I'M A Man
By: Assasinof Love
Napangiti si Dave sa naging reaksyon ni Mai ibig sabihin gusto talaga nito si JM.
"So ano ang gagawin mo ngayon? Kung kailangan mo ng tulong dito lang ako," wika ni Dave.
"H-huh?W-what? Bakit ko naman kakailanganin ang tulong mo? Kung ayaw talaga ng pinsan mo sa malantod na babae na iyon gagawa siya ng paraan, bahala siya sa buhay niya!" biglang naiba ang ihip ng hangin dahil sa naiisip ni Mai. Alam niya sa sarili na gusto pa rin niya si JM, actually mahal na nga niya ito pero ano ang magagawa niya or paano niya ipaglabanan kung hindi naman siya sigurado kung mahal nga siya nito.
"Huh? Ano ba naman Mai hahayan mo maagaw sa'yo ang mahal mo?" tanong ni Dave hindi siya pwede pumalpak at kawawa ang lovelife niya pagnagkataon.
"At sino naman nagsabi sa'yo na mahal ko ang gunggong mong pinsan ha?"
"Basta alam kong mahal mo siya kaya huwag ka na magkunwari pa, inamin mo nga kay JM 'di ba?" nakangiting ani ni Dave.
"Ano? Sinasabi ng pinsan mo 'yan?" 'di makapaniwala si Mai na alam ito ni Dave.
"Opppsss, hindi siya ang nagsabi."
"Kung ganoon sino ha?" inis na si Mai.
"Alam mo ikaw ang talino mo pero ang bilis mo mahuli hindi mo man lang naisip mag deny muna," nakangiting pang-aasar ni Dave. Hindi niya mapigilan na matawa sa hitsura ng kaharap na salubong na ang kilay.
"Hindi ako naniniwalang hinuhuli mo lang ako, alam kong alam mo sino ang nag---- no! H-huwag mong sabihin na siya Jade?" biglang tanong niya ng maalala ang kaibigan.
"Secret!"
"Kapag hindi ka nagsabi ng totoo, ihahampas ko itong isang plato ng mechado sa pagmumukha!" banta ng dalaga na hindi na mapigilan ang sobrang inis.
"Easy lang napaka brutal mo talaga, narinig ko kayo ni Jade kahapon na nag-uusap kaya alam ko."
"Haiisssttt...ikaw napaka tsismoso mo pa rin, diyan ka na nga," inis na wika ni Mai at tumayo na. Nag-iinit talaga ang ulo niya mula pa ng makita ang babaeng haliparot.
"Mai sandali ihahatid kita," agad na naglabas ng pera ang binata at humabol kay Mai. Napapailing nalang ang binata sa ikinikilos ng kaibigan.
" Grabe! ibang iba ka na nga talaga pati sa akin walang patawad," wika ni Dave ng makapasok sila sa sasakyan nito.
"At alam mo ikaw rin mas naging makulitin pa lalo, kung manahimik ka nalang din kasi para hindi iinit lalo ang ulo ko eh di masaya.”
Halakhak ang itinugon ng binata sa sinabi niya na lalo niyang ikinaasar. “Tinulungan na nga kita eh.”
"At bakit mo naman ako tutulungan aber? May sakit ba ako, napilay o nagkautang?"
"Siyempre ang kaligayahan mo ay kaligayahan ko rin, a-ahhh n-namin na mga kaibigan mo, " wika ni Dave na muntik ng sumamblay.
"Ang OA mo tumigil ka na nga riyan baka ikaw ang mapagbuntunan ko ng inis masapak pa kita."
"O siya nandito na tayo, basta tawagan mo lang ako kung may kailangan ka," turan ni Dave ng makarating sila sa bahay nina Mai.
"Ok fine! Sira ka talaga, sige bye ingat," agad na siyang lumabas at kumaway.
Nakita naman ni JM ang naghatid kay Mai dahil kalalabas lang niya sa bahay nina Mai.
"Saan kayo nanggaling? Bakit magkasama kayo ni Dave? Kayo lang dalawa?" sunod-sunod na tanong nito na nagpagulat kay Mai.
"Ayyyy!... ano ka ba naman, bakit ka ba bigla nalang nagsasalita diyan ha? At anong ginagawa mo dito?" inis na balik tanong din ni Mai dahil sa gulat.
Imbes na sumagot ay nananatiling nakatitig lang si JM kay Mai. "Hoy! Na engkanto ka ba ha, umuwi ka na nga!"
"Bakit kayo magkasama ni Dave?"
"So? Ano naman sa'yo kung magkasama kami ha? Kahit sino pa ang kasama ko, wala akong dapat ipaliwanag sa'yo, tumabi ka nga! "
Sa halip nasumunod ang binata ay bigla nalang niyang hinatak ang bewang ni Mai at madiin na hinalikan ito sa labi.
Nagulat man si Mai pero pilit niyang pinanatiling matino ang kaisipan, at nag ipon ng lakas sabay tulak kay JM. Hindi siya pwedeng basta nalang bibigay, mamaya ay lalo pa siyang masaktan.
"Hoy lalaki, huwag mo na ako mahalik-halikan at baka mamaya maipasa mo pa sa akin ang virus na dala-dala ng malandi mong nobya!"
Walang salitang namutawi sa binata sa halip ay muling hinalikan ang dalaga.
"Ano ba, nasisiraan ka na ba ng bait ha!" singhal ni Mai ng mabitiwan siya ng binata.
"Ilang beses ko ba sabihin na hindi ko nobya si Joanna, oo ex ko siya inaamin ko pero hanggang doon nalang kami, please Mai makinig ka naman sa paliwanag ko."
"I'm sorry, hanggat nasa paligid mo ang Joanna na iyon, hindi ako makikipag-usap sa'yo, tabi!"
"Kung talagang gusto mo ako, bakit hindi mo ako paniwalaan? Sa halip na ipaglaban mo ako bakit mo ako iniwasan at hinayaan?"
Hindi naman makakilos si Mai sa naririnig mula sa binata. Tama ito, pero kailangan ba talaga na siya ang makikipaglaban?
Maya-maya nilingon niya ang binata at mapaklang tumawa. Naalala na naman niya ang pag-ayaw nito na ikasal sila.
"Bakit ko naman ipaglaban ang isang bagay na wala naman akong kasiguraduhan na akin nga? Bakit ako makikipag-agawan sa alam ko namang hindi ko talaga pag-aari? " madamdaming wika ni Mai at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay nila.
Hindi naman nakaimik ang binata sa narinig, alam niya sa sarili niya na may pagkukulang siya sa anumang relasyon nila lalo pa at wala siyang ipinangako na kahit ano.
---
Kanina pa nakahiga si Mai pero hindi pa rin siya makatulog. "Arrrrrggggggggg...bakit ayaw mo umalis sa isipan ko gunggong ?" inis na sambit ni Mai sa sarili dahil kahit anong gawin niya ang hitsura ni JM ang nakikita niya.
Samantala...
“Bakit hindi niya naramdaman ang tunay kong nararamdaman? 'Di ba action speak louder than voice naman?aiiissst,"inis naman na tanong ni JM sa sarili.
“Ano ngayon ang gagawin ko? Liligawan siya? Paano? Dadalaw sa bahay at magdadala ng flowers at chocolate?aaarrrrrgggggg...ayaw ko!”patuloy na kausap niya sa sarili.
“Lintik na Joanna kasi bakit pa umuwi dito, ahhh…bakit ang hirap ng ganito?”
-----
Kinaumagahan pagkagising ni Mai ay agad niyang tinawagan si Dave. Nakalimang dial muna siya bago ito sinagot.
"Hello!" inaantok na sagot nito.
"Bumangon ka na diyan at sunduin mo ako, bilis!"
Napadilat naman ng mata si Dave at tiningnan ang pangalan sa screen ng cellphone niya sa pag-aakalang si Jade.
"Maitha naman, alam mo bang istorbo ka sa tulog ko, wrong number tinawagan mo, si Dave ito, check mo kaya," angal nito.
"Akala ko ba tatawagan kita kung kailangan ko ng tulong? Now, kailangan ko ng tulong mo."
Biglang napabalikwas ng bangon si Dave . "Talaga? Sure ka?"
![](https://img.wattpad.com/cover/22600578-288-k378d57.jpg)
BINABASA MO ANG
I'M A MAN
RomanceI'M A MAN By: Assasinof Love Maitha Mendez. The university’s pride. Kilala sa kanyang katalinuhan at pagiging humble. Sikat man siya at tinitingala ay nanatiling tahimik at simple. Nais lang niya ang makapagtapos ng pag-aaral ng maayos. John Michae...