Ika-labing lima

190 31 0
                                    

It's not ego

Pagdating ko ng cafe ay nandoon nga si Mikee na naghihintay saakin. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Tahimik lang itong nakikinig at minsan ay napapangiti pa.

"Tama nga ako, hintayin lang natin kung kailan siya aamin," my brows furrowed.

"A-aamin? Ano naman ang aaminin niya?" May nahinuha na ako pero ayokong maniwala. Impossible. Napaka-impossible.

"Na nagseselos siya? Or maybe he likes you?" Nakangiting aso na ito. Bumilis lalo ang kabog ng dibdib ko sa narinig. Impossible. Ayaw kong umasa.

"B-bakit niya naman g-gagawin 'yon? Hindi niya ako gusto." Pilit ko sa sarili. Ayaw kong manguna na naman ang puso ko at sa huli aasa lang parin pala ako. Nagkibit-balikat ito.

"Let's see. Basta wag lang siyang masyadong mabagal at baka agawin ulit kita sa kanya." Sabay kindat pa nito bago tumayo. "I'll have to go, may game ulit kami. See you again tomorrow." Magkikita ulit kami? Bakit Naman kaya.

Sa gabing iyon hindi na naman ako nakatulog ng maayos. Napapansin kong simula noong dumating siya ay wala na akong maayos na tulog. Bakit ba kasi parang nag-iba ito. He's very strange. Ang mga kilos nito ay nagpapabagabag saakin. Sumasakit ang ulo ko pati narin ang puso ko.

Wag ka masyadong magpadala Zevoun. Matuto ka na. Hindi maganda ang umasa agad. Nakatulugan ko nalang ang pag-iisip.

The next day I did the usual: eating, water the plants, watching TV and surfing the web. Sa hapon pa naman ako may gagawin talaga. Sa buong umaga ko ay hindi ako mapakali. Madalas ang tingin ko sa cellphone. I hate to say this, but I'm waiting a text.

Akala ko ba hindi na aasa Zevoun? Bakit niya pa kasi sinabi iyon. Pinagugulo niya lang ang isipan ko.

Nagbihis na ako para sa pagkikita ulit namin ni Mikee. Mas maaga ako ngayon dahil may gusto akong kainin. Aayain ko sana si Mikee sa barbeque house.

Pababa ng hagdan ay naabutan ko si mommy na kakapasok lang sa malaking pintuan ng bahay. Napaangat ito ng tingin saakin. Tiningnan rin nito ang suot ko kaya ako din napatingin dito. I'm wearing a green v-neck sando paired with a black and white striped mini skirt and a flat sandals.

"Going somewhere?" Si mommy at lumapit sa akin. I kissed her on her cheek.

"Ah yes po. May imi-meet lang."

"Si Mikee ba?" Alam kong may ibang pahiwatig ang tanong nito.

"Yes po," I simply said. Tumango-tango ito.

"Are you two in a relationship again?" Napatingin na ako dito. Ilang beses niya na itong natanong.

"Mom, I told you already. We're just friends."

"Okay, I'm sorry. I'm just curious, you know." Napangiti ako bago niyapos ito ng yakap.

"Don't worry mom. I'm telling the truth." Gusto kong sabihin lahat-lahat sa kanila ang tungkol saakin pero hindi ko talaga magawang sabihin ang tungkol kay Lemiel. They've known him since we were younger so I'm a bit nervous telling them.

Alam ko ang nararamdaman nila mommy. They're just worried about me and my decisions in life so they want to know it so at least they can guide me. Wala akong problema doon. I know they just want the best for me.

Nagpaalam na ako dito at lumabas na ng bahay pero napahinto ng nag-vibrate ang cellphone ko dahil sa isang text. Nagsimula na akong kabahan. With my hands slightly shaking, I opened his message.

Lemiel:

I'm here, waiting.

His words are vague but I know what he mean. I looked at the mini mountain not far from here. He's there. Pupunta ba ako? Para saan? May sasabihin na naman ba siya? Para ano? Mas guluhin ang isipin ko? I'm nervous but excited at the same time.

Wake Me Up (Nightmare Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon