Ika-walo

198 35 0
                                    

Call

Nagdaan ang isang buwan ay ganun parin, araw-araw akong nagt-text sakanya at bihira lamang itong mag-reply. Kung magreply man ay pinakamahaba na ang dalawang salita. But like what I've said, I won't give up easily. Hindi din naman ako namimilit na mag-reply siya. Kahit sobrang tipid pa ng sagot nito o kaya ay wala talaga ay ayos lang. Siguro naman ay nababasa niya ang mga text ko kahit paano.

I'm happy with my small achievements because I hope eventually these small achievements will come together and will be big some day. Masyado man akong ilusyonada pero ito ang gusto ko. At wala naman sigurong masama kung susubukan ko, hindi ba? Kung ayaw, hindi naman ako mamimilit. I promise! If he'll reject me or push me away, even if it hurts I'll do as he please.

Ganun parin sa school. I've been actively joining school activities maybe that's why my adviser told me to run for supreme student government pero bilang grade 8 representative lang dahil seniors lang ang pwede sa mataas na position.

I grabbed that opportunity. I want to enhance my socializing skills and I find that as a good way. I want to boost my confidence more.

"Goodluck Zevoun! We're all rooting for you!"

Today is the election day and honestly I'm nervous. I have good competitors. Although from our previous campaign ay lumalamang ako ay hindi ko parin maiwasang kabahan. I want to win. Marami din akong gustong gawin para sa school kaya ako tumakbo.

Nang nag-lunch ay usap-usapan na sa canteen kung sino-sino ang possibleng manalo. Marami ring bumati saakin kahit wala pa naman ang result. Patuloy pang nagta-tally ang comelec members at baka mamayang hapon pa malalaman.

"Congratulations Zevoun, I know you'll win it." Si Villie na nasa mesa na pala namin nila Meridet. Marami na ang nakatingin saamin ngayon. At kita sa mga mukha nito na iba na ang iniisp.

"Thank you Villie. Sana nga," nginitian ko ito. Naririnig ko na ang tukso ng mga tao sa paligid. Pati si Meridet ay sinisiko na ako sabay tukso.

"Uy ano yan, ha? May hindi ba kami nalalaman?" Mas lalo lang lumakas ang hiyaw ng iba. Napa-iling ako.

"What are talking about? We're just friends." Agad kong sagot. Napabaling ako kay Villie na medyo nagbago ang expression. He looked away.

"Balik na ako sa table namin. Congrats ulit." Agad-agad ding umalis ito at nagtungo sa mesa na puno ng mga kasama niya sa Varsity.

Pagdating ng hapon ay tinipon lahat ng studyante simula saaming juniors hanggang seniors sa malawak na field ng school namin para i-anunsyo ang mga nanalo sa iba't-ibang position ng SSG. Kaming lahat ng tumakbo ay nasa stage na. Unang tinawag ay ang representative ng grade 7 at kami na sunod.

Kinakabahan ako. Pero nawala lang ang kaba ko ng tinawag ang pangalan ko bilang nanalo.

"Ms. Zevoun Vinnise Getigan, our grade 8 representative."

"Congrats!"

Puro bati ang natanggap ko matapos ang anunsyo. Pagkatapos ay uwian na kaya dumiretso na ako sa gate kung saan naghihintay na si Manong saakin.

I have to call Psalm later. Gusto kong ibalita ang panalo. She's been very supportive when I told her about this. Ang sabi pa nito ay siguradong mananalo ako. I told Lemiel about this too. And he just replied "goodluck" that time. Well, that goodluck motivates me more. I'll text him too.

"Psalmantha! I won!" Pambungad ko ng sagutin ni Psalm ang tawag.

"Yes, kanina ko pa alam! Congrats! I know you'll make it!"

She already knew? How? Ngayon lang naman ako tumawag ah?

"Kanina mo pa alam? How?"

"A-ah basta alam ko!" You're not good at lying.

Wake Me Up (Nightmare Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon