Chapter 9:

2.2K 65 0
                                    

I'M A Man

By:Assasinof Love

Hindi makakilos sa kanyang kinatatayuan si Mai dahil sa kanyang nasaksihan. Sobra siyang nasaktan sa nakikita sa kanyang harapan. Ang kanyang ‘myloves’ ay may kahalikang magandang babae?

Agad namang lumapit si Dave kina Mai at Jade.

"Mai, Jade kumusta?"nakangiting bati ni Dave.

"Bakit ka pa umuwi kung mag dadala ka lang naman ng virus," inis na sita ni Jade.

"Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Dave pero ng mapalingon siya kay Mai na halos maiyak na nakatingin sa kanyang pinsan at sa ex nito na si Joanna ay nakuha niya ang ibig sabihin ng dalaga.

"Ah si Joanna iyon, ex-girlfriend ng pinsan ko," pagpapaliwanag niya sa dalawa.

"Ex-girlfriend? Alam mo ba ang ibig sabihin ng 'ex' , tapos na, hiwalay na or whatever, pero tingnan mo nga ang hitsura nila, 'yan ba ang mag ex ha," inis na inis na wika ni Jade na inilapit pa talaga ang mukha niya kay Dave.

"Totoong hiwalay na sila, isang buwan bago umuwi si JM dito hiwalay na sila at saka hindi kami magkasama, nagkita lang kami sa airport," paliwanag naman ni Dave.

Hindi na nakatiis pa si Mai at tumakbo na siya papalabas. Wala siyang pakialam sa mga kasama basta ang gusto lang niya ay makalayo sa lugar na iyon.

"Mai wait" habol ni Jade sa kaibigan. Agad naman napalingon si JM dahil sa sigaw ni Jade.

Humabol din pero hinawakan siya ni Joanna. "Pwede ba Joanna, tumigil ka, wala na tayo at hindi na magiging tayo pa."

"Bakit JM dahil ba sa babaeng iyon? I'm sorry JM pero hindi ako basta basta susuko dahil mahal kita, please give me another chance sorry kung natagalan ang pagsunod ko sa'yo," pakiusap nito.

"I'm sorry Joanna, pero kung ano man ang meron tayo noon hanggang doon nalang iyon hindi na maaring dugtungan pa," wika ni JM sabay takbo palabas ng airport.

"Jade nasaan si Mai," hinihingal na tanong niya ng maabutan sina Dave at Jade sa labas.

"Nakasakay na, kung pwede JM hayaan mo na muna ang kaibigan ko," pakiusap naman ni Jade at pumara din ng taxi. Naiwan naman ang dalawang binata na nadismaya.

"Insan kayo na ba ni Mai?" paniniguradong na tanong ni Dave na nagdududa sa mga nakikita.

Hindi naman makasagot si JM dahil hindi naman niya alam kung ano ang isasagot, sila nga ba ni Mai?

"Yeah kami na," seryosong sagot ni JM. "Bakit mo isinama si Joanna?" dagdag pa nito.

"Hindi ko siya isinama o kasama man lang, nakita ko nalang siya sa airport at sumabay sa akin, kung alam ko lang na kayo na pala ni Mai eh ‘di iniwasan ko sana siya at sinabihan kita," paliwanag naman ni Dave.

"Tara na nga uwi na muna tayo," turan ng binata dahil hindi pa niya alam kong anong dapat gawin.

Samantala umiyak naman si Mai sa loob ng taxi na sinakyan pauwi. Sobra siyang nasaktan parang tinutusok ng karayom ang kanyang dibdib. “Kaya ba umayaw siya sa kasal dahil may hinihintay siya? Hindi pala niya ako kayang mahalin?”lumuluhang aniya sa sarili.

“ Ikaw ang may kasalanan bakit ka umiiyak ngayon dahil ikaw ang nagpupumilit sa sarili mo sa kanya” ani naman ng isang bahagi ng isip niya.

Mas lalong napaiyak si Mai sa mga naiisip, talagang minahal niya si JM kaya lalo siyang nasasaktan. Naisip niya ang sinabi sa kanya noon ng kuya niya na baka makarma siya, tuloy lalong siyang napaiyak.

I'M A MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon