CHAPTER 13: LOCKED
*kring*
Halos mapatalon naman ako sa biglang pagtunong ng bell hudyat na recess na. Wala talaga ako sa wisyo ngayong araw. Lagi kong iniisip kung anong pwedeng paraan para malaman ko na kung sino ang pumapatay.
Nung una, si Kathleen tapos si Mia sumunod naman si Kieth. Tatlo na ang biktima pero parang binabalewala lang ng mga tao.
I need to make a move.
Tatayo na sana ako nang may biglang humila ng buhok ko. Napatumba naman ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakahila ng buhok ko.
Tumingin naman ako sa likod at nakita ko si Bianca. Namumugto ang mata nito at tila nakasuot sa kanya ang isang galit na mukha. Mayroon ding mga babae na pumipigil sa kanya.
"You, bitch! Ikaw ang dahilan kung bakit namamatay ang mga kaibigan namin dito eh!" sigaw niya ng malakas dahilan upang makuha ang atensyon ng mga estudyanteng naglalakad sa hallway.
Tumayo ako kaagad at hinarap siya.
"Wala naman akong ginagawang masama!" rason ko sa kanya at sinugod nanaman niya ako ngunit napigilan naman siya ng mga babae.
"Lakas ng loob mong sumagot, demonyo ka! Akala mo matagal ka na dito sa school na ito!" galit na sigaw niya sakin. Di napigilang tumulo ng luha ko.
"Tandaan mo, babae ka! Huwag mo ng pangarapin na itatrato ka namin ng mabuti!" huling sigaw niya at umalis na sa room. Napansin ko na din na marami ng estudyanteng nanonood samin. Nahagip din ng mata ko si Stacey na walang emosyong nanonood sa amin kanina.
Napayuko na lamang ako at napaupo sa upuan ko. Why do they blame me? Hindi naman talaga ako ang pumapatay eh at hindi rin naman talaga ako ang sanhi ng sunod sunod na pagpatay dito sa school.
Classes went not-great. Nawalan ako ng gana makinig at ang tanging ginagawa ko lamang ay tignan ang mga mukha ng mga kaklase ko. Trying to familiarize their faces. Di ko nga kilala ang ibang kaklase ko dito eh. Sila Bianca, Timothy, Jared, Stacey at Antonette lang ang kilala ko. So far, wala na.
Sa kalagitnaan ng discussion ay biglang nagsalita ang speaker which means, an announcement.
"Bianca and Chelsea, please proceed to the Guidance's Office."
And it repeated again. Nagkitinginan naman kaming dalawa at irap lang ang natanggap ko sa kanya. Nagsimula naman na akong magmartsa paalis ng room. We both took separate ways. Panget naman siguro kung maglalakad kami ng sabay. Awkward naman diba?
I reached the Guidance Office with fear. Pagpasok ko ay nandoon na si Bianca with the guidance counselor.
"Maupo ka, Miss Chelsea." sabi sakin ni Maam. Naupo naman ako kaharap si Bianca.
"Anyway, I am Miss Jaundice. If I am not familiar." pakilala ni Maam Jaundice.
"So, may nagreport sakin na nagkaroon daw kayo ng verbal and physical argument?" tanong nito.
"Yes, maam." we both answered without looking on each other.
"Pero po, siya po ang nagsimula nun." duro sakin ni Bianca. Nanlaki naman ang mata ko. Tables turned?
"Bakit mo sakin ipapasa ang kasalanan mo?" di ko mapigilang magalit.
" It is true. Di naman ako magagalit kung hindi ikaw ang dahilan sa pagkamatay ng kaklas--"
"Stop it! Hindi talaga kayo mapigil! Imbis na magkaayos kayo ay iyan pa ang ginagawa niyo. Community service is your punishment for this. Start now and finish by 7 PM. Now!" galit na paratang ni Miss Jaundice. Wala naman kaming nagawa kundi sundin ang sinabi ni Maam. Nakakatakot naman pala si Maam Jaundice.
Kumuha naman kami ng mga panlinis sa janitor's cabinet sa kabilang floor dahil nga may police line sa janitor's cabinet na nasa tabi ng room namin.
Ang laki ng school namin para linisin namin ang buong school for 4 hours straight. Wala naman kaming magagawa kundi sundin or else, malagot nanaman kami kay Miss Jaundice.
