I'M A MAn
By: Assasinof LoveDumaan muna sa clinic ang magkaibigan bago pumasok sa unang subject nila dahil talagang nasaktan si Maitha sa pagkabagsak niya.
"Ok ka lang ba talaga? Pwede ka naman mag absent muna," nag aalalang wika ni Jade sa kaibigan.
"Ok lang ako, mamaya wala na rin ang sakit ng balakang ko," nakangiting aniya.
Walang nagawa si Jade kundi alalayan nalang ang kaibigan papasok sa unang subject nila. Alam niyang ayaw din nitong may ma miss na lesson.
"Good morning class! I'm Mr. Quinzon, I will be your Professor in this subject. Well I know halos magkakakilala na kayo lahat pero I heard may isang transferee dito, who is he?" tanong ni Prof Quinzon at iginala ang mata sa buong klase.
"I'm the one prof, I'm John Michael Dualos or you can call me JM taking Business Ad a transferee of this university,"nakangiting pakilala naman ni JM na nagpakilig sa mga babaeng kaklase niya maliban sa dalawang magkaibigan."O-oh my! Business Ad ang kurso ng abnormal na 'yan, ibig sabihin maraming subject na maging kaklase natin 'yan?" hindi makapaniwalang ani ni Jade.
"Huwag nalang natin pansinin ang isang iyan tayo nalang ang iiwas.”
"Oh by the way, Ms. Mendez I heard may nangyari sa'yo kanina, you can skip the class for today, alam na rin ng ibang professors, so you can go home and rest," baling ng professor nila sa dalaga.
"Ah thanks Prof, but I'm fine, it's ok! " sagot niya. Kahit masakit pa rin ang balakang niya ay ayaw niya talagang mag-absent kaya binalewala niya ang anumang sakit na nararamdaman.
Lumingon naman si JM sa kina-usap ng kanilang professor at ganoon nalang ang ngiti niya ng makilala ang dalawang dalaga.
"Oh wow! Same course pala tayong tatlo so ibig sabihin lagi talaga tayong magkikita," nakangiting sabi ni JM sa magkaibigan pagkalabas nila sa unang subject."So?" mataray na sansala ni Jade.
"Well, pwede tayong maging friends para mas masaya. Ah bakit n'yo natanong kanina sa akin 'yon" muling nangunot ang noo ni JM, for the first time sa buong buhay niya ngayon lang may nakapagtanong kung normal ba siya.
"Bakit Mr. Dualos, normal ka nga ba?" ulit ni Jade sa tanong niya.
"Jade tama na 'yan, halika na hayaan mo na 'yan, " awat ni Maitha sa kaibigan. Ayaw niya kasi ng gulo, ayaw niya ang nasasangkot ng kahit na munting gulo.
"W-what the heck! Sa hitsura kong ito, hindi ako normal? Para sa kaalaman mo ako ang nag-iisang anak ng may-ari ng Dualos group of Companies, " inis na wika nito. Hindi na mapigilan ng binata ang mainis kahit mga babae pa ang kaharap.
"Bakit? Bawal ba magkaanak ng abnormal ang isang business tycoon?" ayaw talaga paawat ni Jade kahit anong pilit na hatak ni Maitha sa kaibigan ayaw talaga.
"Ano? Ako abnormal?" di makapaniwalang turo ni JM sa sarili niya. " Sino ba kayo para pag bintangan akong abnormal? Gusto ko lang naman sana makipagkaibigan sa inyo dahil magaganda kayo pero pakipot din pala kayo tulad ng iba at kapag hindi ko papansinin saka naman hahabol-habol."
Hindi naman makapaniwala ang dalawang magkaibigan sa narinig nila mula sa bibig nito. Lalong nanggalaiti si Jade, siya kasi ang tipo ng tao na ayaw na ayaw ng mayabang at hindi matatahimik hanggat hindi masupalpal unlike Mai na kahit asar na ay pilit pa rin pinapakalma ang sarili at iiwas nalang para matigil at maiwasan ang gulo.
"Tsssss...alam mo kung hindi mo na kami papansinin, baka magpakainin pa kami sa buong university dahil sa sobrang galak, well anyway, I'm Jade Oswa the only daughter of the President of Oswa Group of Companies, now are you satisfied?" nakapamaywang namang wika ni Jade.
BINABASA MO ANG
I'M A MAN
RomanceI'M A MAN By: Assasinof Love Maitha Mendez. The university’s pride. Kilala sa kanyang katalinuhan at pagiging humble. Sikat man siya at tinitingala ay nanatiling tahimik at simple. Nais lang niya ang makapagtapos ng pag-aaral ng maayos. John Michae...