I'M A Man
By:Assasinof Love
Dahil sa pag-amin nila pareho sa kanilang nararamdaman ay lalong naging mapusok ang halikan ng dalawa, nagsisimula na namang maglakbay ang kamay ni JM sa katawan ng dalaga pero kakaibang babae talaga itong si Mai at grabe ang control nito sa sarili.
"Stop!"biglang sabi niya ng humantong sa dibdib niya ang kamay ng binata. Kahit nagustuhan niya ang dulot ng haplos nito ay kailangan niyang pigilan.
"Bakit na naman, ikakasal na naman tayo ah," hirap naman na tanong ni JM na halatang nabibitin na talaga a nahihirapan.
"Bakit nag propose ka na ba? " tanong niya ng maalala ang kasal.
"Ohhhh... I'm sorry I forgot, pikit ka muna dali!" hinging paumanhin nito sabay luhod sa harapan ng dalagang nakapikit.
"Okay, open your eyes now!"
Unti-unting ibinuka ng dalaga ang mga mata para lang mamangha sa nakita.
"Can you be my woman forever? Will you marry me?" biglang tanong ni JM pagkabukas na pagkabukas ng mata ni Mai sabay bukas din ng maliit na tarheta.
"O-oh my, may nakahanda talaga?" hindi makapaniwala ang dalaga sa nakitang engagement ring na nasa harapan niya.
"Sagutin mo na tanong ko," paglalambing ni JM na iniyakap ang isang kamay sa bewang ng dalaga.
"Of course! Yes I will marry you!" maluha luhang sagot ni Mai. Hindi na siya magpapakipot pa dahil ito ang matagal na niyang kahilingan at ayaw na niyang maagaw pa sa kanya ang pinakamamahal na binata.
"Pero sandali, kailan mo pa naramdaman na mahal mo rin ako? " biglang tanong ni Mai.
"Since I taste your lips," pilyong sagot ni JM at kumindat pa.
"So now, can I proceed?"
"Anong proceed ka diyan, hoy lalake! After ng kasal mo na ilabas ang libog mo, tara labas na!"
"Ok fine, one more kiss."
"Nakakarami ka na talaga ha, last na talaga 'to," wika ni Mai at siya na ang kusang humalik pero pagkadampi pa lang ng labi niya sa labi ng binata ay siya namang pagkatok ng malakas sa pintuan niya.
"Waaaa...dami talagang istorbo!" asar na sambit ni JM na tinawanan lang ni dalaga.
Pagbukas nila ng pinto ay nagulat sila pareho ng makita ang lahat ng kani-kanilang kamag-anak. Pati sina Jade at Dave nakita nilang kumaway sa kanila na bihis na bihis.
"Pa, Ma, anong meron bakit ang daming bisita?" nagtatakang tanong ni Mai.
"Aba! Sa ginagawa n'yo ngayon hahayaan nalang ba namin na mabuo agad ang apo namin na hindi kayo ikakasal, hala itong damit ninyo magsipagbihis na kayo at nandito na si Judge Marcelino."
"Po?"
"Po?"
Sabay na tanong ng dalawa na nanlaki ang mga mata. Ora mismo ay ikakasal sila.
"Oh bakit, 'wag n'yo sabihin may aayaw na naman sa inyo?" tanong ng Papa ni Mai.
"Pa, hindi naman kailangan ng ganito kabilis at saka wala pa pong nangyari sa amin, " sabi ni Mai.
"Sa tagal ninyo sa loob ng kwarto mo, may maniniwala ba na walang milagrong nangyayari? Aba! Maitha babae ka, kaya hindi ako papayag na madehado ka."
Ngiting-ngiti naman si JM dahil pabor sa kanya ang pangyayari. Para sa kanya ay gusto na rin niyang ngayon mismo sila ikasal dahil alam niyang mahal na mahal din niya ang dalaga.
BINABASA MO ANG
I'M A MAN
RomanceI'M A MAN By: Assasinof Love Maitha Mendez. The university’s pride. Kilala sa kanyang katalinuhan at pagiging humble. Sikat man siya at tinitingala ay nanatiling tahimik at simple. Nais lang niya ang makapagtapos ng pag-aaral ng maayos. John Michae...