Chapter 3:

2.4K 70 0
                                    

I'M A Man
By: Assasinof Love

Parang nagkasungay bigla si Maitha, sa sobrang inis sa binatang pasaway na si JM. Kung pwede niya lang sakalin ito ay ginawa na niya.

"Kung ang panlabas na anyo ang titingnan, you're already a man, pero kung ugali at isip ang pag-uusapan you are still a boy na mahirap makaintindi! Bakit kaya 'di mo subukang bumalik sa pre-school?" inis na sigaw ni Maitha na nagpalingon sa lahat ng nakapaligid. Hindi na mapigilan ni Maitha ang sobrang inis sa makulit na kagaya ni JM at dahil sa sobrang sakit ng balakang niya at sa inis ay napaluha na siya habang naglalakad palayo akay ni Jade.

Nilagnat si Maitha sanhi ng masamang pagkabagsak niya kaya napilitan ang pamilya niya na dalhin sa hospital upang masuri.

"I'm sorry pero kailangan maoperahan ang anak n'yo dahil may buto na umusli sa may balakang niya pero huwag po kayong mag-alala hindi naman ganoon kalala," paliwanag ng doctor sa pamilya ni Maitha.

-----

"Jade! Anong nangyari kahapon, totoo ba ang nabalitaan ko," tanong ng humahangos na si Dave ng makalapit kay Jade. Si Dave ay kaibigan din nina Jade at Maitha since High School at manliligaw ni Jade.

"Oo, totoo at alam mo may kasalanan ka rin eh," inis na hinarap ito ni Jade.

"Huh?paano naman ako nasali?" gulat namang tanong ni Dave.

"Hoy! ikaw dahil sa pagkalakwatsero mo at hindi ka pa talaga nakuntento sa bakasyon at nag absent ka pa, kung pumasok ka sana kahapon eh baka hindi kami malapitan ng abnormal na lalaki na iyon!" pagtatalak ni Jade.

"Jade naman, nag text naman ako sa'yo ah, totoo iyon hindi naman ako naglakwatsa,"kunwari namang pagtatampo nito. "Ah sino ba ang sinasabi mong abnormal na nakabangga ni Mai?"

" Sa pagkakatanda ko JM Dualos yata iyon."

"J-JM D-dualos? As in John Michael Dualos?" gulat na hindi makapaniwala si Dave.

"Bakit kilala mo ba ang abnormal na iyon?"

"A-ah Jade e-eh ano a-ah pinsan ko siya," nagkanda bulol-bulol na amin ni Dave.

"What? What did you just say? Pinsan? Huwag mo akong bibiruin Dave at may paglalagyan ka talaga," nanlaki ang matang wika ni Jade.

"Sorry, pero talagang magpinsan kami, magkapatid ang mothers namin," kinakabahan man si Dave pero wala siyang magawa kundi aminin ang totoo.

"Huh...paano mo naging pinsan ang abnormal na iyon? " hindi pa rin makapaniwala si Jade."Hanggat hindi naging ok si Mai , huwag kang lalapit lapit sa akin ha , kayong magpinsan 'wag na ‘wag kayong magpapakita sa akin," inis na inis na wika ni Jade sabay alis.

"Jade! Jade, naman wala naman akong kasalanan doon ah," habol ni Dave.

"Basta 'wag kang lumapit, alis!"

Walang nagawa si Dave kundi hayaan na muna si Jade.

-----
"JM!" sigaw na tawag ni Dave ng makita ang pinsan.

"Oh insan kumusta, hindi kita napansin kahapon ah?" nakangiting ani ni JM.

"Bakit dito ka lumipat?" seryosong tanong nito.

"Dave? Bakit bawal ba ako dito?" takang tanong niya.

"Bakit ba hindi ka pa rin magtino JM? At bakit sina Mai at Jade pa ang ginulo mo ha!" hindi na napigilan pa ni Dave ang galit sa pinsan kaya napalakas na ang boses niya.

"Ano bang pinagsasabi mo," balewalang ani nito.

"Nasa hospital ngayon si Mai dahil sa masamang pagkabagsak niya kahapon at close friend ko siya, at saka naalala mo ba ang babaeng kinukwento ko sa'yo dati? Si Jade iyon!"

Hindi naman makakibo si JM sa nalaman.

"Siguro isang puntos nalang sana at mapa oo ko na si Jade, pero dahil sa pag-amin ko na pinsan kita, back to zero ako, ahh hindi lang pala back to zero kundi bawal pa akong makalapit sa kanya. JM kapag may nangyari na hindi maganda kay Mai, I swear kakalimutan kong pinsan kita," galit na wika ni Dave sabay talikod.

'Paging Mr. John Michael Dualos please proceed to Dean's office!'

Hindi pa man nakakabawi sa pagkabigla sa mga sinabi ng pinsan niya ay heto na naman at pinatawag siya.

"Good Morning Sir!" bati ni JM ng makapasok sa opisina ng Dean.

"Mr.Dualos?"

"Yes sir."

"Maupo ka."
"Kaya kita pinatawag dahil sa insidente kahapon, you know naman siguro what I mean?"

" Yes sir," nakayukong aniya.

"Ms.Mendez is in the hospital right now for operation."
Napaangat naman ng ulo si JM sa narinig, hindi niya inaasahan ang salitaling ‘operasyon’.

"Hindi naman daw delikado ang lagay niya ayon sa doctor pero since ooperahan siya ibig sabihin masama talaga ang nangyari sa kanya," dagdag pa nito na hindi naman malaman ni JM ang gagawin dahil sa nalaman.

"Ms.Mendez is one of the Universities pride, I'm sorry to say this Mr. Dualos but we don't want to lose Ms.Mendez in our University, so we ask your parents to come tomorrow for our final decision regarding this matter."

"I'm sorry Dean, for all of this but just let me talk to my parents for my transfer," pakiusap ni JM.
Halos hindi naman makapaniwala ang Dean sa narinig dahil ang iniexpect niya ay sasagutin siya ng pabalang nito at ipaglalaban ang sarili gaya ng nalaman niyang balita mula sa pinanggalingang University nito.

-----

"JM ano na naman itong pinaggagawa mo, first day of school ganito agad ang ginawa mo ha?" galit na salubong ng ama ni JM pagkapasok niya ng bahay.

"I'm sorry Dad, you can send me where you want and you can punish me if you want," malumanay na wika nito.
Gaya ng Dean sa school gulat din ang mga magulang sa pagpapakumbaba ni JM. They never expect na ganito ang maririnig sa pasaway na anak.

"JM anak?"

"Mom, I'm sorry pero kung papayagan n'yo ako, gusto kung sa Amerika tapusin ang pag-aaral ko, pangako susundin ko lahat ng ipapagawa ninyo.”

Hindi na magawang sermunan pa ng ama si JM dahil sa nakikita nilang nag-iba nga ang anak nila. Mahirap man paniwalaan na nagpakumbaba nga ito ay hindi rin naman nila matiis ang nag-iisang anak.

"Ok! Just rest for now, we will go to the hospital, kakausapin namin ang pamilya ng kaklase mo at makahingi ng paumanhin," ani ng mommy niya. Hindi na rin kumibo si JM sa dami ng iniisip.

-----
"Magandang hapon, ikaw ba si Mrs. Mendez?" tanong ng mommy ni JM sa mama ni Maitha ng makarating sa kwarto na inuokupa ni Maitha sa Hospital.

"Ah oo, I’m Myra Mendez," nakangiting pakilalang sagot nito.

"Kumusta? Ako si Nancy Dualos at ito naman ang kabiyak ko Alfonzo Dualos," pakilala naman ng mag-asawa.

“ Maupo muna kayo, may binili lang ang asawa ko parating na din iyon."

"Salamat."

"Misis, ako ang ina ng nakabangga ng anak ninyo, humihingi kami ng tawad sa nagawa ng anak namin sa anak n’yo, ano man ang nangyari alam namin na kasalanan ng anak namin iyon, sana lang mapatawad ninyo kami," wikang paki-usap ni Mr. Daulos.

"Hindi pa namin alam ang buong pangyayari, ang nasabi lang ng anak namin aksidenteng nagkabanggaan sila ng anak ninyo, kaya wala akong maisagot sa panghingi ninyo ng tawad," nakangiting wika ni Mrs.Mendez.

"Oh nandito na pala ang mister ko," wika ni Mrs.Mendez ng makita ang papasok na asawa.

"Rene?" 'di makapaniwalang tanong ni Mr.Dualos ng mamukhaan ang pumasok sa silid na iyon.

"Alfon? " gulat ding wika ni Mr. Mendez.

"Rene! ikaw nga, kumusta?" wika ni Mr. Dualos sabay yakap kay Mr. Mendez.

"Magkakilala kayo? Magkapanabay na tanong ng dalawang babae.

I'M A MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon