Ika-dalawampu't tatlo

164 25 0
                                    

Insult

"Handa ka na ba, Zevoun?" Si Noel na pumunta pa sa bahay namin para sabay na kaming pumunta sa Mercado.

Kinakabahan ako. Natatakot ako kung ano ang sasabihin ng mga tao. Baka hindi nila ako pagtiwalaan na kaya kong pangunahan ang Mercado.

"Ayos lang iyan. Hinihintay ka na ng mga tao." Nakangiting sabi ni Noel.

"Let's go," iyan lang ang naging tugon ko.

"Saakin ka sasakay." Si Lemiel pero hindi ko ito pinansin at agad na naglakad papuntang sasakyan namin.

Ipapamukha ko sa kanyang hindi ko siya kailangan at dapat na siyang bumalik ng Maynila.

Bago ako tuluyang pumasok ng sasakyan ay nilingon ko ito. He sighed before opening his car door.

Tingnan lang natin kung hindi parin kita mapapabalik sa Maynila.

Abot langit ang kaba ko ng huminto na ang sasakyan namin sa labas ng Mercado. May nakita akong mga local reporters na mas lalong nakapagpakaba saakin. Tiningnan ko si Noel na may pagtataka sa mukha. I didn't know na may ganito rin pala.

"Sorry Zevoun. Sinubukan kong pigilan ang media pero mapilit talaga. Usap-usapan na kasi ang pagbabalik mo kaya uhaw na uhaw sila sa impormasyon. Huwag kang mag-alala at sa labas lang naman sila. May mga guard na magbabantay."

Sa kabila ng eksplenasyon ni Noel ay hindi parin nabawasan ang kaba ko. Kahit sa labas lang sila ay sila parin ang unang madadaanan namin. Malalalim na ang paghinga ko dahil sa kaba. Ramdam ko rin ang pawis na namumuo sa noo ko.

Noon pa man ay sikat na ang Mercado namin sa buong probinsya pero kahit kailan ay hindi pa ako naharap sa ganito karaming media. Hindi kasi ako hinahayaan nila daddy na ma-expose sa ganitong bagay kaya madalang lang ako kung isama sa Mercado noon.

Nakita kong pumarada na rin ang sasakyan ni Lemiel sa likod lang nitong sasakyan namin. Hindi pa kami nakikita ng mga taga media pero sobrang kaba na ang nararamdaman ko.

"Hindi pa ba tayo lalabas? Naghihintay na ang mga tao sa loob."

Kailangan kong labanan ang kabang ito at sanayin ang sarili. Kung ako na ang papalit kay daddy ngayon ay dapat masanay na ako sa ganitong bagay. Lalo na't malaki ang plano ko para sa Mercado.

Huminga ako ng malalim at hinawakan na ang pinto ng sasakyan. I can handle this. Tuluyan na akong lumabas at agad nilingon ng mga reporters na kanina pa naghihintay. Natakot ako ng bigla silang dumagsa sa harap ko, mabuti nalang at agad silang naharangan ng mga bodyguard namin.

Nagkakagulo sila at maraming camera ang nakatutok saakin. Maraming tanong pero nakayuko lang ako habang naglalakad.

"Miss Getigan, ano po ang nararamdaman niyong kayo na ang mamamalakad ng inyong Mercado?"

"Ano po ang masasabi niyo tungkol sa trahedyang nangyari pitong taon ang nakalipas?"

"Tingin niyo ba kaya niyong patakbuhin ng maayos ang Mercado?"

Natigilan ako sa huling nagtanong. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko ng narinig ko iyon. Mismo ako sa sarili ko ay hindi ko din alam kung kakayanin ko ba ito. Pero iba parin talaga basta ibang tao na ang kumukwestyon sa kakayahan mo.

Pinilit kong ngumiti at humarap sa babaeng reporter na nagtanong nito.

"I guess we wouldn't know if we won't try, right?"

Pinilit kong pakalmahin ang tono ng boses ko kahit nanginginig na ang tuhod ko sa kaba.

"Hindi ba't hindi kayo nakapagtapos kahit highschool man lang? Tingin niyo kaya niyong patakbuhin ang Mercado gamit lang ang natutunan niyo sa highschool?" Dagdag na tanong nito.

Wake Me Up (Nightmare Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon