Chapter 8:

2.3K 70 0
                                    

I'M A Man
By:Assasinof Love

Gulat na gulat naman ang dalawa sa narinig, parang nakakabinging salita na mahirap I absurb.

"A-ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ni Mai ng makabawi.

"Ah anak, since kayo na naman ni JM at masaya naman kayo, napagkasunduan namin na ipakasal na kayo at nang ganap na kaming magkumpadre at magkumadre," paliwanag naman ng papa ni Mai na halata ang saya sa mukha nito.

"Pa?" ‘di makapaniwalang wika ni Mai.

"No!" sagot naman ni JM.

Gulat naman na napalingon ang lahat kay JM.

"JM? Bakit hindi ka pumapayag sa kasal?" ‘di makapaniwalang tanong ng daddy niya.

"Dad I'm sorry, pero sobrang maaga pa para pag-usapan ang kasal, I mean siyempre gusto muna namin na namnamin ang pagiging binata't dalaga namin," wika nalang ni JM sa ama. Alam naman niya sa sarili na masaya rin siya kay Mai pero ang tungkol sa kasal ibang usapan naman, habang buhay na iyan eh at gusto niya 100% sure sa nararamdaman bago magpakasal and he want ro propose by himself.

Sobrang nasaktan si Mai sa pag-ayaw ni JM, hindi naman sa gusto na din talaga niya magpakasal pero handa naman siyang pumayag na magpakasal dito medyo nagulat lang siya siyempre, ganoon paman pinilit nalang niyang intindihin ang binata at hindi na rin siya nagsalita pa kahit na gustong humiyaw sa iyak ang kanyang puso.

"Well, may punto naman si JM, kaya hayaan nalang muna natin sila pare at kung gusto na talaga nilang magpakasal magsasabi naman iyan sila," ani nalang din ni Mang Rene.

"Tama hayaan na muna natin silang magsawa sa pagka dalaga't binata nila," tugon naman ng mama ni Mai.

"Pag pasensiyahan n'yo na kami mga anak, atat lang magkaapo eh," pagpapatawa naman ng mommy ni JM para gumaan ang usapan.

"Sorry iho at iha, ako ang may pakana kasi nito, natutuwa lang kasi ako sa magandang samahan ninyo, akala ko ready na kayo sa ganoong bagay," hinging paumanhin ng Daddy Alfon ni JM.” Basta kapag ready na kayo, magsabi agad kayo sa amin at ng mapaghandaan natin.”

"It's ok pa, sorry din sa inyo pero hayaan ninyo kapag ready na talaga kami, kami na mismo magsasabi sa inyo," wika naman ni JM para kahit papano ay mabawasan ang kakaibang ilangan.

Natapos ang usapan na tanging tango at iling ang nagawa ni Mai. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin o reaksyon, blangko siya at walang maapuhap na salita.

Kinabukasan sinundo pa rin ni JM si Mai pero pareho lang tahimik ang dalawa. Malapit na sila sa kompanya ng hindi na makatiis si JM sa katahimikan sa pagitan nila ng dalaga.

"I'm sorry Mai," basag nito sa katahimikan.

"H-hah? Bakit ka nag so-sorry?"gulat namang napalingon si Mai sa binata.

"Dahil kagabi, si daddy kasi sobrang atat at pinangunahan tayo."

"No, it's ok! Okay lang naman sa akin 'yon," pilit na ngumiti siya.

"Okay lang sa'yo na ipakasal tayo?" tanong ni JM na humarap pa sa dalaga.

"Yeah ok lang, alam ko namang hindi ka sigurado sa nararamdaman mo sa akin eh or maybe wala ka ngang nararamdaman, ako lang naman nangungulit sa'yo at naghahabol kaya ako dapat mag sorry," malungkot na wika ni Mai na hindi napigilan ang tunay na naramdaman.

"Hindi naman sa wala akong nararamdaman kaya umayaw ako, ang sa akin lang ayaw ko pang pumasok sa bagay na iyon hanggat hindi pa ako ready."

"Talaga? Ibig sabihin may gusto ka na rin sa akin?" bumalik ang siglang tanong ni Mai.

I'M A MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon