Ika-apat

245 40 0
                                    

Vacation

Days passed and I'm still trying to have conversations with him even though he's always cold. Kahit hindi ko man siya na so-solo dahil palagi namang nakabuntot si Psalm sakin ay ayos lang. Mapagtyatyagaan ko pa naman. Pero gagawa parin ako ng paraan para maka-usap ko siya ng solo. I can't wait for that moment!

"Zevoun bumisita ulit dito si Villie kanina kaso nasa mansion ka ng mga Geverola kaya umalis nalang ito. Palagi nalang kayo don ah. Ayaw niyo na bang magdilig ng mga halaman?" Si Nana Mela nang makauwi ako isang hapon galing kanila Psalm.

Ilang beses narin bumibisita dito si Villie pero palagi akong wala sa bahay. Minsan nga nang nasabi ko ito kay Psalm ay pinipilit niya akong saamin na lang pero syempre hindi ako pumayag. Ayoko. Bukod sa ayaw kong bigyan ng maling akala si Villie may pinagkakaabalahan din ako sa mansion nila Psalm.

Kahit ano nalang ang naiisip kong gawin sa loob ng bahay nila para mapilit ko si Psalm na manatili doon. Kung hindi kami nag b-bake ng kung ano ay mga halaman naman nila ang pinagdidskitahan namin. Minsan rin ay inaaya ko siyang magmodelo pag gusto kong kumuha ng litrato, na siyang kinahihiligan kong gawin. Kahit papaano ay nalalagpasan ko naman ang reklamo niya dahil natutuwa naman siya sa mga pinaggagawa namin.

Gusto ko sanang patulan ang anyaya niya minsang lumabas para mamasyal at inisip na yayayain nalang namin si Lemiel na sumama pero naisip ko na baka umayaw ito. Mukhang hindi yon mahilig sa ganon.

Hindi narin gaanong nagkukulong si Lemiel sa mga araw na iyon. Palagi kasi ako gumagawa ng paraan para mapalabas siya at sumali sa pinaggagawa nami ni Psalm.

"Di natin kayang buhatin to Zevy, tatawin ko nalang isang bodyguard namin para tulungan tayo," akmang tatayo na si Psalm ng pinigilan ko ito. Mas pinili kasi namin na kami nalang ang magtanim dahil may alam na naman ako kahit papano at tinuturuan ko nalang si Psalm.

"Bakit di nalang si Lemiel ipatulong natin? Para may magawa naman siya kesa palaging nasa kwarto. Makakahintay naman siguro yang girlfriend niya," pinigilan kong mapairap sa huling sinabi ko.

Nagbabakasyon kayo kaya mamaya na 'yang girlfriend mo pagbalik mo ng Manila! Kainis.

"Great idea! Ipasali nalang natin siya rito."

Napa-angat ang tingin ko sa pangalawang palapag ng bahay kung saan nakaharap saamin ang kuwarto ni Lemiel. Nakikita ko lang ay ang Pulang mahabang kurtina na inihipan ng hangin.

"Ako na magtatawag," ang talino mo talaga Zevoun! Napangisi ako sa sariling iniisip. Again, my chance!

"Alright! I'll just ask manang to make us some food to eat instead,"

I just nodded and quickly removed my glove and ran towards their grand double doors. Makaka-usap ko ulit siya at baka makasilip pa ako sa kwarto niya! Patakbo kong tinahak ang engrandeng hagdan nila at nagtungo sa pinakadulong silid sa kanan.

While I'm on my way to his room I can't stop looking at the big frames with their pictures on the hallway wall. Napahinto ako sa isang frame ni Lemiel na medyo mas bata pa siya. He's wearing a black coat and a red tie. He's also wearing his serious and almost ice cold look. Pinakatitigan ko ito.

My heart skip a bit. I think it'll come out from my ribcage. Napakagwapo ng misteyosong mukha nito. I've see beatiful men in my life. Mga mestizo at mga may lahing banyaga. But this man infront of me is just so different. Ibang-iba ang nararamdaman ko pag nakikita ko siya.

"Ang gwapo!" Bulong ko sa sarili sabay haplos sa larawan. "Pero mas gwapo ka sa personal kaya pupuntahan na kita,"

Tinalikdan ko na ang larawan. Nababaliw na talaga ako! I'm even talking to a damn picture! Pinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Wake Me Up (Nightmare Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon