Chapter 12:

2.2K 67 0
                                    

I'M A Man
By: Assasinof Love

Agad na nag-ayos si Dave at sinundo si Mai, tinext din niya si Jade sa magandang balita. Buong akal niya ay mag-uumpisa na ang kaligayahan niya kaya hindi mawaglit-waglit ang ngiti sa labi nito.

"Dave?" tanong ni Meynard ng makitang bumaba si Dave sa sasakyan nito na kakaparada pa lang sa bahay nila.

"Yes kuya , ako nga po, magandang umaga!" nakangiting bati niya, kuya din ang tawag niya dito dahil lagi sila ni Jade kina Mai noon lalo na kung may group project sila dati .

"Naks! Laki ng pinagbago mo ah,lalo kang pumogi, kailan ka lang dumating?"

"Last week lang kuya, ikaw kuya kailan ka mag-aasawa balita ko binata ka pa rin?"

"Naku mali ang pagkakatanong mo Dave ang dapat ay kailan ka magkaka girlfriend kuya?"natatawang sabi ni Mai na biglang sumulpot.

"Tumigil ka Mai ha!" sita ng kuya niya.
"Teka nga, bakit naparito ka ng napakaaga Dave, huwag mong sabihin susunduin mo ang babae na 'to?" nagdududang tanong ni Meynard na tinanguan naman ni Dave kaya nanlaki ang matang napapatingin ito sa dalaga.

"Kuya mala-late ka na, sige na at aalis na rin kami, bye!" biglang sabi ni Mai para makaiwas sa interogasyon ng kuya niya. Hindi na niya hinayaan na makapagsalita pa ito at nagmamadali na siyang pumasok sa kotse ni Dave.

-----

"Oh nandito na tayo wala ka pa ring sinabi sa plano mo, ano bang plano mo?" untag ni Dave ng makarating sila sa kompanya.

"Just relax okay? Sige na umuwi ka na muna at ituloy mo ang tulog mo at mamaya sunduin mo ako ha!"

"Ano? Akala ko ba kailangan mo ang tulong ko?" nakakunot noong tanong ni Dave na hindi makapaniwala sa narinig.

"Yeah tama, ‘di ba hinatid mo ako rito, it's a help," relax na sagot ng dalaga. Alam niya ang ibig sabihin nito pero binalewala niya lang at bumaba sa kotse nito.

"Ginagawa mo lang akong driver?" ‘di makapaniwalang tanong nito. “Mai naman, pwede bang umayos ka naman.”

"Hoy Dave umayos ka ha, alam kong may dahilan ang pagtulong mo sa akin kaya sumunod ka nalang sa akin, kung ayaw mo na matulog, ayain mo si Jade lumabas, go!" pagtataboy ni Mai. Napakamot nalang sa ulo si Dave dahil alam niyang hindi siya mananalo sa pasaway na dalaga.

Pagkapasok ni Mai ay aalis na rin sana si Dave pero biglang dumating si JM na agad lumapit sa kanya.

"Dave bakit ka nandito?"

"Oh pinsan kumusta?"bati ni Dave na binawala ang tanong nito at tinapik ito tanda ng pagbati.

"Bakit ka nga nandito?" medyo nairitang ulit ni JM. Ayaw niyang magduda pero hindi niya mapigilan ang sarili.

"Galit ka ba?"

"Kapag hindi mo pa rin ako sasagutin matamaan ka na talaga! "

Napahalakhak si Dave sa nakikitang galit sa mukha ng pinsa. "Easy lang, alam mo halata kang nagseselos e, kung ako sa'yo bilis-bilisan ko ang diskarte," pang-aasar ni Dave na binalewala ang nagbabagang galit.

"May gusto ka ba kay Mai ha?" halatang ng galit si ang kanyang pinsan na lalo niyang ikinatuwa.

"Aba syempre, gusto ko ang isang iyon...oooppsss patapusin mo muna ako," agad na dugtong ni Dave ng mahalatang lalong nagngitngit ang pinsan baka masuntok pa siya nito. "Gusto ko siya bilang kaibigan lang okay? At kung bakit ako nandito ay ginawa lang naman akong driver ng 'wife to be' mo kaya ayusin mo na ang problema ninyo ha at ang hirap pumagitna sa inyo parehong may sumpong," natatawang paliwanag ni Dave.

------

"Excuse me Miss, pwede kay Miss Maitha Mendez?" tanong ng isang delivery boy sa receptionist ng kompanya na narinig naman ni Mai.

"Yes? I'm Maitha Mendez,"agad na lumapit si Mai na hindi nakatiis.

"Ah good morning ma'am delivery po," ani ng delivery boy.

"Para sa akin?"paninigurong tanong ni Mai na tinuro pa ang sarili. Wala siyang maisip na magbigay ng chocolate o hindi naman siya nag-order lalo pa at walang okasyon.

"Yes ma'am, paki sign nalang po,"turan nito at inilapag sa reception desk ang dalawang box ng chocolate at tinawag ang kasama niya na may hawak na dalawang bouquet of flowers.

"Two bouquet and two box of chocolate?" hindi makapaniwala na tanong ni Mai, akala niya chocolate lang.

"Yes po ma'am, dalawa po ang sender."
Lalong naguluhan at nagtaka si Mai, naghula-hula na siya sa isipan ng tanggapin ang mga bulaklak.

Agad niyang kinuha ang nakaipit na cards na nakaipit sa bawat bouquet parehong may card ang dalawa.

First card.

'You're as beautiful as this flowers.'

Secret Admirer

Second card.

'I miss your smile
I miss you.'

Anonymous

"Ha...niloloko ba ako ng nagbigay nito?" mahinang sambit niya na lalong nagsalubong nag kanyang kilay.

"Oh wow! flowers, ang dami mo yatang admirers," nakakalokong sabi ni Joanna na biglang sumulpot.

"Ah Ellen," baling ni Mai sa receptionist na hindi pinasin ang babaeng kinaiinisan.

"Yes Ma'am?"

"Bahala ka na sa mga iyan kung hati-hatian ninyo o itapon, ikaw na bahala sa mga 'yan."

"A-ah h-ho? Ah ok ma'am!"

"At saka huwag kang magpapasok ng kung sinu-sino lalo't walang business appointment, kahit sino pa ang sabihin nilang kakilala nila, maliwanag ba?" wika ni Mai na nakatingin kay Joanna.

"Ako ba pinaparinggan mo ha?" inis na sita ng babae.

"Bakit tinatamaan ka ba?"
“Aba! Huwag ako ang galitin mo at baka ilampaso ko ang pagmumukha mo,” aniya sa isipan.

"Hoy babae! Huwag kang pakasiguro na hindi ka matatanggal kahit ano pang posisyon mo dito! Para kang kung sino ah, huwag kang magmagaling!" hindi na napagilan ni Joanna ang inis at napataas ang boses nito.

"Hoy malandi! Huwag ka rin pakasiguro na kahit babae ka ay hindi kita kayang ipakaladkad sa gwuardiya palabas! Alalahanin mo outsider ka lang dito!"

I'M A MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon