I'M A Man
By:Assasinof Love
"Oh my G! Maitha, talagang nagtapat ka kay JM, na gusto mo siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Jade ng magkita sila isang araw. Madalang na silang magkita dahil sobrang busy si Jade, nasa bakasyon kasi ang mga magulang nito.
"Bakit anong masama, nagsasabi lang naman ako ng totoo ah?" balewang ani ni Mai.
"Hayy naku Maitha, ang layo-layo muna sa nakilala kong Maitha since bata pa tayo."
"Ako pa rin ito noh, ang matalino,mabait at honest mong bestfriend ," natatawa namang wika niya.
"Maitha naman, puro ka kalokohan eh, alam mo kung i-dedescribe kita ngayon, isa ka ng bulgar!" nakasimangot na turan ni Jade.
"Oyy sobra ka naman Jade ha!" kunwari pagtatampo niya.
"Bakit? Malayo ba, sabi mo nga ikaw ang nanligaw at kadalasan ikaw ang nag iinitiate para halikan ka ni JM," pangbubuko naman nito.
"Psssttt… hinaan mo nga ang boses mo baka may marinig sa'yo," nagpalinga-linga pang sabi nito.
"Eh ano naman, ‘di ba wala naman sa'yo 'yan?"ayaw paawat na pang-aasar ni Jade.
"Ano ka ba! kay JM lang ako ganito ha, sa iba aba suntok ang ibibigay ko, diyan ka na nga at magkikita pa kami ni myloves ko," wika niya sabay tayo.
"Ah, siyanga pala next month darating si Dave, " dagdag pa nito na nagpatulala naman kay Jade.
Deretso na siyang lumabas at nag sent na ng message si JM na nasa parking na ito.
"Hi myloves! Kanina ka pa?" wika ni Mai sabay halik sa pisngi ni JM pagkapasok sa kotse nito.
Napangiti naman si JM, nakasanayan na niya ang tawag nito sa kanya at ang paghalik-halik nito. Nagkakabati na rin sila at parang M.U na din, ayon sa hiling nito noon.
"Kararating ko lang naman, kumusta si Jade?"
"She's fine, ahhh, tuloy ba ang pag-uwi ni Dave?" tanong ni Mai sabay yakap sa braso ng binata.
"Yeah, tuloy daw, pwede ba mamaya ka na maglambing d’yan at baka ma late pa tayo kapag 'di ako makapagpigil," banta ni JM.
"We have 30 mins pa, bakit ‘di mo pagbigyan sarili mo?" pang-aakit naman ni Mai.
"Ikaw talaga!hmmmpp," wika ni JM sabay halik sa mga labi ni Mai na kanya namang tinugon.
“Ang sarap talaga humalik ng myloves ko,” sambit Mai sa sarili.
Dahil tainted naman ang sasakyan ni JM kaya walang mag-aakalang may milagrong nagaganap sa loob ng kotse nito.
Lalong nag-init ang binata ng lumalim ang halikan nila at unti-unti ng gumapang ang mga kamay nito na siyang biglang nagpabalik kay Mai sa katinuan.
Agad niyang itulak si JM at lumayo at lumanghap ng hangin.
"Ooopppsss, usapan natin hanggang doon lang, at saka I need to re-touch let's go baka ma-late tayo," nakangiting wika ni Mai na umayos ng upo at nagpahid ng face powder na parang wala lang.
"Kaya nga ang sabi ko huwag kang mag-umpisa eh, at ako ang kawawa," nakasimangot na ani ni JM sabay start ng kotse.
Naging masaya ang pagsasama ng dalawa,wala man silang usapan kung anong relasyon meron sila pero makikita naman sa kanila ang kakaibang pagtitinginan nila na pati sa mga magulang nila ay hindi nakaligtas.
"Pare, tingin ko matutuloy na nga ang pangarap natin na maging magkumpare," nakangiting wika ni Mang Alfon na ama ni JM.
"Napapansin mo rin pare? Sa tingin ko talagang magkatotoo na talaga, "nakangiting ding ani ni Mang Rene.
BINABASA MO ANG
I'M A MAN
RomanceI'M A MAN By: Assasinof Love Maitha Mendez. The university’s pride. Kilala sa kanyang katalinuhan at pagiging humble. Sikat man siya at tinitingala ay nanatiling tahimik at simple. Nais lang niya ang makapagtapos ng pag-aaral ng maayos. John Michae...