I'M A Man
By:Assasinof LoveInis na inis si Joanna kay Mai dahil hindi man lang ito natakot sa kanya. Buong akala niya ay simpleng empleyado lang ito na basta nalang tatahimik para hindi masesante pero nagkakamali siya.
"Miss, sino ba ang babaeng ito sa kompanya ninyo?" inis na baling nito sa receptionist.
Napatingin naman ang receptionist ng kompanyan kay Mai na hindi malaman ang sasabihin.
"Ellen, you know my rules, right?" agad na tanong ni Mai na tinitingnan ang receptionist na naguguluhan.
"Yes ma'am!"
"Well, hayaan mo siyang mamatay sa kakaisip kung sino ako," nakangiting ani ni Mai na nakatingin kay Joanna ng nakakaloko.
Gusto nang sugurin ni Joanna si Mai pero biglang dumating si JM, kaya agad niya itong sinalubong at niyakap na ikinangitngit lalo ni Mai.
"Joanna? Ano na naman ba ang ginagawa mo dito?" 'di mapigilan ni JM ang inis sa dalaga.
"Please naman JM mag-usap naman tayo," paki-usap ni Joanna.
Napaisip naman ang binata, once and for all ay kakausapin na lang niya ito at ng tumigil na. Gusto na rin niyang tumigil ito sa kanya at ng matahimik na sila ni Mai.
"Okay, follow me in my office," maya-maya wika ni JM na nagpangiti kay Joanna pero agad naman na humarang si Mai sa harapan ni JM.
"Kung about business ang pag-uusapan ninyo, pwede sa opisina mo pero kung personal na bagay, pwede bang sa labas na kayo mag-usap o kahit ano pang gawin ninyo basta huwag sa loob ng kompanya," inis na sabi ni Mai dahil sa pagpayag ni JM na kausapin ang malanding si Joanna samantalang siya ang hindi man lang pinansin.
Napatingin naman si JM sa kanya na sobrang asim ng mukha. Hindi niya maintindihan kung galit sa sinabi niya o galit sa pagharang niya. Bumuntunghinga ito at napapangiti na sa isip.
"We will just talk,okay?" napapangiting sabi ni JM at lumabas na kasama si Joanna.
Agad naman tinawagan ni Mai si Dave ng maalala ang bulaklak na natanggap.
"Oh, hello?"
"Dave, balik ka dito sa kompanya!"
"What? Maitha naman kakapark ko nga lang ng sasakyan e, ano na naman iyan?” hindi mapigilan ng binata na hindi maasar.
"Basta bumalik ka may kailangan ako ipagawa sa'yo."
"Ano naman 'yan? Hindi ba pwede ipagpaliban 'yan? O ‘di kaya ay sabihin mo na ngayon sa telepono?"
"Nope, kailangan ko malaman agad-agad, ok etetext ko nalang pero kailangan puntahan mo agad ang flowershop na ito, okay?"
"Ok fine!" wika nalang ni Dave dahil kahit ano pang kontra niya ay hindi talaga magpapatalo ang dalaga.
Agad naman niyang tinawagan si Jade at humingi din ng tulong. Kailangan niyang matapos agad at kanina pa naistorbo ang tulog niya.
"Jade help!" agad na bungad niya ng sagutin ng dalaga.
"Ikaw noh, ikaw nga pinagawa ko, isasali mo pa ako, o siya pero ito lang ha? ako nang bahala," sabi nito ng sabihin niya ang sinabi ni Mai.
"Thanks ...mwuahhhh!"
"mwuah, mwuah ka diyan, sige bye na" ani ni Jade pero nakangiti naman pagkababa ng telepono. Kahit papano ay hindi niya maiwasan ang kiligin.
------
"Joanna, ano ba dapat kong gawin para tumigil ka na ha?" inis na sabi ni JM ng makarating sila sa isang park. Mas pinili niya dito dahil wala pang masyadong tao at nang hindi rin makagawa si Joanna ng bagay na ayaw niya.
BINABASA MO ANG
I'M A MAN
RomanceI'M A MAN By: Assasinof Love Maitha Mendez. The university’s pride. Kilala sa kanyang katalinuhan at pagiging humble. Sikat man siya at tinitingala ay nanatiling tahimik at simple. Nais lang niya ang makapagtapos ng pag-aaral ng maayos. John Michae...