Ika-labingtatlo

179 31 0
                                    

Moved on

I feel so guilty. Totoong sinubukan kong gustuhin si Mikee pero habang tumatagal ay mas nararamdaman kong wala talaga. Hindi ko magawa. Gabi-gabi akong umiiyak dahil sa nararamdaman. Sana pala hindi ako nagpadalos-dalos. Parang niloloko ko lang si Mikee pati narin ang sarili ko. Wala siyang ginawa kundi maging mabait at iparamdam saakin na special ako. Pero ginawa ko lang siyang panakip-butas.

He never failed to call me everyday but I can't talk to him. I can't face him. Natatakot ako. Sobrang guilty ako. Gusto ko siyang kausapin at sabihin sa kanya ang totoo pero naduduwag ako. I can't afford to lose him. He's been good to me. Baka magalit siya saakin at layuan narin ako. Hindi ko lubos maisip na nararansan at nararamdaman ko ang mga ito sa gantong edad. Normal parin ba ito?

Hanggang nagbalik na ang pasukan ay iniiwasan ko parin si Mikee. Nakikita ko ito tuwing umaga sa labas ng gate ng school. College na siya kaya hindi na siya dito nag-aaral. Minsan rin ay sa uwian naabutan ko siya pero madalang lang iyon dahil siguro iba na ang schedule na ngayon. Hindi ko Alam kung paano ko siya natatakasan ng Hindi niya napapansin. Alam kong mali itong ginagawa ko pero hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat gawin.

"May problema ba kayo ni Mikee? Hindi ko na kasi kayo nakikitang magkasama. Tinanong ko rin siya pero sabi niya ayos lang naman daw kayo. Baka busy siya kasi college na?" Si Meridet ng sabay kaming mag-lunch. Napatigil ako sa pagkain. He said that? Alam niyang may problema kami, bakit sinabi niyang ayos lang? Mas lalo lang akong na-guilty.

I need to talk to him. I need to explain. Alam kong hndi tama ang ginawa ko na bigla nalang siyang iwasan. Natatakot ako pero mas lalo ko lang mapalalala ang sitwasyon sa ginagawa ko. July na ng mapagdesisyonan kong sa wakas kausapin siya. Inabot ako ng buwan kakaisip kung paano. Pero walang mangyayari kung hindi ako kikilos.

Ako:

I'm sorry. Let's talk.

Marami itong text at tawag saakin sa mga nakalipas na araw pero kahit isa wala akong sinagot. Ngayon lang nagkalakas-loob para itext ito.

Mikee:

Yes please. Let's talk. I'm sorry too.

I told him to meet me in our neighborhood. May lugar kasi doon na kailangan mong akyatin. Isang mini mountain na makikita mo ang kabuohan ng lugar namin. Marami ang bumibisita doon pero hindi kasing dami pag bakasyong. Siguro naman wala masyadong tao ngayong pasukan.

Maaga akong nagpunta kesa sa pinag-usapan naming oras. Kinakabahan ako, sobra. Pinag-isipan kong mabuti ang mga dapat kong sabihin sa kanya. Nagulat ako na hindi nagtagal mula sa pagdating ko ay dumating na din siya. He's 30 minutes early. Napatayo ako mula sa kina-uupuang bench. Mas lalo akong kinabahan. Sana masabi ko ng maayos ang mga gusto kong sabihin. Patakbo itong lumapit saakin.

"I'm sorry I'm late. Kanina ka pa ba?" Nakangiting sabi nito. Nagulat ako sa bungad nito. Parang wala lang sa kanya ang nangyayari saamin.

"H-hindi. M-maaga ka nga." Napayuko ako. He came closer and slowly hugged me. "I'm sorry. I missed you." Doon na ako napa-iyak. Parang winawasak ang puso. Kung sana siya na lang ang nagustuhan ko. Kung sana mas maaga ko lang siyang nakilala, baka pwede pa. Pero hindi.

"I'm sorry... I'm so sorry... Sorry," napahagulgol na ako habang binibigkas ang mga iyan. Narinig Kong huminga siya ng malalim at dahan-dahang hinihimas ang likod ko na parang pinapatahan.

"No it's okay. I know...it's not your fault. It's okay," mas lalo lang akong napahagulgol. Paano niya nasasabing hindi ko kasalanan. Dahil una't sapol lahat ng to kasalanan ko.

Matagal kaming nagyakapan hanggang sa dahan-dahan na akong huminahon. Kumalas ako dito para harapin siya. He needs to hear my explanation.

"I'm sorry," ulit ko. Umupo muna kami. Nakatingin lang ako sa harap kung saan kita ang mga bahay. Sa sobrang guilty ko hindi ko kayang tingnan siya.

Wake Me Up (Nightmare Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon