Chapter 4:

2.6K 71 1
                                    

I'M A Man

By:Assasinof Love

Napangiti ang dalawa habang magkaakbay na hinarap ang mga misis nila. Halata ang kasiyahan sa mga mukha nito.

" Yes, best buddy kami noong high school pa kami hanggang kolehiyo kaya lang biglang naglaho itong si Rene," nakangiting wika ni Mang Alfon na halata ang kasayahan ng dalawa sa muling pagkikita.

Lumabas ang dalawang ginoo para makapag-usap ng maayos habang naiwan naman sa loob ang dalawang ginang at nagkwentuhan.

"Kumusta?Ano na ang pinagkaabalahan mo ngayon?" tanong ni Mang Alfon sa kaibigan ng magkasarilinan sila.

"Heto may asawa at dalawang anak, ikaw?" nakangiting sagot nito.

"Nakadalawa ka pala, ako nag-iisa lang pero daig pa ang isang dosena sa pagkapasaway," napapailing wika nito patungkol sa anak na si JM . "Ano na pala negosyo mo ngayon?" dagdag nito.

" Head accountant ako sa H&D at secretary si misis."

"Hayy naku Rene, ako pa niloloko mo, ano?" natatawang ani nito na hindi naniniwala sa narinig.

Napatawa ang ginoo sa komento ng kaibigan. “ Totoo naman sinabi ko ah, ikaw kumusta? Halatang bigtime ka na.”

"Ikaw pa, walang ibang pinagkaabalahan? Kung noon nga doble doble na racket mo, bakit hindi ka mag- invest sa kompanya namin may bago akong itatayong branch?"

"Ikaw talaga, kahit walang mag invest, kaya mo pa ring magpatayo ng ilang branches pa. "

"Hindi pwede na hindi ka mag invest sa akin, ngayong nagkita muli tayo, aba! ‘di na ako papayag na mawalan tayo muli ng ugnayan.”

"O siya, titingnan ko kung ilang percent kaya ko," pag ayon nalang ni Rene para hindi humaba ang usapan, kilala niya ang kaibigan gaya noon, ayaw pa rin paawat sa gusto.

"Salamat talaga pare, s’yanga pala alam ko kaya mo naman bayaran kahit million pa ang hospital bill ng anak mo pero pwede bang ako na bahala doon para naman kahit papano makabawi kami sa kasalanan ng anak namin," pakiusap nito.

"Huwag mo nang alalahanin iyon aksidente lang ang lahat at sa bill bayad na lahat."

"Bayad na lahat? O baka mamaya naman may share ka na naman dito?" panghuhuli ni Mang Alfon. Kilala niya ang kaibigan na, masyado itong masekreto at napaka humble kaya hindi na siya magtataka kung malaman niya isang araw na may mga kompanya na ito.

"Hay naku! Alfon, hindi ka pa rin nagbabago daig mo pa rin ang imbestigador, tara na nga at baka hinahanap na tayo, " natatawang wika ni Mang Rene.

-----

3 years after...

"Hi Jade!" bati ni Mai pagkakita sa kaibigan sabay beso-beso.

"You're late again," nakasimangot na ani nito.

"May tinapos pa kasi ako sa office, at alam mo na medyo malayo."

"Kung sa kompanya namin ka nalang sana pumasok eh di lagi tayong sabay kahit saan tayo magpunta."

"And’yan na naman tayo, ‘di ba sinabi ko na sa'yo hindi ko mahindian si Tito Alfon at isa ---"

"I know may share ang Papa mo doon, " hindi na niya pinatapos si Mai sa pagsasalita. Napatawa nalang ang dalaga sa inaasal ni Jade. Naintindihan ni Jade ang kaibigan kaya lang miss na kasi niya ito, madalang nalang sila nagkikita dahil sa kanya-kanyang trabaho.

"Napaka masekreto talaga ni tito Rene, madami pala siyang shares sa iba't ibang kompanya,wala man lang sinabi sana sa kompanya namin mag-invest naman kayo, " dugtong pa nito.

I'M A MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon