan si Timothy mula sa hallway. Nakasalubong lang siya ng mata ko kaya nakita ko siya.
"Do you crush Timothy?" kunot noong tanong nito bigla.
Halos masamid ako sa kinakain ko.
"Anong klaseng tanong 'yan. Hindi no!" pagdedeny ko.
"Buti nalang." nasabi nito.
"Siguro crush mo 'yon no?" pang-aasar ko dito at nakangiti siyang umirap sa akin.
"Since 1st year. Grabe diba?" nakangiting sambit nito at napangiti ako.
"Girl! Show him your moves!" I urged at natawa lang siya.
"Ikaw ha! May tinatago ka palang kabibohan." nakangiting sambit nito.
"Haha! Ikaw palang nakakkita non." nasabi ko na lamang at bigla niyang inilahad ang kanyang kamay.
"Friends?" I took her hand and shook it.
"Friends."
Magsisimula na ang klase kaya naman nagmadali kaming kumuha ng mga libro.
"Girl, dalian mo." sambit sakin ni Stacey.
"Una kana muna, gulo ng locker ko eh." utos ko dito at umalis naman siya kaagad.
Tambak tambak mga libro ko dito. Tambak din kasi ako ng tabak kaya yan. Gulo gulo ang aking locker. Matapos ng ilang minuto ng paghahalungkat ay nakuha ko na ang aking libro.
"Thank lord." nasambit ko habang iniscan ang mga pages. Maglalakad na sana ako papuntang room nang may mahulong na maliit na papel mula sa aking libro. I don't remember placing a piece of paper inside my book.
Nang makuha ko ito ay biglang na lamang sumulpot si Stacey sa harapan ko.
"Girl! Ang tagal mo, nandiyan na si Ma'am!" sabi ni Stacey sabay kaladkad sa akin patungo sa room.
Nang papasok kami ay bigla kaming naharang ng teacher.
"Good afternoon! Have a seat..." nakakatakot na saad nito at papasok na sana kami nang sarado niya ang pintuan.
"Have a seat at the hallway." sigaw nito pagkatapos niyang isara ang pintuan.
Nagkatinginan na lamang kami ni Stacey dahil sa sinabi ng guro. Nakalimutan ko na strikto pala ang teacher namin pagkatapos ng lunch. Wala na kaming nagawa kung umupo sa gilid ng hallway.
"Strikto, kainis." nasabi lamang ni Stacey sabay irap.
"Hayaan mo na. Ganyan ata talaga siya." sabi ko.
"True, anyways dahil wala naman tayong magagawa ngayon, magkuwentuhan muna tayo."
"Hays, sige na nga. Ano naman ikukuwento natin?" tanong ko.
"Kahit ano duh." sambit nito.
And we just talked to each other until the class ended.
________________________________________________________________________________
Dismissal na ngayon and naglalakad na ako pauwi. Buti nalang may isa na akong kaibigan dito sa school na ito kundi baka maging Campus Lonely na ako. Joke!
Habang naglalakad ako ay biglang umihip ang malakas at malamig na hangin kaya naman isinuot ko ang aking kamay sa bulsa. Then I felt something. Wait, why is there a paper in ym pocket?
Inilabas ko iyon then naalala ko ang nangyari. Ito pala yung nahulog mula sa librong kinukuha ko kanina. Di ko pa kasi binubuksan yon. Kung kanina ay plantsadong plantsado ito, ngayon naman ay sobrang lukot na.
I opened it and it reads:
One day, my hands would break your neck and my knife will press into your stomach. Just wait. >:)
Halos mapanganga naman ako sa aking nabasa. I realized that it wasn't a prank. Maybe? I don't know. Ang lalos mas ikinagulat ko ay ang pumasok sa isipan ko...
"The killer is in the school."
NAKAKAATENSE MYGHOAD! Charings everybodeh! Na-tense na ba kaagad kayo? Wag muna kayo ma-tense dahil madami pang mangyayari na mas nakakatense. Hehe!
xoxo <3
BINABASA MO ANG
The Girl In Red
Mystery / ThrillerChelsea Mae Hernandez was her name. Destined to be alone for the rest of her life. But also destine to be strong and willpowered. What if something will ought to end her existence? What will she do?