Tahimik kaming naglilinis sa bawat sahig ng bawat floor. Di kami nagpapansinan at minsan kapag naglalakad ako palihis sa kanya ay binabangga niya ako. Hindi ko nalang ito pinapansin dahil baka ipatalsik na ako sa school na ito. OA diba?
Nakaramdam na ako ng pagod when we was on the 5th floor. Diyos ko, 2 floor pa ang lilinisin namin. Sobrang lawak kasi at haba ng hallway sa bawat floor kaya sobrang tagal namin. Actually, nagdismissal na kanina pa at 6PM na!
Habang naglilinis ako ay nakita ko na napaupo si Bianca. Pumunta naman ako kaagad at tinulungan siyang tumayo.
"Okay ka lang?" tanong ko habang tinatayo siya ngunit tinulak niya ako palayo.
"Don't touch me, please!" mataray na sabi nito at inirapan ako. Nagsimula na ulit itong maglampaso ng sahig.
Napasinghap na lamang ako at nagwalis na ulit. Halata na pagod na din siya dahil halos napatumba siya kanina. Habang naglilinis kami ay nakita namin si Maam Jaundice.
" Okay okay girls, tama na 'yan! Pawis na pawis na kayo oh. Sige magpalit muna kayo at sabay sabay na tayong lumabas ng school." nakangiting saad ni Maam. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil buti na lang ay pinatigil na kami ni Maam sa paglilinis.
Niligpit na namin ang mga panlinis at nagpalit na kami ng P. E uniform dahil yun lang ang extra uniform namin.
------------------------------------------------------
Natapos na magbihis ang dalawang babae. Sabay silang magbihis pero ni-isa sa kanila ay hindi kumikibo. Dahil nga iyon sa insidente kanina.
Lumabas na rin silang dalawa at sabay na rin bumaba upang salubungin si Miss Jaundice. Sinabi kasi nito na may kukunin lang daw ito at hintayin na siya sa lobby.
Nang makababa sila sa lobby ay umupo muna ang dalawa. Wala na rin katao-tao rito dahil alas-siyete na ng gabi. Nabalot sila ng katahimikan ngunit binasag naman ito ni Bianca.
"You know what, nababagay saiyo 'to." mataray na sabi ni Bianca at ibinuhos kay Chelsea ang isang malapot at maamoy sabon na likido sa jogging pants niya.
Nanlaki naman ang mata ni Chelsea sa ginawa ni Bianca.
"Anong ginagawa mo, Bianca?" napasigaw si Chelsea habang pinupunasan ng panyo ang likido na nasa jogging pants niya.
"Doing revenge." said Bianca and frantically laughed. Kahit gustong patulan ni Chelsea ang malditang babae sa harap niya ay hindi niya ginawa dahil baka magkagulo nanaman.
Napairap na lamang siya habang pinupunasan ang likido na iyon. Nabalot ulit sila ng katahimikan.
Ang limang minuto ay naging sampung minuto hanggang sa naging isang oras.
"Tagal naman ni Maam Jaundice. Mauuna na ako ha, tell her may lakad pa ako." malditang saad nito habang inaayos ang gamit niya at pumunta sa pintuan para lumabas.
Nang itulak niya ito ay hindi ito bumukas. Napatingin din si Chelsea sa kanya habang pilit na itinutulak ang pinto.
" Bakit naka-lock ito kaagad?" tanong ni Bianca sa sarili habang pilit na binubuksan ang pinto. Nakailang subok siya ngunit ayaw talaga kaya hinayaan na niya.
"Baka naman na kay Maam Jaundice ang susi." sabi naman ni Chelsea.
"Nasaan na ba 'yong matandang iyon? Na-stress na talaga ako!" napasigaw na ito sa inis. Napairap na lamang ulit si Chelsea sa inasta nito.
"Try mo kaya maghintay dib-?" napatigil sa pagsasalita si Chelsea nang mamatay ang ilaw sa hallway na nasa harap nila.
They both looked on each other with fear. Agad naman tumayo si Chelsea at binuksan ang flash ng cellphone niya.
Napasigaw naman bigla si Bianca nang matapat ni Chelsea ang flash nito sa hallway which reveals Miss Jaundice lying on her own blood.
"Oh shit!" nasabi ni Chelsea at napatakip ito sa bibig niya nang makita ang isang pigura ng babae sa dilim.
BINABASA MO ANG
The Girl In Red
Mystery / ThrillerChelsea Mae Hernandez was her name. Destined to be alone for the rest of her life. But also destine to be strong and willpowered. What if something will ought to end her existence? What will she do?