Chapter 5:

2.5K 76 0
                                    

I'M A Man
By: Assasinof Love

Mula ng makapagtapos ng kolehiyo si Maitha ay bigla na itong nagbago naging palatawa na ito na ikinatuwa ng pamilya pero bukod doon ay naging pasaway na rin ito lalo na sa mga manliligaw na hindi niya gusto. Kahit anong pangaral ng mga kapamilya at maging ni Jade ay hindi tumalab sa dalaga, kung anong gusto nito ay siyang ginagawa.

Nang sumunod na araw ay nagpatawag ng pagpupulong ang Presidente ng D&M ng umagang iyon para sa isang mahalagang anunsyo. Hula ni Mai ay upang ipakilala nag anak nitong si JM, matamn siyang nakamasid at nakikinig ng makaupo sa may bandang likuran.

"Good morning everyone! Ang bagong Manager na papalit kay Mr.Santos, my son, Mr. John Michael Dualos," nakangiting pakilala ng Presidente sa lahat.

Napatitig naman si Maitha sa lalaking paakyat sa stage, sinalubong ito ng kanyang ama.

“Hmp… mukhang nagbago na ah, at lalong gumagwapo, I think like you now,” anang isipan ni Mai na napapangiti.

-----

"Hi! Kumusta?" bati ni Maitha kay JM ng makalabas ang binata ng hapon na iyon na talagang kanyang inaabangan.

Nagulat man si JM dahil hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot ni Maitha sa harapan niya ay pinakiharapan pa rin niya ito.

"Yes?"pormal na tanong niya na parang hindi sila magkakilala.

"Don't you remember me?" tanong ni Maitha na pinaka sexy pa talaga ang boses.

"Of course I do, Ms. Maitha Mendez, the Marketing Manager, right?" pormal paring wika ni JM.

Nainis naman si Maitha sa naging sagot ng binata, hindi niya inaasahan na ganito na ka pormal ang lalaki o sadyang nagpakapormal lang ito sa kanyang harapan.

"Tssss...hindi mo ba ako natandaan 3 yrs ago?"

Nabigla naman si JM sa tanong nito, hindi niya inaasahan na halungkatin pa nito ang nangyari 3yrs. ago, ayon kasi sa mga magulang niya pinapatawad na naman daw siya nito at okay nga lang daw kahit magpatuloy siya mag-aral sa university na pinapasukan nito noon. Bakit ngayon inungkat nito ang bagay na iyon?

"Mahalaga pa ba iyon?" tanong ng binata at tiningnan ang magandang dalaga. “Lalo siyang gumanda,” aniya sa isip.

"Of course, dahil tinakasan mo ako noon," sagot naman nito na inilapit pa ang bibig sa may tainga ni JM.

Napalayo naman ng bahagya ang binata dahil parang kinikilabutan siya.

"Hindi ako tumakas! Ano bang kailanagan mo?"

"Owsssss talaga? Kung totoong hindi ka tumakas, eh ‘di handa kang bayaran ang kasalanan mo kung sisingilin kita ngayon?" nakataas ang kilay na tanong ni Mai.

Hindi naman maintindihan ni JM ang pinagsasabi nito kaya napakunot noo siya. "Magkano ba ang kailangan mo?"

"Ooppss… sorry hindi pera ang kailangan ko."

"Then what?" naiirita na si JM sa dalaga. Paano naman sobrang nagpapacute si Mai at ang labi parang gusto magpahalik, tuloy nag-iinit siya sa ginawa nito.

"Simple lang, be my driver and bodyguard!"

"What?” gulat na wika niya. “Kung gusto mo ng driver at bodyguard ikukuha kita tigilan mo lang ako, okay?"

"Hmp... gusto ko, ikaw mismo, ayaw mo? Alalahanin mo nagkasakit ako at naoperahan pa dahil sa'yo, kung tutuusin nga maliit na bagay lang ang hiningi ko eh."

"Why me?"

"Kailangan pa ba itanong 'yan of course ikaw ang nagkasala sa akin."

Napaisip naman ang binata kung tutuusin kaya naman niya, total magkasama sila sa kompanya madali lang ipagda-drive niya pauwi tapos!

I'M A MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon