I’m a Man
By: Assasinof Love
“ Maitha, anak sa susunod na linggo ay pasukan na pala, huling taon mo na pala ito,” nakangiting wika ni Mrs. Mendez.
“Oo nga kumusta anak, ready ka na ba sa pasukan, mga gamit mo kompleto na ba?” tanong naman ni Mr. Mendez.
“Tinatanong pa ba ‘yan Papa , bago magtapos ang klase naka ready na nga ‘yan sa susunod na pasukan eh,” nakatawang komento ng nakakatandang kapatid ni Maitha.
Dalawa lang silang magkapatid siya na nasa huling taon sa kolehiyo at ang kuya Meynard niya na 2 yrs ahead sa kanya . Simple lang ang pamilya niya hindi sila mayaman pero hindi din hirap, accountant ang papa nila sa bangko at secretary naman ang mama nila. Ang kuya naman niya ay kapapasa palang sa board katulad ng kanilang papa, accountant din ito.
“Kuya talaga oh?” kunwaring pagtatampo niya sa kapatid.
“Bakit, totoo naman ah, wala ka na kasing ibang ginawa kundi mag-aral, mag aayos ng gamit, mga libro at kung anu-ano pa diyan, ” nakangiting wika pa nito. Close silang magkapatid kahit pa magka-iba ang hilig nila.
“Ano naman ang gusto mong gawin ko, ang maglakwatsa tulad sa’yo?”
“Hindi naman masama ang gumala minsan, para naman mag enjoy ka, hindi puro nalang numero at letra ang nasa isip mo, bakit ako nakakapasa at Dean’s lister naman kahit gumagala minsan, hindi ka ba naboboring ?”
“Hmmmpp, tama na ‘yan baka kung saan na naman makakarating ang usapan na iyan,” sansala ng mama nila.
“Pero alam mo anak, may point naman ang kuya mo, dapat mag enjoy ka naman minsan lalo na ngayong huling taon mo na kailangan mag bonding kayo lagi ng mga kaibigan mo dahil pagkatapos nito ay ibang level na naman ng buhay ang tatahakin mo,” mahabang paliwanag naman ng papa nila.
“Ayaw ko kasing masira ang concentration ko sa pag-aaral Papa , gusto ko pagkatapos ng pag-aaral ko saka ko gagawin lahat ng gusto kong gawin,hmmmppp… pero baka pigilan n’yo ako kapag ako'y nag gagala na ha?” nakangiting wika niya.
“Ang bait talaga ng anak ko, mana sa akin pero anak kung sakaling mag-aya mga kaibigan mo sumama ka naman minsan , ‘di naman siguro maapektuhan pag-aaral mo kung mag enjoy ka minsan,” nakangiti ring ani ng mama nila.
“Ok po susubukan ko, ” nakangting pag-ayon nalang ni Maitha para hindi na humaba pa ang kanilang usapan. Ganyan silang magkapamilya, lahat ng nais nila o gagawin ay pinag-uusapan, maswerte sila dahil sa pagkakaroroon ng mga magulang na mabait na maintindihin.
-------
“JM, pang apat na university na ito, hindi ko alam kung matatapos mo ba ang kurso mo sa kalilipat mo, sana naman magtino ka na, ” sermon ng ama niya.
“JM, sana this time makinig ka naman sa amin, hindi ka na bumabata kaya ayusin mo na ang buhay mo,” dagdag ng mommy niya.
“Mom, Dad kayo naman ang nagpapalipat sa akin ah, kung ako ang masusunod hindi ako lilipat,” pilosopong sagot nito.
Napailing ang mag-asawa, talagang nahihirapan na sila kung paanong patinuin ang nag-iisang anak na ubod ng pagkapasaway.
“Alam mo naman siguro kung bakit ka namin inililipat? Kung magtino ka sana hindi ka namin ililipat,” ani ng ama niya na talagang hindi gusto ang ugali ng anak.
“Dad, ano ba ang mali sa akin,? Hindi naman ako bagsak sa klase at nag-eenjoy lang naman ako minsan.”
“Nag-eenjoy ba ang pang iistorbo mo sa ibang estudyante lalo na sa mga babaeng mapag tripan mo at pagsagot-sagot sa mga professors mo ha! ‘yan ba ang enjoy?” inis na tanong ni Mr. Dualos na medyo tumaas na ang boses.
“Bakit sasagot ba naman ako kung walang mali sa sinasabi nila, at sa mga babaeng iyon mga pakipot kasi pero kundi ko papansinin saka magpapansin,” inis rin na sagot nito.
“Ewan ko sa’yo, JM, hindi ko alam kung saan ka nagmana ng ugaling ‘yan , kahit baluktot na katwiran ipipilit.”
“Honey, tama na iyan alis na tayo at may meeting ka pang dadaluhan, at ikaw JM, maghanda ka na para sa pasukan next week,” utos ng kanyang mama.
Nag iisang anak lang si JM ng mag-asawang Mr. and Mrs. Dualos na may-ari ng isang malaking kompanya sa lungsod ng Maynila. Spoiled kung tawagin at pasaway sa lahat ng pasaway. Mabait ang mga magulang niya pero sa hindi malaman na dahilan ay malayong malayo ang ugali nito sa mga magulang .
First day of school…
Ngayon ang unang araw ng pasukan sa klase , maagang nagising si Maitha, ayaw na ayaw niya ang nale-late siya sa klase.
“Hi Maitha! How’s your vacation?” tanong bati ng kaibigan niyang si Jade ng makita siya nito sa school.
“Hello! I've miss you, ikaw saan ka na naman napadpad ha?” nakangiting tanong naman niya sa kaibigan sabay beso-beso. Si Jade ang pinaka close niya sa school kahit magkaiba ang ugali nila nagkakasundo naman sila. Kung tahimik si Maitha super daldal naman ni Jade at super gala, a happy go lucky girl ‘ika nga pero ganoon pa man ay ‘di rin matatawaran ang angking talino ni Jade, ‘yon nga lang pangalawa lang siya kay Maitha pero wala namang rivalry sa pagitan nila.
“Of course, ito ba namang mukhang ‘to ang mapirmi sa bahay? Sinulit ko na ang bakasyon noh para maka pag concentrate sa last year ko sa kolehiyo, “ nakatawang sagot ni Jade.
“Hi Ms. Mendez, hi Ms. Oswa naku ang mga henyo ng university nagsama na naman,” nakangiting bati ng isang professor na napadaan sa kanila. Isa ito sa mga professor nila last year.
“Naku si Prof naman baka mamaya may makarinig nakakahiya,” nakangiting ani ni Jade.
“Ikaw Ms. Oswa, hindi pa rin talaga bagay sa’yo ang maging humble,” biro ng prof nila.
Napatawa si Jade ng kanilang professor.“Sana Prof professor pa rin kita noh, sayang wala na kaming subject sa’yo pero pwede tutor Prof,” biro din ni Jade habang nakangiti lang na nakikinig sa kanila si Maitha.
“Kailangan n’yo pa ba ng tutor, baka ang tutor pa ang turuan ninyo, o sya ako ay mauna na sa inyo at may meeting pa kami, goodluck girls!” wikang paalam ni Professor Anisto.
----
“Wow! Mukhang mas maganda ang university na ‘to compared sa mga naunang universities na pinasukan ko ah,” nakangiting wika ni JM sa sarili habang gumagala ang mga mata at patuloy na naglalakad.
“Alam mo Mai, feeling ko mas masaya ang taon na ito sa atin,” nakangiting baling ni Jade kay Maitha.
“Hmmmpppp…bakit mo naman nasabi iyan?” curious na tanong niya.
“I just feel it parang may something na kakaiba or siguro may mga mangyayari na masaya or kakaiba, I don’t know, I can’t explain exactly,” medyo magulong sabi ni Jade.
“Hayy naku Jade, kulang ka lang yata sa gala , kung anu-ano na pinagsasabi mo, tara na nga sa first subject natin,” sansala ni Maitha sa kaibagan sabay liko pero…
BLAGGGG...
“Arayyyy….”
Biglang natumba si Maitha dahil sa hindi inaasahan pagkabangga niya sa taong biglang sumulpot sa dinadaanan nila.
“Oh my G, ok ka lang Mai,” agad na saklolo ni Jade.
“Araayyy…ang sakit ng balakang ko.”
“Hi I’m JM Dualos, do you need my help?” tanong ng nakabanggan niya.
“Kailangan pa bang itanong ‘yan?” inis na wika ni Maitha pagkarinig sa tanong ni JM. Nakakunot naman ang noo ni Jade sa reaction ni JM.
“A-are you n-normal?” nauutal na naitanong ni Jade dahil wala siyang maisip sa reaksyon nito na siya lalong nagpakunot ng noo ni JM.
"Huh? W-what? Sa hitsura ko, tingin mo hindi ako normal? "hindi makapaniwalang tanong ni JM sa kaharap.
"Jade tama na 'yan, tulungan mo muna ako, masakit talaga eh," daing ni Maitha sa kaibigan.
"Ok tara, pasensya na," inalalayan ni Jade si Maitha habang masamang nakatingin kay JM.
"Hindi pa tayo tapos, " pahabol na wika ni JM sa dalawang dalaga.
"Well, see you next time," panunuya ni Jade.
BINABASA MO ANG
I'M A MAN
RomanceI'M A MAN By: Assasinof Love Maitha Mendez. The university’s pride. Kilala sa kanyang katalinuhan at pagiging humble. Sikat man siya at tinitingala ay nanatiling tahimik at simple. Nais lang niya ang makapagtapos ng pag-aaral ng maayos. John Michae...