Ika-labing anim

188 31 0
                                    

No

Hindi ko alam kung ano ang ire-reply ko sa text niyang iyon o kailangan ko pa ba itong sagutin. Anong sasabihin ko sa kanya bukas? Na hiwalay na naman talaga kami ni Mikee matagal na? Tapos ano naman? Anong gagawin niya?

Napatakip ako ng unan sa mukha dahil sa niisip. No, that won't happen. Don't hope too much.

Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip. Kinabukasan ay nag-text saakin si Psalmantha na gusto niyang mamasyal. Pumayag naman agad ako para makabawi dito. Puro kwentuhan at tawanan lang kami. It's so nice that even though we're apart for long but when we see each other again it's like we've been together all the time. She's the best friend I ever had.

Umabot kami ng hapon sa pamamasyal kahit saan. Nang bandang alas 4 na ng hapon ay bigla kong naalala ang text ni Lemiel. Baka nandoon na siya at naghihintay. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin kay Psalmantha. Alangan naman sabihin kong magkikita kami ng kuya niya, baka ano pa isipan niya.

"Psalm... May pupuntahan ka pa ba?" Nasa isang fast food chain kami ngayon para kumain ng meryenda.

"Wala naman. Bakit? May lakad ka ba?" Sabay kagat nito sa kinakain.

"A-Ah oo kasi...may imi-meet lang."

"Sino? Sama mo nalang ako." My eyes widened.

"Hindi pwede!" Kahit ako nagulat sa pagtaas ng boses ko. Inilapag nito ang pagkain bago kunot noong tumingin saakin. "I mean...ano kasi...importante. Tungkol sa Mercado... Oo Mercado." 

Matagal pa itong tumitig bago dahan-dahang tumango.

"Okay, I understand. Uuwi na lang siguro ako. Basta ha, iyong promise mo na sleepover." Napahinga ako ng maluwag sa sagot nito. Akala ko mapapaamin na ako dito.

Dali-dali na akong pumara ng tricycle pauwi. Baka kanina pa siya naghihitay doon. I looked at my wrist watch and its already 4:30. Ayos lang din naman kung wala na siya doon dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin. But something in me screams that I should go. I don't want him to think na hindi ko siya sinipot. Hindi ko na rin nagawang itext pa ito dahil sa pagmamadali.

Patakbo ko ng tinungo ang tuktok ng maliit na bundok. Nasa huling baitang na ako ng hagdan ay napahinto dahil sa hingal. Huminga muna ako ng malalim bago inilibot ang paningin. Hindi ko siya nakita doon sa banda kung saan...siya umamin. Naglakad-lakad ako sa paligid para hanapin siya kahit hinihingal pa din.

Umuwi na kaya siya? Di bale uuwi nalang din ako. It-text ko nalang siguro. Akmang aalis na ako ng may humila sa kaliwang kamay ko. Napatili ako sa biglaang paghigit nito saakin. Pagtingin ko kung sino, nakita ko si Lemiel na sobrang lapit saakin. Nasa pagitan ng mga dibdib namin ang kamay kong hawak niya, nakadikit sa dibdib niya.

Mariin itong nakatitig saakin. I saw his expression became soft. My heart is pounding so hard and fast. Para akong kinakapos ng hangin at di makahinga.

"Ang bilis mo atang sumuko sa paghahanap?" Tumaas ang isang kilay nito.

Dahil doon ay parang natauhan ako. Binawi ko agad ang kamay ko at bahagyang napalayo sa kanya. Doon ko lang napansin na hindi pala ako humihinga kanina. Malakas parin ang kabog ng dibdib ko kaya umatras pa ako ng isang hakbang. Nakita ko napatingin siya dito.

"N-Natagalan ako k-kasi namasyal kami n-ni P-Psalm." I can't look at him on his eyes.

"I know." He simply said. I glanced at him and saw him looking intently at me. Mas lalo kong iniwas ang tingin ko.

"B-bakit nga pala tayo nandito?" Hindi parin ako makatingin sa kanya habang sinasabi ito.

"So you lied to me?" I don't know if he's angry or mocking me.

Wake Me Up (Nightmare Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon