Chapter 8

88 4 0
                                    

CHAPTER 8: RESULTS

"This is ABS-CBN News, hustisya ang sigaw ng mga magulang sa kamatayan ng isang labing-limang taong gulang na babae na si Kathleen Gimenez. Narito ang ulat ni..." di ko na pinakinggan ang balita ngayon. Nakakapanghinayang at nakakalungkot kasi.

Just to say na 1 week na ang nakalipas nang mamatay si Kathleen so it means that today is Tuesday. Bukas na din ang libing ni Kathleen.

I just did my morning routine kahit medyo tinatamad na. 3 hours lang din ako natulog kagabi. I am having insomnia nanaman.

Nung nasa hospital ako ay halos hindi talaga ako makatulog dahil tumawag sa akin si Kristoff that the killer got away. No blood traces which means he or she is wearing a bulletproof vest.

Kaya ayan ngayon di nanaman ako makatulog dahil doon. I really want to catch him or her badly. I don't know why but I really do.

After I did my routine, I got off. Nakarating na rin ako sa school na puno nanaman ng mga nagchichismisan na estudyante tungkol sa akin. Kahit kahapon din naman ay halos mamatay na ako sa mga masasamang tingin nila. Sinisisi nila talaga ako sa pagkamatay ni Kathleen.

Papasok na sana ako sa room nang harangan nanaman ako ni Mia. Siya yung babaeng ubod ang kapal ng make-up akala mo aattend ng prom.

I tried to go in but she pushes me away until I blazed up.

"Security guard ka ba? Kailangan ko pa bang buksan ang bag ko para i-check mo?" sarkastiko kong tanong at ngumisi lang ito.

"Sorry, di kasi ALLOWED ang kriminal sa section na ito." saad nito and closed the door.

Ugh! Di talaga nila maintindihan at ako pa talaga ang sinisisi kahit wala naman talaga akong kinalaman sa pagpatay sa kanya.

Nagulat na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Stacey.

"Come in, girl. I already handled her." she said at ayun pumasok na ako. Pagkapasok ko ay halatang tahimik si Mia. Ano kayang ginawa nito ni Stacey?

Hinila naman ako kaagad ni Stacey sa tabi naming upuan nang mapansin niya na huminto ako.

"Bakit natahimik si Mia?" takang tanong ko sa kanya.

"Pinagsabihan ko lang ang gaga. Takot din naman pala." saad nito habang nakatingin kay Mia. Maybe she is a scaredy cat.

Nang patuloy kami sa pag-uusap ay bigla namang pumasok ang teacher namin. Syempre bumati kami.

"Good morning too class. So before we start our lesson, we had the results..." napatigil muna ito sandali.

"The results for the campus titles."

Oh my!

----¯-----------------------------------------------------------------

So ayun na nga. Nandito kami ngayon ni Stacey sa office. To be honest, nakakagulat lang dahil madami dami din ang bumoto sakin. Pero ang mas nakakagulat ay...

Tie kami.

Kaya ngayon nandito kami sa office. Didiscuss ng counselor kung ano ang gagawin sa sitwasyon namin ngayon.

Magsasalita na sana kami ni Stacey nang biglang pumasok ang counselor. Umupo naman kaagad ito sa kanyang desk.

"So as announced that you had the same amount of votes, right?"

"Yes, ma'am." sabay naming sagot.

"Okay then, hindi na tayo magkakaroon ng tie breaker. Ibabase namin ito sa behavior at values ninyo. Pati din ang academic performance niyo. At the end of the first quarter ay i-aannounce na namin ang karapat dapat maging C.S." mahabang saad nito. Tumango na lamang kami at umalis na kami.

Nang makaalis kaming dalawa mula sa office ay nabalot kami ng katahimikan. Matagal ko ng desisyon na lumaban sa titulong iyon. May advantage din kasi ito sa akin. Kung mananalo ako, syempre libre na ang tuition ko for my senior years. Nahihirapan din ako humanap ng pera pangtuition no.

"Lalaban ka ba para sa titulo?" pagbasag niya sa katahimikan habang naglalakad kami patungo sa klase.

This question makes me nervous. Stacey is my only closest friend here sa school. Ayoko masira ang pagkakaibigan namin.

"H-Hindi ko alam." medyo nauutal kong sagot.

Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.

"Girl, don't hesitate kung lalaban ka o hindi. Kung naiisip mo na masisira ang pagkakaibigan natin, hindi mangyayari yon." sabi nito sabay ngiti. Napangiti din ako dahil sa kanyang sinabi.

"Win or lose. No hard feelings."

------------------------------------------------------------------------

Natapos na din ang araw at nagrereview na din ako dahil nalalapit na ang monthly exam. Nakakastress din kasi sobrang aga. Dagdag din ang stress ng paghahanap namin ni Kristoff sa mystery killer na yan.

10 PM na ngayon at medyo tahimik na. May pagkaingay din kasi ang mga tao dito kapag hapon. Nagreview talaga ako ng ganitong oras para maka-concentrate ako.

Habang nagbabasa ako ng libro ay biglang nagring ang cellphone ko. Si Stacey lang pala.

"Hello?"

[Girl, I just want to say na magkakaroon ng sleepover sa bahay namin bukas!] masayang talak nito.

"Ahh, ganun ba? Sige asahan mokong makakapunta diyan ha."

[Sige a-ahan- - -]

"Hello? Stacey. Choppy ka! " saad ko at biglang nag-end ang call namin.

Weird. Malakas ang signal dito kaya hindi ko ineexpect na maging choppy ang tawag. Tatayo na sana ako nang biglang may magdoorbell. Halos mapatalon ako sa gulat. Sinong naman ang magdodoorbell sa ganitong oras?

Until the red ress girl came into my mind. Oh god! Baka tinatarget na niya ako. Buti nalang at nilolock ko palagi ang pintuan at mga bintana sa bahay.

Dahan dahan akong bumaba at nang pihitin ko ang doorknob at tuluyang buksan ang pinto ay wala akong nadatnang tao. Maliban sa isang maliit na kahon sa harapan ko.

Sino nanaman kayang nagbigay nito? Bakit ko pa ba itatanong sa sarili ko kung sino diba. Obvious naman eh.

Wala akong nagawa kundi kuhanin ito at dali daling itinapon sa trashcan. Nang mahulog ito ay bumungad lahat ng laman. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang dalawang tali ng isang libo.

"Sino naman kaya ang magbibigay sakin nito?" tanong ko sa aking sarili.

Kinuha ko ito at mayroon ding sulat na nakaipit rito.

Don't fight for the title.

-Dr. X

A/N: OML SORRY GUYS SA LONG TIME NO UPDATE HUHU! NAKABAWJ NA AKO HEHE

The Girl In RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon