Ika-dalawampu't siyam

157 26 1
                                    

Drunk

Balisa ako sa upuan. Lalo na noong sa mesa pa talaga namin siya pinaupo- sa harap ko. Hindi ako makatingin at hindi narin nagalaw ang pagkain.

I tried to steal a glance and I saw him talking to Benjamin. Nang akmang lilingon siya sa banda ko ay agad kong iniwas ang tingin.

Napabaling naman ako kay Mikee nang tumikhim ito. The look on his face was teasing me. I immediately bowed down. Baka mahalata niyang naaalala ko si Lemiel. Siya pa naman ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon.

"Bakit ngayon ka lang Lemiel?" Meridet asked.

I'm dying to know too. Kung saan siya galing. Bakit wala siya ng ilang araw. Kung hindi ba siya bumalik. I would thank Meridet for asking in my behalf, even if she didn't intend to.

"May inasikaso lang." He simply said.

Iyon lang? Anong inasikaso niya? Saan? Pwede maging specific?

Para na akong baliw kakatanong sa loob utak ko. Ang rami kong gusto malaman pero syempre hindi ko siya kayang tanungin.

I'm looking at Meridet, as if she understands that I want her to ask more without  it out.

Ask more Meridet! I wanted to tell her. But I'm not stupid enough to do so.

"Ah ganun ba," si Meridet.

Frustrated na frustrated na ako pero pinilit kong kumalma, sana lang hindi halata.

Naririnig kong nagkukwentuhan si Lemiel at Benjamin tungkol sa trabaho- doctor din pala si Benjamin. Tahimik lang akong nakikinig. Halos lahat naman na nasa mesang ito ay nag-uusap pero ang pumapasok lang sa isipan ko ay ang usapan ni Lemiel at Benjamin.

"Ano bro? May dini-date ka na ba?" I almost choke with my food after hearing Benjamin asked him. Bahagya akong nag-angat ng tingin dito. Anticipating for his answer.

I saw him glanced my way kaya mabilisan akong yumuko para lumapit sa nakakatandang anak ni Mikee. But my ears are still on them.

I heard him chuckled.

"That's a secret," he answered.

WTH?

Iyon lang sagot niya? Secret? Parang tanga naman oh.

"Mom I'm sleepy," Mikee's daughter said while yawning.

"Michael, papatulugin ko muna ang mga bata." Sandra said.

"Patulugin mo na rin si Benedict, Meridet." Si Benjamin naman.

Tumayo na ang dalawa dala ang mga anak. Naisip ko agad na maiiwan ako dito sa mga lalaki, that's really awkward.

Napalingon-lingon ako sa paligid, nandyan pa naman ang mga magulang nila at ibang family friends pero ayaw kong maiwan dito.

"Meridet," i called before she could enter the house. "Pwede bang sumama?" Tumayo na ako.

Napatingin naman si Meridet sa mga lalaking nasa mesa at napansin rin niya atang hindi ako komportableng maiwan kaya tumango na ito.

I immediately walked near them and held one of Mikee's daughter.

Umakyat kami sa itaas. Dito daw matutulog sila Mikee sa bahay nila Meridet. Sa isang nursery room kami pumasok. It's spacious enough para magkasya ang tatlong bata.

Umupo ako sa isang couch at pinanood silang pinapatulog ang mga anak. The sides of my lips rose. Ang sarap siguro sa pakiramdam ang ganyan. Walang ibang po-problemahin kundi ang pagpapatulog sa anak.

Wake Me Up (Nightmare Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon