I'M A Man
By:Assasinof Love
Gustong matawa ni JM sa naririnig kay Mai ngunit pinipigilan niya ang sarili dahil nasa harapan niya si Joanna. Nakangiti naman na umalis si Mai pero naasar din dahil hindi siya sinundan ni JM. “See, mahal talaga ng impaktong JM ang malanding babae na iyon,” anang isipan niya.
"Sweetie see? Narinig mo ang babae na iyon, ang sama-sama ng ugali," maarteng sabi nito na kunwari pa maiiyak.
"Joanna please, pwede ba umuwi ka na, ano ba kasi ang ginagawa mo dito?"
"JM naman, hahayaan mo lang ba ang babae na iyon ha, narinig mo naman ang pinagsasabi noon ah, bakit hindi mo sesantehin iyon!"
"Pwede ba Joanna, tumigil ka na, wala na tayo kaya pwede ba 'wag mo na ako guluhin, at busy ako ngayon kaya mas mabuting umuwi ka na," inis na tinalukuran din ito ng binata.
“Aaaaaarrrrggg...hindi pa tayo tapos maldita,”inis na sabi sa isip ni Joanna patungkol kay Mai at nilisan na rin ang lugar na iyon.
Nang mag-uwian na ay inabangan ni JM si Mai para siguradong makausap niya ito, agad naman niya itong nilapitan ng makita.
"Mai please kausapin mo naman ako, hayaan mo akong magpaliwanag please, hindi ko talaga alam na uuwi siya at isa pa wala na ----"
Hindi natapos ni JM ang pagsasalita dahil sinenyasan siya ni Mai na tumigil. Agad naman itong naghalungkat sa bag at nang makita ang isang notelet ay sinulatan ito. Agad namang binasa ni JM nang ibigay ito ni Mai.
"Lalaki, hindi kita kakausapin hanggat makikita kong pahara-hara sa harapan ko ang malandi mong girlfriend," malakas na basa ni JM. "Mai naman at saka hindi ko na nga siya girlfriend," paliwanag niyang napakamot sa ulo.
Pero imbes na sagutin ay nagsulat uli ito at muling inabot sa kanya.
"Kung ayaw mong masapak, padaanin mo ako!"
"Mai please---" agad naman umalis si JM sa harapan ni Mai ng akmang sasapakin siya nito. Napangiti naman si Mai ng makalagpas sa binata ngunit pagkalabas niya nakita naman niya si Dave na halatang siya ang inaabangan.
Kumaway ito sa kanya kaya agad niya itong nilapitan.
"Mai, pwede ba tayo mag-usap?” agad na tanong nito ng makalapit sa kanya. “Anak ng tinapa, anong klaseng araw ba ito at lahat ng ayaw kong makausap at makita ay gusto akong makausap?"inis na sambit niya sa sarili.
"Mai plase?"muling pakiusap ni Dave.
"Wala tayong dapat pag-usapan kaya padaanin mo ako."
"Mai naman, parang hindi mo naman ako kilala," kunwaring pagtatampo nito. "Iba ka na nga talaga, pero hindi ka naman nagka amnesia ‘di ba?"dagdag pa nito.
"Bakit ano bang dapat nating pag-usapan? Kasi ako wala akong gustong sabihin o malaman sa’yo.”
"Kababalik ko lang ah, hindi ka man lang makibalita ano nangyari sa akin?"
Pinagbigyan nalang ito ni Mai at nagpunta sila sa malapit na restaurant dahil mukhang hindi rin ito titigil kung hindi niya kakausapin.
"Mai sorry pero hindi ko talaga kasama si Joanna at saka hindi ko alam na kayo na pala ni JM," umpisa ni Dave.
"Correction hindi 'kami' ng pinsan mo o hindi naging kami," kontra niya sa sinabi nito.
"Huh? Bakit sabi nya kayo daw?"naguguluhang tanong nito.
"Sinabi niya?"
Napatango nalang si Dave na hindi pa maintindihan ang mga nangyari, saisip niya ay marami pa siyang dapat alamin.
"Eh 'yong Joanna ba, gaano sila katagal na magkarelasyon?" curious na tanong niya. Nais niyang malaman lahat-lahat.
"Siguro mag-iisang taon din pero hindi mahal ni pinsan si Joanna."
"Mag-iisang taon pero hindi mahal? Magtatagal ba sila kung hindi nagmamahalan?" nanlaki ang matang sabi niya at hindi mapigilan na makaramdam ng panibugho sa kaalamang umabot ng isang taon ang relasyon ng dalawa.
Napangiti si Dave ng mapansin na parang nagseselos ito, sigurado siyang mahal ni JM si Mai nang makausap niya si JM, kay Mai lang hindi pa siya sigurado pero sa nakikita niya parehong nagmamahalan nga ang dalawa, naalala niya ang sinabi ni Jade sa kanya.
---
"Jade, mahal talaga kita sinubukan kong ibaling sa iba pero hindi ko kaya kaya bumalik ako dito para patunayan sa'yo na ikaw lang talaga," seryosong wika ni Dave.
"Bakit pinatagal mo pa kung mahal mo talaga ako at bakit ni isang mensahe wala ka man lang pinadala? Paano kung may boyfriend na ako?"
"Sorry pero kahit wala akong pinadala sa'yo sa mama mo araw-araw ako nagpapadala kaya alam ko lahat sa'yo at alam kong wala kang boyfriend" nakangiting sabi ni Dave?
"What? Sa Mama ko?" hindi makapaniwala si Jade sa narinig. May communication ito sa mama niya pero hindi man lang nabanggit. "Kinukutsaba mo ang mama ko?" inis na wika ni Jade. “Kaya pala lagi inaayawan ni mama ang mga manliligaw ko?”saisip niya.
"Sorry, nasa malayo kasi ako kailangan ko magsipsip sa mama mo at humingi ng tulong, ganoon kita ka mahal Jade," napakamot sa ulong wika nito.
Napa-isip si Jade at tiningnan ang binata. "Dahil sa ginawa mo kailangan may kapalit," inis saad niya ng may maisip.
"Ano naman ang kapalit? Kahit ano gagawin ko huwag mo lang sabihin na layuan kita baka ma rape kita para wala ka nang kawala," nakangiting ani Dave.
"Ang bastos mo talaga,"inis na hinampas ito ni Jade sa balikat.
"Ano ba ang kapalit at nang sagutin mo na ako," nakangiti pa ring sabi ito. Kahit papano ay nakakita ng pag-asawa ang binata.
"Tsssss....wala akong sinabi na sagutin kita pero pwede ka nang manligaw kung magawa mo."
"Ano nga 'yon?" naiinip na tanong ni Dave.
"Simple lang naman, alamin mo kung pareho ng nararamdaman sina JM at Mai tapos gumawa ka paraan para magkabati sila."
"What?Jade naman parang hindi mo kilala si Mai ang tigas ng ulo at napaka---"
"Ayaw mo?"agad na sansala ni Jade na hindi pinatapos sa pagsasalita si Dave. Kahit anong paraan ay gagawin niya para magkabati ang dalawa.
"Bakit makikialam pa kasi tayo sa kanila?"
"Ikaw ang kasama ng babae na iyon kaya natural na ikaw gagawa ng paraan."
"Hindi ko nga siya kasama, promise!"
"Kung ayaw mo e 'di huwag, makakaalis ka na," pagtataboy ni Jade. Alam niyang hindi siya matitiis nito kaya napapangiti siya sa isipan.
"Ok fine! Ok fine! Gagawin ko na pero kapag hindi mo ako sasagutin makikita mo talaga.”
Napangiti naman si Jade sa sagot nito at umaasa na magtagumpay nga sila na magkabati sina JM at Mai.
----
"Hoy Dave! Anong nginingiti mo diyan ha!" inis na sita ni Mai na nagpabalik kay Dave mula sa pag-iisip.
"Ha?" "A-ah talagang hindi mahal ni JM si Joanna, si Joanna ang laging naghahabol kay JM hindi ko alam kung may ligawan na nangyayari basta nakita nalang namin lagi na silang magkasama. Kung hahayaan mo sila ngayon baka maging sila nga ulit."
"What? Hindi maari!"
BINABASA MO ANG
I'M A MAN
RomanceI'M A MAN By: Assasinof Love Maitha Mendez. The university’s pride. Kilala sa kanyang katalinuhan at pagiging humble. Sikat man siya at tinitingala ay nanatiling tahimik at simple. Nais lang niya ang makapagtapos ng pag-aaral ng maayos. John Michae...
