Ika-dalawampu't pito

158 24 0
                                    

Solved

Napatakbo ako papuntang bahay. My heart is pumping hard and fast. Hindi pwedeng masayang ang pagtataboy at pagtataray ko sa kanya. Kailangan niyang bumalik. Bumalik sa buhay niya. This is not his life. He deserves better. He deserves more than this.

Mas lalong bumigat ang dalahin ko matapos ang tagpong iyon. Napakaraming umiikot sa isipan ko. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin. These were too heavy for me to carry.

Sa tingin ko 30 minutes lang akong nakatulog. Ang sakit ng ulo ko kakaisip sa lahat. Hindi pa nagliliwanag ay bumangon na ako. Siguro mas mabuting mag-ehersisyo nalang ako. Sana man lang mabawasan ang bigat na nararamdaman ko.

Paikot-ikot ako sa hardin namin. I think I jog for almost 1 hour. Hinihingal akong napahinto. Dapat pala palagi akong nage-ehersisyo para masanay na ang katawan ko at hindi agad mapagod. I'll try doing this daily. Sayang din ang oras kong nakahiga lang sa kama at nag-iisip ng kung ano-ano.

Halos mapatalon ako ng may tumikhim sa likod ko. Agad akong napalingon. Lemiel in his usual look, light polo contrasted perfectly with dark pants.

"W-what are you doing here this early?" Bigla akong na-conscious sa itsura ko. Pawis na pawis ako at siguradong namumula. I easily turn red tuwing pinagpapawisan at naiinitan. Although the sun is not totally up, mainit ang pakiramdam ko dahil sa jogging.

"I just wanted to check on you," his eyes never leaving mine.

Agad akong nagtungo sa portico para kunin ang hinanda kong towel. I can't help being conscious by how I look. Uminom na rin ako ng tubig.

"B-bakit? Ayos naman ako." I said while wiping my sweats.

"About last night-"

"No, it's nothing. I'll go get ready." Dali-dali akong pumasok ng bahay at dumiretso ng kwarto. Ang lakas ng kabog ng puso ko.

I still don't remember him. I don't.

He offered me a ride and as usual I refused. May driver naman ako. Pagdating sa opisina ay nagulat ako nang maabutan si Andrea sa labas ng opisina. May kasama itong mga bodyguard.

"Ow nandito na pala ang boss niyo." Nakangiti ito ng nakakaloko.

I sighed. She's getting into my nerves but I know I shouldn't fight with her. I should understand her because of her state.

"Good morning." I formally said. "Do you need anything? Sa opisina nalang tayo mag-usap." Baka naman may kailangan siyang importante kaya maaga siyang nagtungo dito.

"No, thanks. Ayaw kong pumasok sa cheap mong opisina. I just came here to tell you that you'll go down. I'll make sure of that." Nagsimula na naman itong magalit.

Ano ba ang dapat kong gawin sakanya? Kung papatulan ko, alam kong mas lalo lang siyang magagalit. Pag hindi ko naman patulan ay nagagalit parin.

Zevoun you should understand her. May sakit siya kaya ganyan. Pilit kong isnuksok sa kukote ko at kinakalma nalang ang sarili.

"Sorry I have to get in. May trabaho pa ako." I smiled at her.

"Wag ka nang mag effort-" napahinto siya ng biglang dumating si Lemiel. "L-Lemiel..." Kusang umikot ang mga mata ko nang makita ang reaksyon nito. Gustong-gusto niya talaga si Lemiel ha?

"C-can we have a d-date?" My eyes widened when I heard Andrea asked that. Wow. I have no words.

Pumasok na ako sa loob ng opisina. Bahala na silang mag-usap diyan. Less than 5 minutes since I entered the office, sumunod agad si Lemiel.

Wake Me Up (Nightmare Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon